Chapter 22

5 2 0
                                    

Tw // Depression, insecurities and death
------------------------------------------------------------------

"Isang linggo ka na yatang malungkot ano nanamang nangyari sa'yo?"

Bumisita sa opisina ko si Majo at Kaila. Kanina pa nagbubunganga sa'kin si Majo kaya sumasakit lalo ang ulo ko sa kanya. Isang linggo na simula no'ng uminom kami at nanaginip ako.

"Manahimik ka nalang muna," hindi ko naman na sila pinansin habang nakaupo sila sa may sofa ng office ko. Iniisip ko pa rin kung paano ako nakauwi noong gabing 'yon sa sobrang kalasingan ko.

"Minsan na nga lang maging free ang schedule ni Majo nagbubusy-busyhan naman kayo," reklamo ni Kaila. Napatingin ako sa kanila ni Majo habang kumakain sila ng cookies na pinadeliver ko.

"Bakit hindi kayo pumunta kay Mav or Pat?" kunot-noong tanong ko sa dalawa. Kaila sighs as she fix her hair while Majo looks at her with doubt. "Sasabihin niyo ba or what?"

Nagkatinginan naman silang dalawa na parang naghihintayan kung sino ang mauuna sa kanila na magsalita. Tumayo naman ako at binitawan ang papel na hawak-hawak ko. Pumunta ako sa pwesto nila at umupo.

"Kasi naman si Patrice hindi ko alam kung seryoso siya kay Walter," namomroblema na sambit ni Kaila.

"She's too old para pakielaman pa natin ang buhay niya. Hindi naman pwede na She'll just close the door everytime someone knocks it," sagot ni Majo na parang wala lang sa kanya. Napatingin naman ako kay Kaila na akala mo stress na stress na.

"Oo nga naman. Ano namang problem kay Walter?" tanong ko habang tumitingin ako sa online shop ng pwede kong bilhin para sa sarili ko.

"Wala naman kasing mali it's just that... parang ang bilis kasi," reklamo ni Kaila bago niya inumin ang coffee na bigay ni Giselle kanina.

"Hindi ka ba talaga sasama mamaya? Pupunta sila Leon and Adryan kaya baka pwede ka namang pumunta," pag-iiba ni Majo ng topic. Tumingin naman ako sa kanya nang may pag-aalangan.

"Gusto ko rin sana pumunta pero may titingnan akong place for our shoot tsaka busy din sa work. Try ko nalang talaga mamaya kung makakahabol ako," sabi ko.

Nag-iba naman ang mukha ni Kaila habang si Majo naman ay seryoso pa rin. Sinisilip naman ni Kaila kung anong ginagawa ko kaya pinakita ko sa kanya yung bag na tinitingnan ko.

"Napakachismosa kasi," iling na sambit ni Majo. Lumungkot naman ang mukha ni Kaila dahil pinagtulungan nanaman namin siya ni Majo.

Bumalik ako sa swiveling chair ko para ipagpatuloy ang nasimulan ko. Tinapos ko lang ang oras ng trabaho ko bago ako nagpaalam kay Giselle na mauuna na ako sa psychiatrist hospital.

Sumakay na ako sa kotse ko pero bago ko pa man ma-start ang kotse ay may naalala nanaman ako. Ilang araw na akong nagtataka kung paano ako nakauwi? Sino ang nag-uwi sa'kin? Dahil ang huling pagkakaalam ko ay pumunta ako sa condo unit ni Mignon.

"Brace yourself, Cali,"

Nagsimula na akong magmaneho. Nadaanan ko naman ang Intramuros kung saan nagsimula lahat. Napangiti naman ako nang makita ko kulay pink na langit habang nasa tapat ako ng intramuros. Hindi ko naman namalayan na nakagreen na pala ang traffic light kaya pinaandar ko na ang kotse ko.

Ilang minuto lang ay nakapagpark na ako sa psytal. Gumuhit naman sa labi ko ang ngiti nang maalala ko na dapat dito ako nagpatingin noon pero dahil kay Kuya Chan at sa mga kaibigan ko mabilis lang din ang paggaling ko.

Matapos kong ayusin ang gamit ko ay bubuksan ko na sana ang pinto pero may familiar akong nakita. Kitang-kita ko ang lungkot sa mukha ni Mignon at mukha siyang intimidating dahil sa blue hair niya.

Sparks in the Dark (State Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon