Chapter 1: Healthy Kwek-kwek

1 0 0
                                    

May limang estudyanteng lumapit sa isang street food . . . vendor . . . store . . . bilihan . . . basta tindahan. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagod at gutom na kanilang dinaramdam marahil ay dahil ito sa kanilang ginawang "pag-aaral" sa kanilang paaralan.

* * *

"Bakit ba orange lang ang kulay ng kwek-kwek? Pwede rin naman pink o kaya green. Parang babagay din ang blue na kulay. Bakit kaya walang nagta-try nito? " tanong ni Charles.

"Pumili ka na ng gusto mong kainin, baka magbago pa ang isip ko na ilibre ko kayo. At wag kang maraming tanong, andami na nga ng problema ng Pilipinas daragdagan mo pa," sumbat naman ni Louis.

"Cheese sticks lang ang gusto ko, tsaka kikiam," sabi ni Leo.

"Chis stiks ang gusto mo? Ang baduy naman ng taste mo, eh wala naman talagang cheese yan," sumbat ni Sophie. "Basta fishbol lang ang gusto ko."

"Gusto ko fishbol at tsaka kwek-kwek," sabi ni Winston.

"Seventy-five pesos lang ang budget natin, kinse pesos kada isa. Pili ka nalang kasi kung anong mas gusto mo, kwek-kwek o fishbol?" tanong ni Louis.

"Sige, kwek-kwek nalang," sagot ni Winston.

"Bibili pa po ba kayo? Alas siete na po kasi, uuwi pa po ako sa'min," saad ni Manong Tindero.

"Teka lang po. Ano b'ang gusto mong kainin?" tanong ni Winston kay Louis.

"Kwek-kwek . . . na may kasamang pipino," sagot ni Louis.

"WTH? Pipino?" may halong pagkasuklam na sinabi ni Sophie.

"Kumakain ka n'yan?" tanong ni Leo.

"Ang sarap kaya kapag may pipino!" sigaw ni Louis. Tapos mas healthy kaya kapag may pipino ang kwek-kwek. Haha healthy daw.

"Bro, ang sarap niyan, pakilagyan mo na rin ng pipino ang kwek-kwek ko," saad ni Charles.

Ibibigay na sana ni Louis ang pera kaso... Wait nasaan kaya ang wallet ko?

* * *

Sa bandang huli ay hindi sila nakabili, kaya umuwi nalang sila sa kanilang mga bahay.

"PAASAAAA KAAA!" sigaw ni Sophie.

*End*

Kwek-KwekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon