Ang Kanyang Buhay

152 7 0
                                    

PROLOGUE

Lasing na naman ang ama ni Elle, expected na talaga iyon.

''Elle mag-utang ka ng sigarilyo kina Aling Nene! pabulyaw na utos nito.

''Tay hindi na po tayo pinapautang doon, masyado napong malaki ang utang natin sa kanila,''aniya

''Aba't sumasagot kana pala ha?'' galit na sambit nito, lumapit ito sa kinaroroonan nya at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya, na halos ikinabingi nya. Hindi nya mapigilang umiyak, pero ipinaglaban parin nya ang kanyang sarili.

''Tay, ba't po ba kayo ganyan? lahat naman po ng utos at ipinapagawa nyo ginawa ko. Pati pa nga resposibilidad mo bilang ama ginampanan ko! Lahat ng pagkukulang mo sa pamilyang to, pinupunan ko! hindi po ba kayo naawa sa akin? o sa amin? buti pa ng ang mga manok nyo, minahal at pinapahalagahan mo! ehh, kami na mga anak mo? pinapalo't sinasaktan nyo!

Lalo itong nagalit sa mga sinsabi nya. Nasabi nya ang lahat ng yon dahil sa sama ng loob. Hindi na talaga nya kaya ang mga pang-aabuso nito. Isang sampal na naman ang kanyang natamo.

''Ang batang ito, walang galang! bwisit,'' anas nito

''Kung nawala man po ang galang ko?dahil yon sa inyo!

''Lumayas ka sa pamamahay ko!Layas!''sigaw nito

''Ben tama na,Elle pgpasensyahan mo na ang papa mo ha?''nangingiyak na saad ng kanyang ina

''Wag mong pigilan ang batang yan Martha!''

''Ben pwede ba tama na?''

Patuloy parin siya sa pag-eempake ng kanyang mga gamit, maya-maya lumabas na siya sa silid at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay. Narinig niya ang panay na pagtawag ng kanyang ina at ang pag-iyak ng kanyang mga kapatid. Patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha.

''Babalik ako mama! sa tamang panahon, babalik ako!

babalikan ko kayo, pangako!,''anang kanyang isip.

Ang PagbabalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon