Prologue

27 10 1
                                    

If you read this book for the first time, comment 'ftr' or 'first time reader', and 'rr' for 'reread'. Thank you for the cooperation, love lots ;)

Prologue

"Pwede mo ng halikan ang iyong asawa," sabi ng pari. Ngumiti ito ng tipid kay Vladeline at sa asawa niyang si Ahmir. Tiningnan niya ang lalaking mahal, nakatitig ito sa kanya. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi sa inisip na asawa na niya ang lalaking nasa harap niya ngayon. Magiging Vladeline Guazon na siya simula ngayon.

Ang mga palad ni Ahmir ay mahinang nakahaplos sa kanyang pisngi, napangiti siya habang dinadama ito. "Napakaganda mo." Mahinang bulalas ni Ahmir bago tinaas ang belong suot ni Vladeline. Nilapit ng lalaki ang kanyang mukha at hinalikan ng marahang ang babaeng minahal. 

Napapalakpak ang lahat kaya parehong napangiti ang bagong kasal. Tumingin si Vladeline sa may bandang unahan, nakita niya si sister Amelia, ang madreng tinuring niyang ina. Nilingon niya rin ang pari na nasa kanyang likuran. "Salamat father." Tinuring niya rin itong sariling ama.

"Walang anuman hija, nawa'y gabayan ka ng Diyos, mahal ka Niya at sanay di ka tumigil na magdasal palagi."

———
©Ydolem_mel

Reminder:

This story may contain inappropriate scenes, sensitive languages and events. If you're not into this kind of story, you are free to stop reading. This story is very sensitive especially to religion aspect. The events and characters are fictional, the incident just came from my mind and nothing else. Christianity has nothing to do with this story and especially with other beliefs and religions.

Hope you all understand.

Down BelowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon