Chapter 2

90 6 3
                                    


Napabuntong-hininga nalang siya.

"Elle Zamora,sapat na bang sagot yon?" mahinahon niyang sabi.

Napanganga ito,parang hindi makapaniwala. Hindi sana niya gustong ipaalam dito ang pangalan niya.

Oo, many knows her by name. Sa tuwing mag sponsor o magdodonate kasi siya, hindi niya pinapayagang makita ang hitsura niya lalong-lalo na sa telebisyon.

Ayaw niyang tratuhin siya ng maayos ng mga tao dahil lang sa impluwensya niya.

Gusto niyang mamuhay ng simple. Kahit siya ay isa sa mga pinakama- empluwensyang tao sa mundo.

Kalat na kalat sa buong mundo ang pangalan niya pero hindi ang mukha.

Sinamantala niya ang pagkatigalgal nito.

Inalalayan niya ang kanyang waitress at iginiya sa office niya.

"Forgive me ma'am,please don't fire me. Kailangan ko po ang trabaho ko", paki-usap ng kanyang waitress.

Kumawala siya malalim na hininga.

"It's your fault,but I understand your situation" aniya

"Salamat po ma'am,maraming-maraming salamat po." nangingiyak na saad nito.

"But be sure to be carefull next time",naaawang sagot niya dito.

"Opo, Salamat po ulit ma'am"

"You're always welcome,magpalit ka na ng damit para makabalik ka na sa trabaho mo" tipid na ngiti ang kanyang naging tugon sa pasasalamat nito.

Ayaw niyang makakita na may naapi. Lalong- lalo na ang mga taong mahihina.

Dahil ayaw niyang makita ang sarili niya noon sa mga ito.
Bully siya noon, naging miserable ang buhay niya ng dahil sa mga taong mapang-api.

I want to go back... Philippines here I come.... humanda na kayo!

Ang PagbabalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon