048

927 113 59
                                    

Emilio Talavera

11-28-2022
10:09 AM


Rej:
Father Io

Emilio:
Si Jesu na kausapin mo

Rej:
HO

Emilio:
Si Jesu na mismo kausapin mo
Di ako naglalaro ng Coin Master wala akong alam diyan
Problema niyo na yan

Rej:
TEKA NGA DER
COIN MASTER AGAD?

Emilio:
Ano pa nga ba?

Rej:
Coin Master talaga?!?!???
Grabehan
Sa tingin niyo sa Coin Master umiikot ang mundo namin?!
GRABE KA NAMAN FATHER??

Emilio:
Iyan lang naman ang problema mo kapag nagmemessage ka
May kaguluhan na naman sa inyo ni Jesu

Rej:
Hindi ah!?!??!??!
Minsan kaya work-related?!!?!?
Minsan si Father William?!?!?
Saka di ba pwedeng miss q na kau

Emilio:
Hindi

Rej:
Awsu
Joke lang der
May tanong talaga ako
Whaahahaha

Emilio:
Ano ang tanong mo

Rej:
Pero first of all
Promise mo muna na secret lang natin 2

Emilio:
Bakit?

Rej:
Der mejo
Confidential question i2
Saka mamaya ichismis mo kay Kuya Jes eh

Emilio:
Mukha ba akong chismoso?

Rej:
Oo
Lagi nga kayong nagchichismisan ni Fr Bene eh

Emilio:
Ok?
Ano ba yang tanong mo

Rej:
Father
(inhale)
(exhale)

Emilio:
Ano yan, Rej
Hahahahahah

Rej:
Charot lang yan der
Ay natawa sha omg 
First time!??!

Emilio removed a message.

Rej:
AMP NAGREMOVE
NAKITA KO NA YON
Natawa na kayo sa 'kin
#finally

Emilio:
Ano nga tanong mo Regina

Rej:
Ok eto na
Sorry
Natense aq ih


10:21 AM


Rej:
Father
May jowa ba si Kuya Jes

Emilio:
Ewan

Rej:
Ewan?

Emilio:
Ewan

Rej:
ANONG EWAN
ANG TAGAL NIYO NA KAYANG TOGETHER

Emilio:
Tapos? 
Trabaho lang naman yun

Rej:
Ehhhhhhh /:
Tologo bo? Alaws ka alam?

Emilio:
Alam mo Regina
Kung kuryoso ka, ba't di siya ang tanungin mo?

Rej:
EHHHHHHH
Mamaya he'll take it the wrong way!!!
Tanungin niyo nga? Hehehehehe

Emilio:
Kapag ako ba nagtanong sa palagay mo he'll take it the right way?

Rej:
SIYEMPRE?
Walang malisya
Pag ako baka may malisya

Emilio:
Crush mo yun?

Rej:
Excuse me, no?
May chinecheck lang ako
Saka iba kaya crush ko hehehe

Emilio:
Okay
You do you

Rej:
Di ba kayo incheresado malaman kung sino

Emilio:
Hindi

Rej:
Awsu

Emilio:
Awsu ka diyan
Alam mo ba na nagpoproctor ako ngayon
Kung hindi mo pa alam, pinapaalam ko na sa 'yo ngayon

Rej:
Ay joke
OO NGA PALA
IM SO SORRY HUHUHUHU

✓ Seen by Emilio

SinasadyâTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon