037

1K 96 13
                                    

CHC Team (minus the very old men)

11-26-2022
8:00 AM


Jesu:
Meron ba sainyo ang pwedeng kumuha ng progress report sa parish ni Fr Io...

Nicole:
Wala

Karrie:
Wala

Amartya:
Wala ako sa Nueva Castallon 

Jesu:
Anobanamanyan

Nicole reacted 😜 to Jesu's message.
 Amartya reacted 😆 to Jesu's message.
Amartya reacted 😆 to Jesu's message.


10:27 AM


Amartya:
Nakuha mo na ba Jes?

Jesu:
Ok na po, Ms Marts.

Nicole:
Musta? AHAHAHAHAHAHA

✓ Seen by Jesu 

 

 ━━━━━━━━━━━━


Nicole Bustilla

10:32 AM


Jesu:
Wag na wag kang magpapasalo sa akin ng fieldwork kahit kailan
Hindi na kita kilala 

Nicole:
Hulla
Bakit
Grabe naman!??!?!??
Hahahahaha
Wala naman kasi kaming sched this week bakit ba ha
Free week namin 😛
Anong nangyariiiiiii!!! HAHAHAHAHAHA

Jesu:
Wala

Nicole:
Wala?
Anong wala

Jesu:
Wala nga
Walang nangyari

Nicole:
Wala?
Pero andun si Rej?

Jesu:
Oo

Nicole:
Pero nagkausap kayo?

Jesu:
Hindi :(

Nicole:
Talaga?!
Walang man lang hi/hello?

Jesu:
Wala
Pinadiretso lang ako sa opisina

Nicole:
Pfft
WAHAHAHAHAHHAHAAH
So hindi ka nagsorry?!?!?!

Jesu:
Paano naman ako makakapagsorry kung ang lamig-lamig no'ng tao?
Parang diring-diri sa akin kanina
Ayaw man lang tumingin..

Nicole:
Hay nako Kuya Jes
HAHAHAHA
Siyempre inis yan sa'yo kaya iiwas talaga yan
I say magstep-up ka na
MAGSORRY KA

Jesu:
Paano ngaaaaaaaa
Natatakot ako magsorry eh
Parang aawayin ako

Nicole:
War freak ba yang crush mo 
Parang hindi naman?!

Jesu:
:(

Nicole:
Alam mo ganito na lang
Magprepare ka ng sorry gift
Kung nahihiya ka magsalita
My god Kuya Jes gurang ka na pero hindi ka pa marunong magsorry
Talo ka pa ng mga bata

Jesu reacted  👍 to Nicole's message.

SinasadyâTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon