Sa ilalim ng katamtamang sikat ng araw, mahinang humahampas ang hangin sa katawan ng mga estudyanteng nagsisidatingan na sa gitnang bahagi ng paaralan. Maaga pa naman bago ang nakatakdang oras para sa magaganap ngayong araw.
Maraming mga upuan ang nakahilera sa kanan at kaliwa, samantalang sa gitna naman ay may puwang. Ang entabladong ginawa mismo ng mga manggagawa sa eskwelahan, ay napapalibutan ng mga bulaklak sa gilid nito.
Nakasulat naman sa gitnang bahagi ng entablado ang isang titulong sumisimbolo sa mangyayari ngayong araw. Ang pagtatapos.
Maya-maya pa ay unti-unti na dumadating ang mga estudyante kasama ang kanilang mga magulang. Palinga-linga ang isang babaeng maputi at tuwid na tuwid ang itim na buhok.
"Mommy, hanapin ko lang po si Andeng, bye!"
"Linda! Ikaw talagang bata ka."
Walang nagawa ang nanay nito kundi ang makipag-kwentuhan sa ibang magulang na naroon. Dali-daling pumunta si Linda sa kanilang silid at nagbabakasakaling baka makita nito ang kaibigan niya. Ngunit pagdating doon ay nadatnan niya lamang sila Carding.
"Chichay, nakita mo si Andeng?" tanong nito sa kararating lang.
"Hindi e. Baka mamaya pa yon, magpapaganda yon para kay Berting," pang-aasar nito.
"Eww, baka kay Kuya Zedong," natatawang sabi niya.
Imbes na sila ang unang tumawa, naunang humagalpak ng tawa si Penny na kagaya ng dati, nakikinig na naman sa usapan. Sari-saring ulo ang nagsilabasan at di pa nakuntento, nagtanong pa.
"Bakit ka tumatawa Penny?" tanong ni Belinda na dalagang-dalaga sa suot nitong damit na puti.
"Wala lang. Gusto ko e, tawa ka rin," pang-iinis nito.
Wala man lang ka-alam-alam ang lahat na hindi pa kumikilos ang dalaga na si Andeng, palibahasa'y may dalawang oras pa siya para mag-ayos ng sarili.
Nakasimangot na tinititigan nito ang mukha sa harap ng salamin habang nilalagyan ng kolorete ang kaniyang mukha. Hindi naman iyon makapal, tama lamang ang paglagay ng foundation sa mukha nito, kulay rosas sa bandang pisngi at manipis na kulay pula sa labi.
"Ayan! Perfect!" sigaw ng baklang kapit-bahay nila.
Tinitigan ng isang dose anyos na dalagita ang mukha nito, sadyang walang nagbago. Kayumanggi ang makinis nitong balat, maliit ang mukha, tumangkad na hindi gaya ng dati na maliit. Higit sa lahat, kulot pa rin ang buhok na sumisimbolo sa nagngangalang Andeng.
"Hala siya't ngumiti ka naman! Kukuhanan kayo ng litrato noh! Ate Helen! Bilisan na natin jusko! Mala-late na si Andeng!" sigaw ng bakla na mas dinaig pa ang nanay kaya natawa si Andeng.
Lumabas agad ng bahay si Helen na nanay ni Andeng, simple lamang ang suot nito. Nakangiting lumapit ito sa anak na preskong-presko sa suot na puting bestida.
Nagsimula ng maglakad ang mag-ina nakakapagtaka lamang dahil nakatingin sa kaniya ang mga kapit-bahay niya. Hindi tuloy nito maiwasang mahiya lalo na't ngayon lamang siya nagsuot ng gano'n.
"Ate Bakeng, bakit po sila nakatingin sa akin?" bulong ni Andeng.
"Nu kaba! Maganda kasi 'yong make-up mo, pinadala to ng afam ko," kindat na sabi nito dahilan para mapanganga ang dalaga.
Nawala naman ang kaba nito nang makaratint sila sa kalsada upang sumakay na lamang. Marami na rin kasi ang kasabayan niyang nakasuot ng kulay puting mga damit.
"Ate Helen," pangangalabit ng bakla sa nanay ni Andeng nang makasakay sila.
"Bakit iyon?"
"Grabe naman, tingnan mo oh, para tayong pupunta ng lamay nito. Nakaputi lahat ng nakikita ko," turo niya sa kalsadang may mga naglalakad na estudyante.
BINABASA MO ANG
The Doughty Tawny | Completed
Non-Fiction[ELEMENTARY SERIES 04] Being bullied because of having a dark skinned, curly hair, felt stupid in mathematics that everyone's hate, and chose to become a puppet by your so-called friend just to stay with them. Have you ever experienced one of those...