Madilim at tahimik ang paligid ng magising ako dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila ba binibiyak ang dibdib ko at sumasakit ito kaya nagpasya akong tumayo at lumapit sa pintuan ng silid na ito.
Tahimik kung binuksan ang hindi kalakihang pintuan at tinahak ang madilim na pasilyo, tanging ang ilang apoy lamang ang nagbibigay liwanag doon, mabigat at malungkot ang pakiramdam dito sa loob.
Nakarating ako sa dulo ng pasilyo kung saan kita ang harapan ng tinatawag nilang palasyo, ngunit paanong naging palasyo ang ganito kaluma at kadilim na lugar? Naupo ako sa upuang kahoy at tahimik na nagmasid sa madilim at tahimik na kalawakan.
Ni hindi ko namalayan na pumapatak na ang mainit na likido mula sa mga mata ko, muli kong naalala ang nanay, kay saklap ng nangyari sa kanya ni hindi ko man lang siya nakita sa huling sandali niya. Humigpit ang kapit ko sa damit ko kasabay ng pagkuyom nito. Kasalanan nila ang lahat, pinatay nila ang nag iisang pamilyang mayroon ako.
Sa gitna ng tahimik na paligid ay nakarinig ako ng kaluskos mula sa baba, gumagalaw ang mga sanga ng malaking puno doon, gayon na lamang ang kaba ko nang makita ang isang tao mula roon na may mapupulang mga mata na tila ba mabagsik na nakamasid sa akin.
Nakaramdam ako ng takot ng unti unti kung makita kung paano itong ngumisi sa akin, dahan dahan akong umatras ngunit palapit ito ng palapit sakin, hindi ko namalayan na may malaking sanga sa paanan ko kaya natalapid ako dito dahilan upang bumagsak ako sa lupa. Nanginginig ako at naiiyak ng makita kong malapit na sa akin ang halimaw na iyon, kita ko ang pagkasabik sa mga mata nito na anumang oras ay kakainin ako ng buhay. Papatayin niya rin ako tulad ng ginawa nila kay nanay.
Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko ng makitang malapit na ito sa akin, ngunit ilang sandali lamang ay naramdaman ko ang malakas na hanging dumaan sa tabi ko at pagdaing ng kung sino man sa aking harapan, tila nasasaktan ito at nahihirapang huminga. Doon ko tuluyang iminulat ang mga mata ko, kitang kita ko kung paanong binutas ni Kaleb ang katawan ng lalaki, umaagos ang dugo nito mula sa kanyang bunganga at maya maya'y tuluyang ng naging abo.
Bakas ang galit sa mukha ng binata habang pinapaslang ang nagtangkang pumatay saakin, pero agad ding bumalik sa maamong expresyon ang mukha ni Kaleb at mabilis na lumapit sa akin at sinuri kung may sugat ba ako. "Nag alala ako sayo, bakit ka lumabas ng hindi ako kasama?" Nagulat ako ng yakapin ako nito ng mahigpit, yakap na may kasamang pagaalala at pangungulila.
Mabilis ko naman itong itinulak at inilayo ang sarili ko sa kaniya. Nanginginig parin ang buong katawan ko, hindi dapat ako makapante sa kaniya dahil tulad ng kakaibang nilalang kanina, tiyak kung ganun rin siya.
"Wag kang lumapit," Saad ako at itinaas ang kamay para pigilan ito.
"Maraya, hindi mo kailangan matakot mahal ko, hindi kita kayang saktan," may bahid na lungkot at pagsusumamo sa boses nito subalit umiling iling ako.
"Pinatay nyo ang nanay ko, paanong hindi ako dapat matakot sa iyo?Pakiusap, ibalik nyo na ako, ayoko na dito," tuloy tuloy na bumuhos ang luha ko at lumuhod sa harap niya.
Nagulat naman ang lalaki at dali dali akong dinaluhan.
"Hindi mo kailangang gawin yan, Gusto mo ba talagang ibalik kita?" tanong nito, tumango tango ako habang umiiyak parin.
"Ang makita kang walang buhay dalawampung taon na ang nakalilipas ay hindi ko matanggap kaya naman gumawa ako ng paraan para magbalik ka, subalit ang makitang umiiyak ka ngayon at nagmamakaawa sa akin na ibalik ka ay mas hindi ko kayang makita, masakit man para sakin, ibabalik na kita tulad ng yung nais, pero sana'y hayaan mo akong makasama kapa, kahit sa huling tatlong araw," kahit madilim ay nakita ko ang pagbagsak ng munting butil ng luha mula sa mga mata nito, sabi nila ang mga bampira daw ay walang pakiramdam, hindi sila nakakaramdam ng pagmamahal at pagkaawa, pero base sa nakikita ko ngayon ay mali sila, dahil sigurado akong nasasaktan ngayon ang lalaking nasa harapan ko, nasasaktan siya at iyon ay dahil sa akin.
Hindi ako mapakali ng gabing yun, nang sabihin sakin ng lalaki na paparayain niya na ako ay hindi buo ang sayang naramdaman ko, may puwang sa puso ko na nalulungkot, Hindi ba dapat matuwa ako, dahil sa wakas makakabalik na ako sa tunay kung mundo, pero wala na ang nanay ko.
Malalim na ang gabi pero hindi na ako muling dinalaw pa ng binata. Tanging mga bantay na lamang ang nasa labas ng silid ko at siyang nagdala ng pagkain ko.
Muli akong bumangon sa kama at naglakad papunta sa pintuan, maingat kung binuksan iyon. Wala na ang mga bantay, siguro ay may ginagawa, dahil sa pagkakaalam ko, hindi naman sila natutulog.
Dahan dahan akong bumaba sa malawak ngunit madilim na hagdan, ang tanging mga apoy lamang ang nagbibigay liwanag dito. Sa huling hakbang ko, natanaw ko ang lalaki na nakatayo sa gilid ng malaking lugar na ito. Nakatingin ito sa madilim na kalangitan, nakalagay ang kaliwang kamay sa bulsa nito at may hawak na kopita sa kanang kamay.
Nagulat ako ng magsalita ito habang nakatalikod parin.
"Bakit gising kapa?" malalim na tanong nito. Hindi parin lumilingon.
Hindi ko alam kung bakit kusang humakbang ang mga paa ko patungo sa binata. Nang magpantay kami ay doon ko lamang nakita ang itsura niya. Magulo ang buhok, bukas ang tatlong butones ng suot nitong polo, nakalilis hanggang braso ang sleeve nito.
Humarap ito sa akin bago muling nagsalita.
"Tama si Fausto, dapat ay hindi na kita kinuha. Tao kana, iba kana kumpara sakin, siguro nga ay naging makasarili ako kasi pinilit kong kuhain ka kahit labag sa loob mo, masisisi moba ako? Na nangulila sayo ng matagal na panahon, umaasang kapag dumating ang tamang oras ay tulad ka parin ng dati," Hinaplos nito ang pisngi ko.
"Patawarin mo ako, pero handa na akong palayain ka," Binaba nito ang palad at muling humarap sa kalangitan kung nasaan ang bilog na bilog na buwan.
"Umakyat kana at magpahinga, hindi maganda para sayo na magnilabas lalo na ngayong gabi," Huling sambut nito at hindi na muling nagsalita.
Kinabukasan ay nagising sako sa lakas ng hiyawan. Ang mga boses nito ay para bang may ichinicheer na manalo. Mabilis akong lumapit sa bintana at sumilip. Marami ang nasa labas, bata, matanda, lalaki o babae. Nagtitipon sila roon habang may dalawang nilalang na naglalaban sa gitna. Tila nagpapaligsahan.
"Iyan ay ang kanilang ensayo, bilang isang bampira, hindi lamang abilidad sa paggamit ng kapangyarihan ang kailangan, kailangan nilang maging malakas kahit hindi gumagamit noon," nagulat pa ako ng magsalita si Kaleb sa likod ko.
"Gusto mobang ipasiyal kita? Nais kong makita mo ng buo ang palasyo. Kung gusto mo ay pwede din tayong pumunta sa kakahuyan hanggang sa dulo kung nasaan ang paborito mong lawa. Tiyak kong magugustuhan mo parin iyon, kahit na hindi mo naaalala," Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ng binata kaya tumango siya.

BINABASA MO ANG
Endless Love
FantasyENDLESS LOVE SYNOPSIS Nakangiti si Kaleb habang pinagmamasdan ang batang babae na naglalaro sa isang bakuran . "Ilang taon munang ginagawa ang pagbabantay sa kanya Kaleb." Ani ng kaibigan nyang si Fausto na alam lahat ng gawa nya. "Naiinip lang ako...