"Welcome back Elle! How's the flight?" tanong ng taong sumalubong sa kanya sa may pintuan.
It's Denise her highschool true friend.
"As always nakakapagod." Simple niyang sagot sa tanong nito.
"Ahm kain ka muna." anito.
"No, thanks." tipid niyang sagot.
Dumeritso siya sa kwarto niya at ibinagsak ang pagod na katawan sa malambot na kama.
Dahil sa pagod ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
Umaga na ng magising siya. She smiled. Nasa Pilipinas na talaga siya.
Umabot ang sinag ng araw sa kwarto niya. Bumangon siya at hinawi ang mahabang kurtina na umabot sa sahig.
She unlocked the sliding glass door at nagtungo sa malawak na balcony. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa kanya.
Mula sa kanyang kinaroroonan ay matatanaw niya ang malawak na harden ng mga bulaklak. Nagmukha itong munting paraiso sa paningin niya.
Sa bandang kaliwa ay may mga bungang kahoy na hitik na hitik sa bunga.
Mula sa malayo ay matatanaw din niya ang malawak na kalupaan na pinagtataniman ng iba't ibang punong kahoy, palay, mais at mga prutas.
Kahit malayo ang kanyang kinaroroonan ay nababasa parin niya ang pangalan ng naturang lugar.
"Hacienda Cavales..."
Napangiti siya, mula pagkabata ay pangarap na niya ang magkaroon ng harden at ang magkaroon ng sariling lupa ang pamilya nila.
Natupad na niya lahat yun, sobra pa nga. But she's not completely happy, parang may kulang parin.
Ayaw man niyang aminin ay namimiss niyang talaga ang Pilipinas, ang lugar, mga tao at lalong lalo na ang....... pamilya niya.
There's no other place like home...
She took a deep breath and went inside her room. Mabilis siyang nagshower, pagkatapos magbihis ay bumaba siya para magluto.
Naabotan niya si Manang Lucy na abala sa pagluluto. Kasambahay nila ito sa Italya.
Isa si Manang Lucy sa mga taong pinagkatiwalaan niya sa Pilipinas. Ito rin ang pinatitira niya sa bahay niya kasama si Denise. Nilapitan niya ito."Ako na po riyan manang." pag-agaw niya ng atensyon dito.
"Uh Eja, mabuti't gising kana. Uh hayan kumain kana." anito na inilalapag sa mesa ang pagkain.
"Hmmm... mukhang masarap to ah.." aniya na mabilis na umupo sa hapag at nagsimulang kumain.
Natawa naman ito sa naging reaksyon niya.
"Hindi maipagkaila na namiss mo ang lutong pinoy Eja." natatawang saad nito.
Tango nalang ang naging sagot niya dito. Namiss talaga niya ang pagkaing pinoy.
"A-ahm Eja, may sasabihin sana ako sayo." putol nito sa katahimikan.
"Ano po iyon Manang?" aniya na nakatingin lang sa pagkain.
"Wag ka sanang magalit Eja, a-ang ang t-tatay mo kasi...."

BINABASA MO ANG
Ang Pagbabalik
General Fiction''Habang may buhay, may pag-asa'' Yan ang kasabihang pinaniniwalaan ni Elle Cavales-Zamora, umaasa siya na habang may hininga pa ang kanyang ama ay may panahon pa ito na magbago. Siya ay nabilang sa pamilyang ''isang kahig isang tuka'' kung tawa...