053

842 108 42
                                    

St. Anne Parish H/H

12-4-2022
10:13 AM


William:
Tingnan niyo si Rej oh
Mabubutas na ata ang pader sa kakatitig niya

Benedict:
Rej baka naman mali na ang pagbibilang mo
Patay tayo niyan sa Finance Office ha 
Tingnan mo naman yang pera

William:
@Rej 
Inaway ka ba ni Fr @Emilio?
Sabihin mo sa akin. I-PM mo ako
Ako reresbak para sa 'yo

Benedict reacted 😂 to William's message.

Emilio:
(replying to William)
?

William:
(replying to Emilio)
Ikaw. Umamin ka na. Pinagalitan mo ba ang ating Rej?
Kaisa-isang parish secretary natin iyan. Ano na naman ginawa mo?

Emilio:
Bakit ako nakikita mo Der
Eh wala nga ako diyan ngayon?

Benedict:
Tsk tsk tsk
Tulala sa kawalan
Kung nakikita mo lang hitsura ni Regina ngayon
Parang siyang nanalo sa Lotto pero nasunog niya yung ticket kaya hindi na pwedeng maclaim

William reacted 😂 to Benedict's message.

Emilio:
Baka naman brokenhearted lang yan
Ako pa talaga sinisi niyo?

William:
Ay?!
Oo nga ano?
Sino Rej? Nang mahila natin sa parish at maparusahan
Who dares break the heart of our only secretary?!

Benedict:
Baka si Nats?

William:
Nats?

Benedict:
Yung nagpadala ng palabok sa office dati?
Staff iyon ni Father Emilio sa project nila ah
Hahahaha

Emilio:
(replying to Benedict)
Si Jesu?

Benedict:
Ayun
Nats po kasi tawag namin sa kaniya eh hahaha 
Short for Natividad

William:
Nako Emilio.
Anong ginawa ng staff mo sa staff ko?!

Emilio:
Aba malay ko
Wala akong alam sa mga nangyayari
Kanina ako sinisisi ngayon ako pa rin sinisisi para sa staff ko?

William reacted 😂 to Emilio's message.
Benedict reacted 😂 to Emilio's message.

Rej:
Grabe naman ang messages ni Fr William
Hindi ba pwedeng pagod na ako magbilang ng piso... 

William:
Ay masiyado bang marami iyan?
Tulungan na nga kita diyan
Sumama ka @Benedict 

Benedict:
T_T

✓ Seen by Emilio, Rej, William

SinasadyâTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon