ENDLESS LOVE
Chapter 3Tila binibiyak ang ulo niya nang magising siya, nagising siya sa hindi pamilyar na silid ,madilim iyon at malaki tila ba para siyang nasa ibang panahon. Iba rin ang kanyang pakiramdam sa lugar ,tahimik pero ramdam niya ang hindi maipaliwanag na kilabot . Habang naglilibot ang kanyang paningin ay biglang sumagi sa isip niya ang ina, dahan dahang nagsimulang bumagsak ang mainit na likido mula sa kanyang mga mata. Namatay ito ng walang kalaban laban, pinatay ng hindi niya mapangalanang nilalang.
Ang sakit at bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib ay biglang napalitan ng kaba nang makarinig siya ng ilang tunog ng yapak mula sa labas ng silid kung saan siya naroroon.
Ang yapak ay palapit ng palapit at alam niyang sa kanyang direksyon iyon patungo. Nagsimulang lukubin ng kaba ang kanyang dibdib.
'Nasaan nga ba ako? Bakit ako naririto?' Tanong niya sa kanyang isip.
Nakatitig siya ngayon sa malaking pinto ng silid kung saan paunti unti nang bumubukas, handa na sana siyang sumigaw sa takot ng tumambad sa kanya ang isang lalaki, hindi basta pangkaraniwang lalaki , para itong artista dahil sa taglay nitong kagwapuhan ngunit napakalamig ng aura nito, subrang puti niya rin at tila parang may pulang mga mata.
"Sino ka? Nasaan ako?" Nangininginig man ay tinanong niya ang lalaki.
"Maraya," Sambit nito sa mababang tinig.
" Kilala mo ako? Sino kaba talaga at isa pa bakit ako nandito? Ang aking nanay, nasaan siya ? Kailangan niya ako, ibalik nyo ko sa kanya," Doon tuluyan na siyang humagulhol .
" Wala na ang iyong ina, ngunit nandito ako at hindi kita iiwan, hindi kailanman," Nalilito man ay binalingan niya ito ng tingin.
Hindi parin sinasagot nito ang kanyang tanong, kung bakit siya narito at kung sino ito. Nakasarado ang mga bintana kaya hindi niya malaman kung umaga ba o gabi. Wala siyang makita.
" Ngunit hindi kita kilala, paano ako magtitiwala sayo? At isa pa , pinatay ng mga halimaw na iyon ang aking ina."
Halimaw, yan ang tawag niya sa mga walang pusong pumaslang sa kanyang ina.
" Ako si Kaleb, at narito ka sa ating palasyo, mahal ko." Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang pangalang kaleb at iyon ay hindi niya alam kung bakit.
Palasyo? Kailan pa siya nagkaroon noon? Mahal ko? Bakit siya tinawag na mahal ko ng lalaking ito.
" Mukhang nagkamali ka lang kuya, ibalik mo ako samin, kailangan kong puntahan si nanay, kailangan niya ako," Pinahid ko ang kaunting luhang nagsisimula nanamang pumatak .
" Ipinalibing ko na siya, hindi kana maaaring umalis pa dito, kay tagal kitang inintay, halika kana sa baba at kumain, kailangan mong magpalakas," Inilahad nito ang kanang kamay sa kanya ngunit hindi niya iyon magawang tanggapin.
Ngunit makalipas lamang ang ilang sandali ay kusa na siyang sumama dito. Sa paglabas palang niya ng silid ay ramdam niya na ang bigat ng paligid. Madilim at tanging mga naglalakihang apoy lamang ang tanging ilaw sa buong lugar.
Malaki ngunit nakakatakot, yan kung titingnan ang tinatahak nila ngayon. Pababa sila sa malaking hagdan at sa baba noon naroon ang malaking lamesa na kulay ginto. Kumikininang pa iyon .
Nang makababa sila ay nagulat na lamang siya nang nakahilera na roon ang mga katulong, bakit hindi niya yun nakita kanina?
Nakahanda sa lamesa ang iba't ibang putahe katulad nalang ng mga paborito niyang menudo, adobo, at caldereta. Meron ding letchon sa dulo nito. Napamarami, ilan ba ang kakain?
" Ang dami naman nito, sino sino ba ang kakain?" Tanong ko.
" Ikaw lang," Gulat akong lumingon sa kanya.
" Seryuso? Lahat yan ," Turo ko sa lahat ng nakahain " Para sakin lang?" Tumango tango ito.
" Kumain kana, " Iginiya siya nito paupo at naupo rin ito sa tabi niya.
Ito rin ang kumuha ng pagkain niya
Nagsimula na siyang kumain ngunit napansin niyang nakakatitig lang ito sa kanya at pinapanood siya.
" Ah, hindi ka kakain?"
Umiling ito.
" Hindi, para sa iyo yan, at isa pa busog pa ako kasi kumain ako kanina,"
Nag angat siya ng tingin sa mga katulong sa tabi nila at hindi niya alam pero ang creepy ng mga ito.
Nang matapos siya kumain ay inaya sya nito sa labas. Maging sa labas ay madilim , may mga nagtatakbuhang mga mata. May mga tao na naglalakad at nakatingin sa kanya. Yung mukha nung iba ay nagulat pa nang makita siya.
Ramdam niya ang tingin ng lahat ng naroon sa kanya. Kakaiba ang tingin na iyon.
" Ang reyna! Nagbalik na siya!" Naagaw ang atensyon niya ng sumigaw na babae at batid ang kasiyahan nito sa kanyang boses.
" Halika kana mahal ko, kailangan na nating pumasok, magpahinga kana," Inakay sya nito papasok ngunit tila lutang parin ang kanyang isip.
" Bakit mo tinatawag na mahal ko? Maraya ang aking pangalan, alam mo iyon diba? Sagutin mo ako, nasaan ako at anong lugar ito? Saan mo ako ba talaga ako dinala? Anong kailangan mo sakin?" Lahat ng tanong sa isip ko ay sinabi kona.
" Alam kong mabibigla ka oras na sabihin ko sayo ang totoo kung nasaan ka, maari ring hindi ka maniwala. Ngunit ako si Kaleb, ang iyong asawa na naiwan mo dalawangpung taon na ang nakalilipas, "
Sumasakit ang ulo ko dahil hindi ko siya maintindihan.
" Bente anyos palang ako ngayon, kaya't paanong naging ako ang iyong asawa? Nahihibang kana ata, "
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinalikan iyon.
" Hayaan mong ipaalala ko sayo kung sino ka talaga at kung saan ka nagmula, " Tinitigan niya ako sa aking mga mata.
Nagulat ako ng biglang may humawak sa leeg ko akmang kakagatin iyon ngunit mabilis na napigilan ni Kaleb sa pamamagitan ng pagsaksak dito kaya naman kitang kita ko kung paano itong naglaho na parang bula.
Gulat at takot agad ang naramdaman ko .
Maya maya lang ay may lalaki narin sa tabi ng binata, nakatingin ito sa kanya.
" Sinabi ko na sa iyo Kaleb, tao na siya kaya naman lahat ng nakakaamoy sa kanya ngayon ay gusto syang lapain at inumin ang kanyang dugo, kahit pa siya ang reyna," Pahayag ng lalaki.
Dugo? Bakit iinumin ang kanyang dugo?
"Anong nangyayari?" Kinakabahan kong tanong.
" Iwan mo muna kami Fausto, " Tumango ang lalaki na agad ding naglaho na parang hangin na lalo niyang ikinagulat.
" Ano ba talaga kayo! " Naiiyak na tanong ko.
" Mga bampira kami, lahat ng naririto maliban sayo mahal ko, Nasa mundo ka namin, "Sambit nito.
" Kayo! Kayo ang pumatay sa nanay ko, mga halimaw kayo! Pakawalan nyo ako! " Ngayon ko lang narealize na sila ang pumatay sa natitira kong pamilya. Mga halimaw sila.
" Hindi kami Maraya, ang mga kalaban natin, sila ang pumatay sa iyong ina, hindi ko kailanman kayang patayin ang ina ng aking reyna, "
" Hindi ako ang reyna mo! Kaya pakawalan mo ako!" Kita ko ang lungkot sa mga mata nito ng sabihin ko ang katagang iyon.
" Balang araw maaalala mo rin ako, pero ngayon kailangan mo nang magpahinga mahal ko," Sa huling kataga niya ay unti unti akong nawawalan ng ulirat at tinatangay ng dilim.
KALEB POV
Alam kong darating ang araw na ito ngunit hindi ko inaasahan na ganito kasakit, hindi niya ako kilala at tinawag niya akong halimaw , ngunit umaasa ako na balang araw ay maaalala niya ako.
Ang lugar na ito ang mag papaalala sa kanya kung sino siya at kung ano ako sa buhay niya. Alam kong kusang babalik ang ala alang iyon.
Bago ako lumabas ay muli kong tinitigan ang kanyang mukha at bahagyang hinaplos iyon.
END OF CHAPTER 3
BINABASA MO ANG
Endless Love
FantasyENDLESS LOVE SYNOPSIS Nakangiti si Kaleb habang pinagmamasdan ang batang babae na naglalaro sa isang bakuran . "Ilang taon munang ginagawa ang pagbabantay sa kanya Kaleb." Ani ng kaibigan nyang si Fausto na alam lahat ng gawa nya. "Naiinip lang ako...