Special Chapter

398 6 0
                                    

A/N : gagawin kong title ng ating special chapter ay Lines Between Maybe. If hindi po kayo curious sa love story ni Chantal at Chaleb , it is okay to skip this one.

Special Chapter 1 (The Alpha and Omega)

"Chantal , ano yang dala mo?" Tanong ng bestfriend kong si Alyanna.

"Ah , ito ba?" Turo ko pa sa dala kong lunch box na bigay ni ate Clementine.

"Oo ayan!" Sabi naman ni Charize sa akin , bestfriend ko rin.

"Pina baon ito sa akin ng helper namin sa bahay , magaling kasi siya mag luto and naging Favorite ko rin kasi yung strawberry jam niya kaya naman gusto kong baunin para maipatikim ko rin sainyo mamaya kapag break time" sabi ko pa at sabay namang tumango sa akin si Charize at Alyanna

"Alam niyo ba mayroon daw tayong pogi na prof!" Pag ku kwento pa sa amin ni Alyanna.

"Ikaw talaga puro nalang gwapo ang nasa isip mo!" Sabi naman ni Charize.

"Hay nako , kayong dalawa talaga! Minsan iniisip ko paano kaya nag ka sundo eh palagi kayong nag ba bangayan!" Sabi ko pa at nagulat ako noong biglaang tumahimik ang lahat dahil pumasok na ang prof namin sa araw na ito.

"Good Morning Class , i am Chaleb Jameson Alcantara, CJ for short. I am a sub professor for fine arts dahil wala si Ms. Dela Vega." Sabi niya pa at tumango tango naman kaming lahat.

Lumingon ako saglit sa tabi ko at nakita kong naka tunganga yung dalawa. Nako pag gwapo talaga madaling matulala ang dalawang 'to.

Habang nag tuturo si Prof. Cj napansin ko na parang ang familiar ng name niya , saan ko kasi narinig?

Hindi ko nalang inisip kung saan ko siya naaalala at nag pa tuloy nalang ako sa pakikinig.

Noong natapos ang discussion ay nag bigay ng Note si Sir Cj na mag ka karoon kami ng recit next meeting kaya mag aral kami.

"That's all class , see you again next time!" Pag ka sabi na pag ka sabi noon ni Sir Cj ay umalis na agad siya dala ang libro at laptop niya.


"Grabe ang gwapo talaga ni Sir , nakaka inis naman na sub lang pala siya!" Sabi sabi pa ni Charize.

"Wag na muna sana bumalik si Ms. Sidra Dela Vega para naman si Mr. Alcantara muna ang sa atin. Kilig ako noong nagtuturo siya! Umiigtinging ang panga sis!" Kinikilig pang sabi ni Alyanna.



"Hay nako , hindi ko alam sainyo! Kain nalang tayo" sabi ko pa at inilabas ko na ang aking baon na Strawberry Jam at Waffle para mapag saluhan naming tatlo.




"Grabe! Ang sarap naman pala talaga nito Chantal!" Gulat na gulat na sabi ni Alyanna at tumango ako habang naka ngiti sakaniya.



"Oo nga grabe , dala ka pa bukas!" Sabi naman ni Charize.

"Araw araw mag dadala ako iba ibang klase ng bread! Super sarap niya talaga mag luto promise , next time punta kayo saamin para matikman niyo mga dish na niluluto niya!" Sabi ko pa at excited naman silang tumango sa akin.


Noong umaga ay sinabi na kaagad ng mga prof namin na wala kaming gagawin kaya naman wala na kaming klase after ng subject ni sir Cj. Umuwi na ang dalawa kong kaibigan at napag desisyonan kong mag review nalang sa library para sa recit namin next meeting kay sir Cj.

Habang papasok ako sa building ay napansin kong nag lalakad din papasok ng building si sir Cj kaya naman medyo nakaramdam ako ng hiya. Nakita ko na pinag buksan niya iyong isang lola na nahihirapan itulak ang pinto ng building.

Lines Between Us (DonKiss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon