Kabanata 4

4 1 0
                                    



"GABAY"


Kalimutan natin lahat ng pasakit

Damhin ang ihip ng hangin ng malasakit

Sa iyong bawat hakbang, kasabay kita

Kaya huwag kang matakot sa iyong nakikita


Ang mga huni ng ibon ng umaga

Ang siyang simbolo ng ating pag-asa

Gaya ng malayang lipad nila

Mga pangarap natin ay malaya


Huwag kang mangamba

Sa kung ano mang sabihin nila

Opinyon nilang walang saysay

Sa mga nangyayari ng ating buhay


Baliwalain ang bawat salita

Na lumalabas sa mga pasmadong bibig nila

Hindi kailangang dibdibin

Sapagkat, ito'y walang saysay parin


Bawat hakbang mo sa mundong puno ng pasakit

Huwag mangamba, asahan ang aking malasakit

Madapa man ay ilalahad ko ang aking kamay

Handa kang itayo at bigyan ng gabay


Sa iyong pangarap ay suportado kita

Huwag kang umiyak, hawak kamay kita

Hindi ka nag-iisa kaya tahan na

Punasan mo na ang iyong mga luha


Kahit hindi mo ako nakikita

Mararamdaman mo ang aking presensya

Kaya damhin mo ang hangin

Dahil ako'y nandiyan pa rin



Ⓜ️

Tell a StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon