"Guys, it's been two weeks, oras na para . . . " sabi ni Sophie.
"Wait, oras na para . . . " tugon ni Charles.
"OMG, di ko naalala," tumugon din si Leo.
"Oras na para umalis kayo . . . EH KANINA PA KAYO TUMATAMBAY DITO SA KWARTO KO!" sigaw ni Louis. " . . . PATI MERYENDA KO INUBOS NIYO NA RIN!"
"Sophie . . . Kailangan natin 'tong paghandaan," seryosong sinabi ni Winston. "Leo, dalhin mo bukas ang DSLR Camera. Louis, dalhin mo bukas ang laptop, at Charles . . . sasama ka ba?"
"Sige, wala naman akong gagawi— SO AKONG LANG ANG WALANG PAKINABANG?!" pasigaw na sagot ni Charles.
"Sa beach ang venue natin, kita-kita nalang tayo bukas," sabi ni Winston.
"Ayaw ko . . . gusto ko matulog bukas," sagot ni Louis.
"Uwi na tayo, kailangan ko pang mag-beauty sleep," sabi ni Sophie. Kinuha nila ang cupcakes na nasa mesa tapos tumakbo sila palabas ng kwarto.
"ANG CUPCAKES KO! WOIII!" sigaw ni Louis, hinabol niya ang apat ngunit huli na ang lahat.
* * *
*Kinabukasan*
"Waittt . . . bakit kasama niyo ako?" tanong ni Louis. "Sabi ko ayaw kong sumama . . . That stupid author!"
"Ready na ba lahat? Sophie, game ka na ba?" tanong ni Winston.
"Oo ready na ako, kanina ko pang suot 'tong two piece, medyo naiirita na ako, kaya dalian na natin," sabi ni Sophie.
Pumwesto na silang lahat. Hawak na ni Leo ang camera, naka-pose na rin si Sophie, nasa likod nila si Winston, siya ang magda-direct ng photoshoot. Habang si Louis at Charles ay nasa likuran, kumakain ng cupcakes.
"Sophie, iba namang pose!" sigaw ni Winston. "Side pose . . . Front pose . . . Back pose . . . uhmm Korean pose . . . Kawaii Pose . . . sige tapusin na natin 'to,"
Pumunta na silang lahat sa isang cottage, tumitingin silang lahat sa laptop ni Louis, in-eedit kasi niya ang photos ni Sophie.
"Yan, okay na yan, i-post mo na," sabi ni Louis.
Pinost na ni Sophie ang photo na napili niya, tapos ay umuwi na sila.
"Excited na 'ko, ahhhh! Ilan kaya ang reactions na nakuha ko?" tanong ni Sophie sa sarili niya.
Lahat sila nagbukas ng kani-kanilang FB account. At tiningnan nila ang display picture ni Sophie . . . 50 likes at . . . 5 hearts (from Sophie, Winston, Louis, Leo, at Charles) . . .
Mga ilang minuto ang nagdaan na walang nagsasalita ni isa sa kanila.
"Gusto mo cupcake?" tanong ni Louis.
"I-refresh mo nga ulit . . . " sabi ni Winston.
"Sige guys, uwi na muna ako," sabi ni Sophie.
Naiwan silang apat, habang tiningnan na naglalakad pauwi ang kanilang kaibigan.
Umuwi na rin sila.
* * *
*Kinabukasan*
Nagkita ulit ang lima, at mukhang masaya ang isa sa kanila.
"Guys! Tingnan niyo, 500+ na ang reactions, ahhh!" sigaw ni Sophie.
"Yehey," may halong ironya ang sinabi ni Louis.
"Hayss, buti naman," sabi ni Winston.
"Goods," sabi ni Leo.
"Wait . . . nasaan si Charles?" tanong ni Sophie.
Napuyat si Charles kakagawa ng dummy accounts sa FB kaya natutulog pa rin siya.
*End*