(ITHOJM) CHAPTER 50🌺

114 8 1
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚



CHAPTER 50🌺


JOY's POV

'Hindi ako maaaring magkamali, si Maureen yung nakita ko sa hospital, pero bakit parang hindi niya ako kilala?', bulong ni Joy sa sarili habang iniisip ang pagtatagpo nila ni Sandra ng sinamahan niya si Samantha na sumunod na pamangkin neto kasama si Lola Berta ng isugod ni Jack sa hospital si Gab.

---------flashback---------

   "Uy, si Maureen yun ah", sambit ni Stacey(bespren ni Maureen) ng makita si Maureen na animo'y wala sa sarili habang nagtatatakbo sa lansangan.

"Hoy, Mauweee!", tawag niya muli sa kaibigan.

"Magpapakamatay ka ba? Umalis ka dyan! Hoyyyyy!", sigaw niya pero animo'y walang naririnig si Maureen.

"N-nako!May humaharurot na sasakyan!  Maureeeeeeennnnnn! ", buong lakas na sigaw niya.

Sa wakas ay narinig siya ni Maureen at lumingon eto sa kanya at kaagad na ngumiti pero---------nasapo ni Stacey ang bibig, muntikan ng mabangga ng kotse si Maureen.

"Ano bang nakain ng babaeng 'to? Maureennnnn!", tawag niya at nagmamadaling maglakad papunta kay Maureen.

"Halika dito!"

"Haysss, hindi ba niya ako naririnig?

O baka hindi niya ako nakikita?

Hayss bakit ba kasi pondedo ang ilaw ng posteng 'to?

Teka, tatawagan na lang kita", dali-daling kinuha ni Stacey ang cellphone niya at hinagilap ang numero ni Maureen ng-----

*bgggsshhhh*

Narinig niya ang animo'y pagtama ng isang bagay.

Nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakahandusay na si Maureen sa gilid ng isang sasakyan.

Napaawang ang bibig niya sa pagkabigla.

Kani-kanina lang ay nakangiti si Maureen sa kanya.

Animo'y napako siya sa kinatatayuan at mas lalong nanlaki ang mga mata niya ng mapansin ang nakakasilaw na ilaw ng truck na patungo sa kinaroroonan niya at nahagip at nasagasaan ng truck na iyon ang babaeng naglalakad lang sa gilid ng kalyeng tatawirin niya at napahandusay sa kanyang harapan.

Kasabay niya sanang tumawid ang babaeng iyon kaso kinuha pa niya ang cellphone niya at tatawagan sana si Maureen na nasa kabilang bahagi ng magkasalubong na kalye.

Nakita din niya ang pagliko ng truck na iyon dahilan para matamaan neto ang kotseng muntik ng makasagasa kay Maureen ngunit nasagasaan pa din si Maureen ng iba pang paparating na sasakyan.

Napatulala si Stacey. Pakiramdam niya ay nanlambot ang mga tuhod niya at halos mangiyak-ngiyak na siya sa pagkabigla at sa bilis ng mga pangyayare.

Nakaharang ang gilid ng napakalaking truck sa harapan niya na mas lalong nakapabigla sa kanya.

Ngunit naalala niya si Maureen, nabangga si Maureen, kailangang madala si Maureen kaagad sa hospital.

Tinakbo niya ang deriksyon kung saan niya nakitang nakahandusay si Maureen, marami ng sasakyan ang napatigil, dahil na din sa isang napakalaking truck na nakaharang at sa babaeng nakahandusay sa ilalim ng truck.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon