5 YEARS LATER ROME,ITALY
Mugtong-mugto ang mga mata ni Elle, kagagaling palang niya sa libingan para ihatid sa huling hantungan ang kanyang namamayapang ina na si Lovenia Zamora.
Ms. Lovenia suffered a lung cancer na siyang ikinamatay nito.
Alam na niyang kahit anong oras ay pwede itong mamamaalam sa mudong ibabaw. Akala niya ay napaghandaan na niya ang tagpong iyon. But she's wrong she could'nt believed that she's gone, ang taong kumupkop sa kanya for 5 years, ang tumulong sa kanya para maabot niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Ms. Lovenia treated her like her own, nakita siya nito na nakahandusay sa kalsada limang taon na ang nakakalipas. Pinalitan nito ang apilyedo niya at pina-paaral sa Italya, na kasalukuyang tinitirhan niya.
Ni hindi ito nagdalawang isip na ipamana ang lahat ng kayamanan nito sa kanya. Nag-iisang anak lang ito kaya solo nitong namana ang lahat sa magulang. Hindi na naghahabol pa sa yaman nito ang mga kadugo nito.
At her age of 21, she could'nt believed that she's a multi-millionaire right know! Parang kahapon lang ay naghihirap pa siya. Pero ngayon, kaya na niyang bilhin ang lahat, she took a deep breath.
She cannot help to remember the last time they talked...
''It's been a long time Elle, panahon na para harapin mo uli sila,'' nanghihinang sad nito
''Napag-planuhan ko na po iyan mom, I think it's time for my sweet revenge,'' aniya
''Limang taon narin ang lumipas anak, ang kailangan mo ay pagpatawad,'' anito
''Mahirap pong patawarin ang mga taong nanakit at sumira sa buhay mo, ngayon handa ko ng ipamukha at iparamdam sa kanila ang hirap at sakit na pinagdaanan ko noon,'' malungkot niyang sagot
''Nasa iyo parin ang desisyon anak, pero sana matoto kang magpatawad at lagi mong tatandaan na narito ako lagi para sa iyo,'' naiiyak nitong wika
''Salamat po sa lahat mom, I can't have all this success without your full support, I love you soo much mom,'' umiiyak narin niyang sagot
''I will always love you anak, kahit hindi ka galing sa akin ay tunay na anak parin ang turing ko sayo,'' anito
''Thanks for everything mom,'' aniya
--------------->END OF FLASHBACK<-----------------
ZAM'S RESTAURANT ROME,ITALY
ELLE'S POV
''Shit! di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo ha, tanga?'' anang isang costumer sa isang pobreng waiter
''S-s-sorry po ma'am, di ko po sinasadya,'' anang pobreng waiter
''Sorry? matutuyo ba ako sa sorry mo ha? at baka hindi mo kilala ang nakakabangga mo?'' sakrasmong wika ng malditang costumer
'' Sorry po talaga ma'am,'' paumanhin ng waitress habang pinupulot ang mga basag na wine glass.
Hindi na nakuntento ang costumer, sinambunutan pa nito ang kawawang waiter. Kung kanina ay nakamasid lang si Elle pero hindi na nagayon, naawa na siya sa waiter. Sumusubra na kasi ang malditang costumer na iyon. Kaya nilapitan niya ang mga ito.
''Pwede ba tama na? nakikita mo namang nasasaktan na yung tao di ba?'' suway niya sa malditang yun
''Ano bang paki mo? ba't ka ba nakiki-alam?'' mataray na tanong nito sa kanya
''Tao din siya, nasasaktan! don't treat her like a pig coz she's a human! Kailangan pa bang malaman ang estado ng buhay ng isang tao para tratuhin ng maayos? '' balik tanong niya dito
''So? You want me to treat her like princess? baliw kana ba? Me? an actresss, gusto mong makibagay sa kanya?'' mataray nitong sagot
''I'm not telling you to do so, I just want you to treat her as a human!'' aniya
''Ang lakas din ng loob mo na kalabanin ako no? Baka gusto mong mawalan ng trabaho ha, bruha?'' mayabang na saad nito
Napagkamalan tuloy siyang empleyado sa restaurant na iyon, paano ba naman kasi eh, naka uniporme siya. Hahayaan nalang niya ang maling akala nito, mas makabubuti iyon.
''I don't want to waste my time talking to a brat like you!'' aniya
''How dare you to say that to me!'' asik nito
Maya-maya ay tinawag nito ang guard sa naturang lugar, ng nakalapit na ang kwardiya ay nagulat at naguguluhan ito sa nakita.
''Oh ano? Tutunganga ka nalang ba diyan? puro mga tanga! palibhasa walang pinag-aralan!'' dag-dag pa nito
Parang hindi ata niya nagustuhan ang tono ng pananalita nito. Hinarap uli niya ang malditang costumer na iyon.
''Matoto ka naman sanang makihalubilo sa kapwa mo! tayong mga pinoy na nandito ay dapat magtulungan, at wag mo sanang kalimutan at talikuran ang lahing iyong pinagmulan!'' pangaral niya dito.
''At sino ka ba para pagsabihan ako? sino ka ba talaga?'' galit na tanong nito.
''Do you really want to know who I am?'' tanong niya dito.
BINABASA MO ANG
Ang Pagbabalik
General Fiction''Habang may buhay, may pag-asa'' Yan ang kasabihang pinaniniwalaan ni Elle Cavales-Zamora, umaasa siya na habang may hininga pa ang kanyang ama ay may panahon pa ito na magbago. Siya ay nabilang sa pamilyang ''isang kahig isang tuka'' kung tawa...