CHAPTER 1

85 8 0
                                    

ENDLESS LOVE

CHAPTER 1

Hinihingal na bumangon si Maraya mula sa pagkakahiga dahil sa panaginip na laging bumabagabag sa kanya. Para itong totoong totoo kung saan naroon sya kasama ang asawa raw nito at napapaligiran sila ng mga bampira. Mahina nyang sinampal ang sarili.

" Hooo! Pambihira, sa subrang lawak ng imahinasyon ko palagi ko na tuloy napapanaginipan. siguro kailangan ko nang bawasan ang panonood ng mga kdrama. Malapit na akong mabaliw neto eh."  Aniya bago bumangon.

Tiningnan nya ang orasan sa gilid ng kama nya. Alas otso na nang umaga at tiyak nyang nasa palengke na ang kanyang ina upang mamili.

Death anniversary kasi ng ama nya ngayon. Bigla syang nakaramdam ng lungkot dahil naalala nito ang ama. Hindi man nya ito nakasama ng matagal ay mahal na mahal nya ito. Tatlong taon pala kasi sya ng mamatay ito dahil sa sakit sa baga. Mahirap lang sila kaya naman hindi nila ito naipagamot.

Iniinat nya ang dalawang braso bago humikab. Biglang sumagi sa isip nya ang pambihirang panaginip. Bigla syang kinilabutan. Oo nga at mahilig sya sa Fantasy na drama pero kailanman ay hindi nya naisip na totoo ang mga ito.

Pinilig pilig nya ang ulo bago bumuga ng hangin.

" Huminahon ka Aya, Huwag kang mag pa apekto sa weird mong panaginip." Bulong nya sa sarili.

Lumabas sya sa hindi kalakihan nilang bahay. Malayo ang mga kapitbahay nila kaya wala man lang syang makakwentuhan kong naiinip sya. Tinatamad naman syang maglakad papunta sa mga ito kaya inuubos nya ang oras sa panonood ng teledrama.

Sa edad na labingsiyam ay wala pa syang masyadong karanasan sa syudad. Ni hindi pa nga sya nakakarating sa maynila. Ang isa sa pangarap nya ay makarating sa maynila upang mag aral pero alam nyang mahirap nang mangyari. Dahil nang namatay ang ama nya , naibenta na ng ina nya ang palayan nila upang gastusin sa libing nito. Kaya naman high school lang ang natapos nya. Ang ina naman nya ang isang tindera sa isang restaurant sa kanila. Tumatanda na rin ito kaya naman gustong gusto na nyang magtrabaho kaya lang pahirapan dahil college graduate lagi ang require.

" Aya! Anak pakibuhat naman nito." Boses iyon ng kanyang ina Nakita nya ito na bumaba mula sa trycycle bitbit ang isang bayong at karton na pinabubuhat nito sa kanya.

Mabilis syang lumapit dito at binuhat ang hindi kabigatang kahon. Pumasok sila sa loob at ipinatong nya ang dala sa babaw ng lamesa.

" Magluluto lang ako tapos mamaya ay dadalaw tayo sa papa mo." Ani ng ina nya.

" Sige po nay, sabihin nyo lang po kung ano ang maitutulong ko . "

Pinanood nya lang ang ina na magluto at sya ay tahimik na nanonood dito. Nasa isip parin nya ang trabaho. Bigla nyang naisip ang alok na trabaho sa kanya ni toffer ang isa sa kababata nya at kaklase noon. Inalok kasi sya nitong magtrabaho sa cafe sa  labas lang ng bayan nila.

" Anong iniisip mo anak? Bakit parang subrang lalim nyan para hindi mo ko marinig ?" Napakamot sya sa ulo.

" Sorry nay, iniisip ko lang pong mag apply ng trabaho. 19 nako pero wala man lang akong naitutulong." Napanguso sya.

Ngumiti ito bago hinimas ang buhok nya.

" Ano kaba naman anak, ayus lang yan. Hindi mo pa naman kilangan magtrabaho. May trabaho pa naman ako. Dapat nag aaral ka." Ito lagi ang sinasabi nang ina nya pero panay tanggi nya. Gustuhing man nyang mag aral ay hindi pwede kasi ayaw nyang mahirapan ito. Tiyak kasi nyang marami itong pagtatrabahuhan para lang mapa aral sya. Ayaw nya itong mapagod dahil hindi na ito bumabata.

" Saka na ako mag aaral ulit nay kapag may pagkakataon. Kapag nakaipon nako. Mahihirapan ka kasi kapag ikaw pa ang nagpa aral sakin. "Aniya.

" O sya sige, Halika at tulungan mo akong ilagay ang niluto ko sa baunan para makadalaw na tayo sa tatay mo. " Sumunod naman sya dito at ginawa ang pinag uutos.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon