Chapter 2

66 10 4
                                    

ENDLESS LOVE

CHAPTER 2

~MARAYA POV~

MASAYA akong gumising kinabukasan kahit na nanaginip na naman ako ng isang werdong bagay. Hindi naman yun totoo eh kaya hindi ko na aabalahin pa ang aking sarili para isipin yun. Iniunat ko ang aking kamay bago pumasok sa banyo at naligo. First day of work ko ngayon kaya kilangan maaga..

Sinuot ko ang puting sleeveness ko with jeans. Humarap ako sa maliit kong salamin at naglagay ng polbo sa mukha at kunting liptint. Sinuklay ko din ang hanggang balikat kung buhok at tumayo bitbit ang maliit kong shoulder bag.

Bago lumabas ng pinto nadaanan ko ang kalendaryong nakasabit sa dingding ng kwarto ko. May bilog dun ang
Petsa  na importante sakin.  Ang aking kaarawan. April 20,  Dalawang linggo nalang kaarawan kona.

" Nay, Magandang umaga ho". Nadatnan ko si Nanay na naghahanda na ng almusal kaya naupo nako sa lamesa.

" Papasok kana sa trabaho mo?"  Tumango ako habang ngumunguya.

" Oh sige mag iingat ka."  Humalik muna ako bago tuluyang umalis , pumara ako ng trycycle at sinabi ang lugar na pupuntahan ko.


" Hi! Ikaw yung bago dito, Maraya. Tama ?"  Tanong ng isang babae sakin habang nagpupunas ako ng mesa sa loob ng cafe. Tumango ako.

" I'm Nicole, magkatrabaho tayo. Wala lang ako kanina kasi naghalfday lang ako." Nakangiti parin ito sa sakin kaya ngumiti rin ako. Halata rin na mabait sya.

Nagtulong kami sa paglilinis habang si Toffer at yung ibang staff ay nasa cashier at nasa loob ng kitchen.

" Ilan taon kana dito?"  Tanong ko kasi halatang mas matanda sya sakin ng ilang taon.

" 2 years na , Medyo matagal narin." Aniya habang nililinis ang ibabaw ng ilang stante.

" Hindi moba naisip na magtrabaho sa maynila?"  muli kong kasi tiyak kong mas malaki Ang sweldo dun kumpara dito.

" Naku! Mahirap dun maghanap ng trabaho lalo na at hindi ako nakapagtapos. Pero nagpaplano akong mangibang bansa. Alam mona hindi kasi sapat ang kita ko dito para matustusan ang pangangailangan ng pamilya ." Pahayag niya pa bago pumasok sa loob ng kusina kasunod ako.

Kasabay nya si Toffer na umuwi dahil halos magkalapit bahay lang sila.

" Mauna nako."  Kumaway pa sya bago naglakad patungo sa bahay nila.

Kinagabihan ay mahimbing syang nakatulog dahil wala ang werdo nyang panaginip. Hindi sya nito ginulo sa loob ng isang magdamag at magAnda iyon sa pakiramdam nya.

Alas siyete ako ng umaga nagising, hindi ako papasok sa trabaho ngayon dahil kaarawan ko Yeah. It's my birthday today.

" Happy birthday self."  Bati ko sa sarili bago nag ayos.

Tinulungan nyang magluto ang ina ng kaunti nyang handa. Tanging mga kabaranggay lang naman nya ang kanyang inimbitahan dahil hindi naman engrande ang kaarawan nya at isa lang itong salo salo.

Marami rami rin ang pumunta sa birthday nya at marami din syang natanggap na regalo.

" Happy birthday Aya!"  Malakas na bati ni Nicole at niyakap sya bago iabot ang isang kahon na alam nyang regalo nito.

" Salamat." Sambit nya at iginiya ito paupo sa harap ng mesa.

" Happy birthday Aya!"  Si Toffer naman ang bumati sa kanya at iniabot ang regalo nito.

" Salamat Toffer, halika kayo. Ipaghahanda  ko kayo."  Pinaupo nya ang mga ito bago inihanda ang pagkain.

Kinagabihan ay tinulungan uli nya ang kanyang nanay sa pagliligpit. Tumulong din naman sina Nicole at Toffer kanina kaya medyo kakaunti na ang natirang ligpitin.

Pumasok sya sa kwarto para magpalit ng damit ng narinig nya ang malakas na sigaw ng ina kaya dali dali syang lumabas at tinungo ang kusina.

Kitang kita ko si Nanay na hawak ng dalawang tao. Hindi tao! May pangil ang mga ito. Dahil sa hindi ko maipaliwanag ang aking nakikita ay sinampal ko ang aking sarili at baka nanaginip lang ako pero hindi,  Totoo.

" Nay!" Nanginginig ang mga labi nya sa takot .

" Aya, anak! Umalis kana. Tumakas kana."Mangiyak ngiyak na  sambit ng kanyang ina. Umiling iling siya.

" Hindi ko kayo iiwan."  Kinuha nya ang itak at itataga sana sa nilalang na nasa harap niya ng lumutang iyon at tumalsik sa kung saan. Muli kong tiningnan ang mga halimaw sa harapan ko. Pulang pula ang mga mata nito at nakalabas ang mga ngipin.

" NAY! " Sigaw nya nang saksakin ang  gitnang dibdib ng ina nya ng isa sa mga ito . Tila natulos sya sa kinatatayuan at nanginginig ang katawan at parang tinakasan ng katinuan sa nasaksihan.

" Nay! Huwag maawa kayo, huwag ang inay ko." Tuluyan na syang napahagulhol ng tuluyang kuhain nito ang buhay ng ina. Kita nya kung paano paulit ulit na sinaksak nito ang walang kalaban laban niyang ina. Gusto niyang tulungan ito ngunit hindi nya alam kung sa paanong paraan lalo na at napakalakas ng mga nilalang na iyon.

Nanginginig man  sa takot ay pinilit niyang tumakbo upang makalayo,  Kitang kita ng dalawang mata nya kung paano paslangin ng dalawang bampira ang ina nya at kinuha pa  ang puso nito.

Nanghihina akong bumagsak sa lupa. Pakiramdam ko ano mang oras ay mamatay na ako dahil sa aking nakita. Hinawakan nya ang dibdib nyang patuloy na sumisikip dahil sa impit nyang pag iyak.

" Nay!"  Umiyak ako ng umiyak ng walang ginagawang tunog.  Hindi maibsan ang hindi maipaliwanag na sakit sa aking dibdib, kaarawan nya ngayon ngunit ito rin ang pinaka masalimoot na araw para sa kanya, namatay ang kanyang ina.

Nagmulat ako ng mata at agad akong kiilabutan dahil nasa harap ko na mismo ngayon ang bampirang pumaslang sa ina ko at papatay din sakin.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at handa nang tanggapin ang kamatayan ng biglang may malakas na hangin ang umihip at saktong pagbukas ng mata ko ay nakahandusay na ang dalawa. Ngayon naman nakatayo sa harap ko ang lalaking balot na balot ng itim na balabal, hindi nya makita ang mukha nito.

" Matulog kana, mahal ko!"Huling katagang narinig niya bago siya tuluyang kainin ng dilim.

" Kaleb, alam mobang alam na ng kalaban ang tungkol kay Maraya. Papunta na sila at tiyak kong papaslangin nila ito." Biglang lumabas ang galit sa katawan nya. Nakakuyom ang kanyang dalawang kamao at nakalabas ang mahahabang pangil.

" Papatayin ko sila ."  Galit na sambit nya at mabilis na nawala.

Walang pwedeng manakit sa taong mahal nya. Hindi ngayon at hindi kailanman. Hindi nya na papayagan ang mga ito na muli itong saktan at patayin.

Nanghina sya nang madatnan ang bahay nito at ang inang wala nang buhay. Mabilis nyang sinuyod ang paligid at mabilis nya itong nahanap dahil sa amoy nito.

Nagtagis ang bagang nya at walang habas na pinatay ang dalawang bampirang handa na sanang paslangin ang dalaga.

" Matulog kana , mahal ko."  Aniya gamit ang hipnotismo.

Hindi nya alam kung ano ang ipapaliwanag sa dalaga oras na magising ito. Alam nyang masasaktan ito oras na malaman na wala na ang kanyang ina. Pero isa lang ang sigurado nya,yun ay dadalhin na nya ito sa kanyang mundo, sa mundo kung saan siya nanggaling, Sa mundo ng mga bampira.

END OF CHAPTER 2

A/N:  Sorry for the long update. Busy lang  po talaga. Thank you sa mga bumati.

Vote and share

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon