WAKAS

291 8 0
                                    


Tashia Doctolero.

Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa tiyan ko. Anong problema ng babaeng ito? At sino ba siya para tignan niya ako ng ganito kasama? Hindi din ako nagpatalo at tinaasan ko din siya ng kilay.

"what the hell are you doing here bitch?!"

"hindi mo man lang ba ako papasukin?" i don't care kung maging masama at rude ako sa paningin niya. Ganon ako! Yang ang totoong ugali ko.

"tsk! No thank nalang ms. Doctolero. Baka mahawa pa ako sa kalandian at kasinungalingan mo." ngumiti ako ng pilit sa kanya. Kung hindi lang din buntis itong babaeng to baka natadyakan ko na ito ngayon. "by the way, bakit ka pala napunta sa lugar ko?"

"hinaha-" pinatigil niya ako gamit yung kamay niya.

"wala kang makuha sa akin. At wag kana ding umasa na makikita mo pa siya. after you hurt him, do you still have the courage to look for him?." napayuko ako sa sinabi niya. "wa kang umasa ms. Tashia doctorelo. Sinaktan mo siya, you think he'll come back to you? Hindi mo kilala si harvey girl, pero ito lang masasabi ko sayo. Once na nasaktan na yun lalaking yun, i told you, wag ka ng umasang babalik o magpapakita pa siya sayo."

"but....i love him." mahina kung sabi kay kesha. Isa sa matalik niyang kaibigan.

Napatawa siya. "you love him? Kaya mo siya sinaktan? Really? Swerte mo nga dahil minahal ka ng isang harvey de loughry. Masarap siyang magmahal. Masungit man siyang pero maalaga at napakabuti niyang tao."

"i know." inangat ko yung tingin ko kay kesha. Kailangan kona talagang makita si harvey. Miss na miss ko na siya.

"alam mo pala. Bakit mo siya sinaktan? Bakit mo pa siya hinanap ngayong may asawa kana? And look, your pregnant. Kapal naman ng mukha mong hanapin pa siya."

Lumapit ako kay kesha di dahil gusto ko siyang sampalin. "mahal na mahal ko siya. Pati ako hindi ko din alam kung bakit ko nagawa sa kanya yun. And this?" turo ko sa tiyan ko. "sa kanya to, baby namin ito. Nabou ito sa pagmamahalan namin ni harvey. Handa din naman akong masaktan para sa kanya. Handa kung itaya ang buhay ko para sa taong minahal ko ng matagal na taon." kusang lumabas ang mga luha sa mata ko kahit anong pigil ko.

"he's gone." sabi ni kesha.

"I will look for him wherever he is. Hahanapin namin siya ni baby......... At Hihintayin namin siya kahit gaano pa ito katagal."








Happy 5months baby.

Napangiti ako ng mapait. Ilang buwan na namin siyang hindi nakikita, miss na miss ko na talaga siya. Miss na miss namin siya ni baby. Hindi ko naman talaga intesyon na saktan siya. Kaya ko lang ginawa yun dahil gusto ko munang ayosin ang sarili ko. Ang gusot ng nakaraan ko. Lalo na sa harry na yun. Nalaman ko kasing may pinaplano siya kay harvey, gusto niyang ipahiya si siya sa sarili niyang company. Kaya ang ginawa ko ay sinira ko lahat ng plano niya.

Nasira ko nga si harry sa publiko, nawala naman yung mahal ko, yung kasiyahan ko, yung ama ng baby ko.

Pati sila kiven at yung ibang kaibigan niya natanong ko na pero pati sila hindi din nila alam, pati yung kuya at yung babaeng minahal niya dati na asawa na ng kuya niya ngayon, Wala din silang alam kung saan ba talaga si harvey.

"anak." napalingon ako sa likod ko. Ngumiti ako ng mapait. "dad, i'm sorry. Ng dahil sa akin nawala lahat ng meron tayo dati." lumapit si daddy sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Napahagulhol tuloy ako.

"mahal ka namin ng mommy mo, handa naming gawin lahat para sayo. Hindi naman importante sa amin ang lahat ng yaman anak. Ang gusto lang namin makita kang masaya. Kami ang dahilan kung bakit ka ganito ngayon."

The Girl In The Jungle[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon