Chapter 10

25 10 7
                                    

"Zedrick, nakapag-saing ka na ba? Pasensya na at ngayon lang ako, marami kasing labahin sila Ate Tessie," sambit ng nanay nito na basang-basa ang laylayan ng damit. 

Napa-angat ang tingin nito sa kaniyang nanay na matamlay at namamayat na sa kabila ng pagiging bata pa nito. Maagang nakapag-asawa ang kaniyang ina at pinagbubuntis pa lang si Zedong ay inaabuso na ito. 

Tumango ang batang lalaki at saka mahinang tumango.

"Opo, ma."

Muling bumalik ito sa pagsasagot sa kaniyang takdang-aralin, dilat na dilat ang mga mata at pinipilit na makita iyon sa kabila ng malabong ilaw na nagmumula sa bumbilya na malapit nang mapundi.

Nagkakasya lamang sila sa isang maliit na dampa na pinagtagpi-tagping mga kahoy, maingat lamang ang paghakbang nila dahil may mga maliliit pang bata na nakahiga sa papag. Isang apat na taon at ang dalawang taon na nahihimbing sa pagtulog.

"Hindi pa ba dumadating ang papa mo?" mahinang tanong ng nanay nito na nakaupo na sa tabi ng dalawang bata.

"Hindi pa po. Nakikipag-inuman pa po sa kabilang tindahan," walang ganang sagot niya.

Narinig na lamang niya ang isang buntong hininga na madalas na gawin ng nanay nito. Pasimpleng natigil si Zedong sa pagsusulat nang mahagip ng paningin nito ang braso ng kaniyang ina na may pasa na naman, nakahilera ang mga iyon na animo'y inayos ang pagbubogbog.

Nailing ito.

Hindi nito maiwasang magtaka dahil ni hindi man lang siya nakarinig ng kahit na anong pagrereklamo mula sa nanay nito sa kanilang dinadanas. Ano bang dahilan bakit ayaw niyang iwanan ang asawa niya? Martyr.

"Zedrick, 'wag mong pabayaan ang pag-aaral mo a, pumasok ka lang, hayaan mo na akong magtrabaho dahil kaya ko naman. Sinasaksipisyo mo ang pag-aaral para lang makakain tayo, mali yon Zedrick," isang pangangaral ka nagmula sa nanay niya.

Binitawan nito ang lapis at matamang tumitig sa nanay niya, hindi dahil galit kundi sa puno ng pagtataka. 

"Bakit si papa? Tama po ba 'yong ginagawa niya? Lagi niya tayong sinasaktan, lagi niyang sinusumbat sa atin lahat," inis na sambit nito at saka nagbalik sa pagsusulat. "Wala akong tatay," isang bulong sapat na para hanginin iyon sa kawalan.

May punto siya. Hindi naman maiiwasan na umuwing pagod ang mga magulang galing sa trabaho at ibunton sa anak ang galit... Lahat naman ata nararanasan ang gano'n at hindi iyon maiiwasan. Ngunit ang nakakapagtaka lang din para sa mga bata ay ang panunumbat ng magulang. Isinusumbat lahat na anak mismo ang dahilan bakit sila napapagod sa pag-ta-trabaho upang mapakain ang mga ito na kung tutuusin ay resposibilidad nila. Wala silang karapatan na manumbat dahil obligasyon nila iyon.

Pero bakit sa panahon ngayon, bata na ang nagtatrabaho, hinahayaang lumipas ang panahon na dapat sana'y may natututunan at ayon, nagbubuhat ng mabibigat, pinapasok ang kung ano-ano kapalit lamang ng mangilan-ngilang barya, basta't may pang-laman ang tiyan.

Bakit habang nagbabago ang panahon, nagbabago na rin ang pananaw ng isang magulang sa kanilang anak. Hindi inilabas ang bata sa mundo para sila mismo ang gumawa ng mga bagay na dapat ay magulang, karapatan ng bata ang mag-aral at hindi ang magtrabaho.

"Zedrick!" 

Isang sigaw na nanggagaling sa masisira ng pinto. 

Amoy alak at halos mamula na ang mga mata nitong nakatitig sa mag-ina at sa mga batang nagising dahil sa ingay ng ama.

"Nasaan ang kinita mo kay pareng Tolits? Balita ko nagtatrabaho ka na, a? Akin na at pakikinabangan ko naman," kalmadong sabi nito.

Nakakuyom ang kamay ng binata sa ilalim ng maliit na mesa, titig na titig sa ama na kaunti na lamang ay gustong-gusto na niyang saktan... Kahit na ama niya iyon. 

The Doughty Tawny | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon