Kabanata 19

290 11 0
                                    

Grand opening

Bago sa akin ang tahimik na buhay kaya palagi kong iniisip na naka masid lang ang senyora at anytime gagawa na siya ng galaw niya pero hanggat wala pa naman ay ieenjoy ko na lahat ng bagay lalo na ang saya na alam kong panandalian lamang.

"Ate tara na kasi!" Sigaw ni Lesyel sa akin habang nag si swimming

"Mamaya nalang!" Sabi ko at pumunta kay manang


"Oh bakit nandito ka iha?" Tanong saakin ni manang


"Ah tutulungan na ho kita riyan manang" nakangiti kong sabi



"Eh bakit hindi mo samahan si Maverick?" Tanong ni manang at ngumiti saakin


"Manang naman , nang aasar ka po ata eh!" Sabi ko kay manang pero hindi na iyon nasundan dahil narinig kong mayroong nag doorbell kaya naman tumakbo na ako para mabuksan ang doorbell nagulat ako noong dalawang babae ang bumungad saakin



"Good Morning po ma'am sino ho sila?" Tanong ko sa dalawang babae at ngumiti naman sila



"Bisita kami ni Maverick , andiyan ba siya?" Nakangiting tanong noong magandang babae. Ang ganda nilang dalawa para bang mayaman na mayaman dahil pati ang kutis ay pang mayaman!!





"Ah opo , pasok napo kayo" sabi ko at tinuro ang daan




"Ang bait mo naman , swerte nila saiyo" naka ngiti pang sabi noong isa na cute rin



Noong naka rating na kami sa poolside ay ma bilisan din pumunta si sir Maverick papunta sa amin.



"Sir mga kaibigan niyo ho" sabi ko at aaktong aalis na sana ngunit hinila niya ang aking kamay




"Clementine , this is Jemaica"  pagturo niya roon sa cute na babae kanina


"Ito naman si Reika" turo niya roon sa maganda


"Clementine Eloise" pakilala ko at naglahad ng kamay sa kanila




"Siya yung sinasabi ko sainyo na nililigawan kong kaka graduate lang tapos business yung natapos , cumla yan!" Proud pang sabi ni sir Maverick



"Wow Maverick! You're off age na and she's what? 23?" Natatawa pang sabi ni ma'am Jemaica


"Ma'am 26 napo ako" nakangiti kong sabi




"Pinag tatanggol mo pa talaga tong panget mong manliligaw eh noh! Tara nanga doon tayo sa sala at pag uusapan natin ang business na ioopen natin" sabi naman ni ma'am Reika




"Sige na nga po!" Sabi ko at tinuro ko na sa kanila kung nasaan ang sala.





Maayos ang naging pag uusap at tila isang isang iglap ay ilang araw na ang lumipas , ganoon siguro talaga kapag masaya at kuntento kana sa lahat ng pangyayare sa iyong buhay. Masaya at mabilis ang lahat.




Unknown number

Hindi pa ako tapos.




Pag ka basa na pag ka basa ko palang non ay tumaas na ang balahibo ko at alam ko na kung kanino galing iyon.




Positive vibes Clementine!!


Tumayo na ako at sumayaw sayaw pa habang papunta sa kusina.




"Ang saya mo naman ata ngayon Clementine?" Tanong sa akin ni ate Rina




"Masaya naman po ako palagi eh!" Sabi ko at nagsimulang mag luto ng kani kanilang almusal.





Lines Between Us (DonKiss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon