Chapter 4

36 5 0
                                        


"Wag ka sanang magalit Eja, a-ang..ang t-tatay mo kasi......n-nasa h-hospital." nauutal na saad nito.

Nabitin sa ere ang isang kutsarang pagkain na isusubo sana niya.

"Yun lang ba manang? If yes, well wala na akong magagawa diyan, siya ang pumili ng buhay niya hindi ako.", kaswal na saad niya dito habang pinupunasan ang gilid ng kanyang bibig. Nawalan tuloy siya ng gana.

Ayaw niyang magpaapekto sa sinabi nito. Hindi niya pwedeng pairalin ang kanyang emosyon.

Tumango ito. Tumayo siya at nagpaalam dito, nakasalubong niya si Denise sa sala. May kausap ito sa cellphone at agad naman nitong pinatay ng makalapit siya.

"Oh good morning! Guess what?! I have a good news, Elle! Alam ko na kung saan hahanapin ang so called best friend mo." binigyang diin nito ang pagsabi ng soo called best friend.

"Nakita siya ng private investigator natin, at alam mo ba kung sino ang kasama niya? Eh di ang magaling mong boyfriend! Este ex-boyfriend pala." pagpapatuloy nito.

Natigilan siya sa narinig. Limang taon na ang nakararaan, pero apektado parin siya.

Oo limang taon.. limang taon na ang matuling lumipas pero hindi ko mapigilan ang sarili na masaktan. I can't help it.. Stop it Elle? Nandito ka para gumanti, hindi magpakatanga! Kastigo niya sa sarili.

"So? Ano na? Gusto mo aksyonan na natin?" ani Denise ng hindi siya sumagot.

"Not now! ang aso kapag tumatahol bibigyan mo ng pagkain para tumahimik." aniya na kumawala ng nakakalukong ngiti.

"In short 'amuhin', nakangisi ring sabi nito.

"Exactly!",aniya

Tignan mo nga naman, ang tadhana na mismo ang tumulong sa'kin.

Let the game begins...

Ang PagbabalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon