099

824 99 62
                                    

Phone conversation


REJ:
Hel—

JESU:
(abruptly) Maghihintay ako.

(Short silence.)

REJ:
Ha?

JESU:
(laughs) (shaky voice) Maghihintay ako, Rej. (breathes heavily) Doon sa tanong mo. Sa message mo. 'Yan ang sagot ko.

(Short pause)

JESU:
Kahit matagal... hihintayin kita. 

REJ:
(low voice) Talaga?

JESU:
(softly) Oo naman.

REJ:
Okay lang ba sa 'yo... kahit pupunta muna ako ng Manila?

(Silence.)

REJ:
Pagkatapos ng project, mag-aaral pa ako para sa board exam. Saka pupunta ako ng Manila. (short pause) Okay lang ba sa 'yo na maghintay? (shaky voice) Okay lang ba na ligawan mo ako 'pag natapos ko na 'yung gagawin ko doon? Okay lang ba na magkaibigan lang muna tayo sa ngayon? 

JESU:
(chuckles) Oo naman... hihintayin kita. 

REJ:
Talaga?

JESU:
(softly) Oo nga. 

(Silence.) 

JESU:
Ang tagal kaya kitang hinintay, Rej. (laughs nervously) Ang tagal kong hinintay na mapansin mo ako. Pasimple pa kitang binubuwisit sa Coin Master. Tapos ngayon na napansin mo na ako... at gusto mo na rin ako... susukuan kita?

(Long, awkward silence.)

JESU:
Hihintayin kita. (laughs) Susuportahan kita sa review mo. Sa exam mo. Kahit bilang kaibigan muna. Kahit anong gusto mo. 

REJ:
(softly) Okay. 

JESU:
So.. friends muna?

REJ:
Friends naman talaga tayo, ah?

JESU:
Friends with kaunting landi? (laughs) Biro lang. Hindi muna kita guguluhin ng kakulitan ko. Hindi gaya noon.  

(Rej laughs.) 

JESU:
Liligawan kita nang maayos kapag wala na tayo sa office. (laughs) Para walang masabi si Talavera. Bawal daw ang office affair, eh. Counted ang ligaw.

(Silence.)

JESU:
Isipin mo lang muna, crush lang kita. Tapos nagpapacute ako sa 'yo. (laughs) Pero 'yong seryosong harana, kung kailan ka ready.

REJ:
(laughs softly) Okay... (short pause) harana talaga?

JESU:
Oo. Sa harap ng Papa mo.

(Rej laughs.)

JESU:
Pero... seryoso... gusto mo na talaga ako, Rej?

(Silence.)

JESU:
Gusto ko lang marinig ngayon.

REJ:
(low voice) Oo...

JESU:
Talaga?

REJ:
(clears throat) Oo nga. 

(Incoherent noise suddenly fills Jesu's line.)

REJ:
Hoy... (laughs nervously) Okay ka lang ba diyan? 

JESU:
(laughs) Oo naman. Okay na okay! (short pause) Ibig sabihin ba, sa wakas, nalamangan ko na si Fr Io?

REJ:
Sinabi ko na, ah? (laughs) Hindi ko na kako crush 'yon.

JESU:
So... ako na talaga?

REJ:
Oo.

JESU:
Talaga?!

REJ:
Oo nga! (hisses) Nakakainis 'to. Kakasabi ko lang nga na gusto kita! Paulit-ulit ka. 

(Jesu  suddenly bursts to a laughter.)

REJ:
Tuwang-tuwa ka naman diyan. 

JESU:
Oo naman. Sa wakas, eh! 

(Line suddenly goes silent for seconds. Jesu clears his throat.)

JESU:
Rej.

REJ:
Hm?

JESU:
Alam ko na alam mo na 'to... pero gusto rin kita, Regina. 

(Silence.)

JESU:
At mamahalin kita kapag pinayagan mo na ako.

REJ:
(softly) Okay...(breathes heavily) Bigyan mo lang ako ng oras, ah? 

(Short pause)

REJ:
Promise, Jes, hindi ako magtatago kagaya ng dati. 

JESU:
Oo naman. At hihintayin kita... kahit matagal.

(Long silence fills the line.) 

JESU:
Nga pala, Rej.... (clears throat) Nasa labas pala ako ng bahay niyo ngayon.

REJ:
(gasps) Ha?!

JESU:
(laughs) May dala... may dala akong palabok. Pambayad ko ro'n sa brownies. Tara?

REJ:
Kanina ka pa andiyan?!

JESU:
Oo. (laughs) Baba na, please. Lalamig na 'to. 

REJ:
Sana sinabi mo! Tinawagan mo pa ako. (clears throat) Teka, isang bilao na naman ba 'yan?

JESU:
Oo...para samahan mo ako. Hirap kaya nitong ubusin mag-isa?

REJ:
Galing mo rin talaga, 'no? (laughs) Oo na. Pababa na.

JESU:
Yay. See you?

REJ:
Oo na. (chuckles) See you.


End of call transcript

SinasadyâTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon