"SINTA"Sa pag ugoy ng duyan nating simbolo,
Sa pag hakbang natin hanggang dulo
Mga labing may ngiti hanggang langit
Hawak kamay tayong nakatingala sa langitAng pag-ihip ng pang hapong hangin
Na humahaplos at sumasayaw sa atin
Ang nag aagaw na liwanag at dilim
Sa harapan natin ay saksiNg pag-ibig na kailan ma'y di magdidilim
At kailan ma'y di masusukat ng salapi
Ito ang aking pangako, aking sinta
Ito'y di magbabago ng kahit anong salitaAko'y sayo at ika'y akin
Mga katagang nais kong sabihin
Sa dayun na ating tagpuan
Na siyang sumisimbolo ng ating pag-iibiganTayo man ay pinaghiwalay ng panahon
Ako'y naniniwalang tayo parin hanggang ngayon
Kaya ako'y nakatayo, nakaharap sa duyan
Umaasang pagtagpuin sa pangalawang pagkakataonKaya sa aking paghakbang paalis
Sa tagpuang pinahalagahan ko ng labis
Aking sinta, ikaw ay nagbalik
Sa lugar ng una nating halikSa pag ugoy ng dayun nating simbolo
Sa paghakbang natin hanggang dulo
Sa pangalawang pagkakataon
Tayo'y pinatagpo ng panahonSinta, masasabi ko na sa wakas
Ang mga katagang tinago ko ng wagas
Hawak ang kamay, pagtago ng mata natin;
Sinta ko, Ako'y sayo at ika'y akinⓂ️

BINABASA MO ANG
Tell a Story
PoetryEvery chapter has different story to tell. Has different emotions to perceive. *** Maaaring ang bawat kabanata ay gumamit ng Ingles o kaya naman Tagalog. Ito ay mga storyang inilahad sa pamamagitan ng tula sa malayang taludturan. Started: 04/18/21...