"Kailan pa naging kaibigan ang anino?" nagtatakang tanong ni Zedong.
Halata sa mukha nito ang gulo at ang mga labi nito ay halatang gustong ngumiti dahil sa pinagsamang gulo at pagkamangha sa bata. Kinamot ni Andeng ang kaniyang kulot na buhok at ngumusong tumingin sa lalaki.
Hindi nito alam kung ipapaliwanag ba niya o hindi na lang papansinin dahil isa rin ang lalaking ito sa mga nang-aasar sa kaniya.
"Sabi kasi ni nanay, ang totoong magkaibigan hindi raw nag-iiwanan," diretsong sambit nito.
Kinailing iyon ng binata. Salungat ito sa sinabi ng batang Andeng.
"Alam mo, Deng, tama ka naman. Ang totoong magkaibigan hindi nag-iiwanan. Pero anino mo 'yan, talagang hindi lalayo 'yan sa 'yo. At isa pa, kahit anong gawin mo hinding-hindi ka niyang kakausapin," pagpapaliwanag nitong dinaig ang nanay ni Andeng.
Kumunot ito at hindi alam ang sasabihin sa sinabi ni Zedong na ngayon ay gusot ang noong pilit na tinitingnan ang katirikan ng araw at nang hindi kinaya ay muling bumaling kay Andeng.
"Hindi mo naiintindihan noh? Ayos lang 'yan, math nga di mo ma-gets e," natatawang dagdag nito.
"Tara nga, Deng, doon tayo sa ano, ayon oh!" turo nito sa harapan nila.
"Sa puno?"
"Hindi. Sa ano, teka nga. Oo tama! Tara sa tree, malilim doon. Baka mamaya masunog 'yang buhok mo," seryosong sabi nito saka nagsimulang maglakad.
Sumunod naman sa kaniya si Andeng na nakakunot pa rin.
"Tree? Eh puno rin naman 'yon. At saka bakit Deng ang tawag mo sa akin? Andrea ang pangalan ko, Andeng ang tawag ni nanay sa akin," pagkaklaro nito sa lahat.
Lumingon sa kaniya si Zedong nang makarating sila sa puno na sinasabi nito.
"Eh gusto kong tawaging tree 'yong puno eh. At saka, parte naman ng Deng 'yong palayaw mong Andeng," diretsong sabat nito.
Tumango na lamang ang batang kulot saka naupo sa ilalim ng puno. Walang nagsasalita, nakatingin lamang sila sa malayo kung saan nandoon ang mga kaklase nilang naglalaro.
Kumuha ng maliliit na bato si Zedong saka binato-bato iyon sa kung saan-saan. Si Andeng naman na napapakamot ng mata sa tuwing humahangin ng malakas dahil sa mga buhangin na pumapasok sa kaniyang mata kaya siya napupuwing.
Para lamang silang normal na magkaibigan, hindi naman takot si Andeng sa kahit na kaninong nag-aalok sa kaniya lalo na kung kilala naman niya. Wala rin dahilan para tanggihan niya ang alok ni Zedong dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na alukin siya ng kahit na sino.
At isa pa, tinuruan siya ng nanay niya na huwag sumuway sa mga utos... Dahil masama raw iyon.
"Nga pala, Deng. Ano bang meron dyan sa buhok mo at bakit lagi ka nilang inaasar? Hindi lang ako nakapasok ng ilang buwan tapos inaaway na kayo. Hindi ka ba nag-sha-shampoo?" sunod-sunod na tanong nito.
Ilang buwan nga siyang nawala dahil sa problema sa pamilya, lalo na sa tatay nito na inaabuso ang kanilang nanay pati silang mga anak. Idagdag pa ang pagiging tamad nito kaya iyon ang dahilan kung bakit din dalawang beses itong umulit ng pag-aaral kaya nanatiling grade three.
Kumamot ng ulo ang batang Andeng saka umiling.
"Hindi ko alam e. Basta na lang nila ako inaasar na kulot. Wala naman ginagawang masama yong buhok ko e," dahan-dahang sagot nito.
"Gumaganti ka?" sunod na tanong nito.
"Hindi eh."
"Bakit?"
BINABASA MO ANG
The Doughty Tawny | Completed
Kurgu Olmayan[ELEMENTARY SERIES 04] Being bullied because of having a dark skinned, curly hair, felt stupid in mathematics that everyone's hate, and chose to become a puppet by your so-called friend just to stay with them. Have you ever experienced one of those...