Rein's POV!
Bagong Buhay
"Pakilagay na lang diyan sa lamesa Samuel, maraming salamat." sabi ko kay Samuel ng madala niya ang pinadala kong mga disenyo na aking nakalimutan sa bahay sa pagmamadali kanina.
"Walang anuman ate, kung hindi nga busy si Kuya Serio ay paniguradong siya ang nagdala ng mga ito." sabay tawa nito. Napatawa na din ako kasi totoong ganun nga ang kanyang Kuya Serio.
"Ah, eto nga pala ate bigay ni kuya pang meryenda mo daw po." sabay abot nito ng dalawang balot ng pitchi pitchi. Alam kasi ni Serio na naging paborito ko ito mula nung natikman kong niluto ng kanilang Ina.Napangiti ako. "Yung taong yun talaga. Sige Samuel, maraming salamat uli. Pakisabi na din sa kuya mo na salamat dito."
"Sige ate, walang anuman. Alis na po ako." paalam nito. Tumango ako at nginitian bago ito tuluyang umalis.
Si Samuel ay kapatid ni Serio na anak nila Aling Salome at Mang Alfonso o kilalang Tatay Ponsyo. Sila ang naging pamilya namin dito sa Aklan. It's been 3 years since I left my life in manila and start a new beginning here in Caticlan, Aklan. Wala akong ka alam alam dito pero dito ko piniling pumunta dahil malayo sa syudad at nakakarelax. Ang aking karanasan sa maynila ang nagtulak sa akin para umalis at magsimula ng panibagong buhay. Hindi ko pinangarap maging isang kabit lamang ng taong mahal ko. Kahit mahal ko siya ay hindi tama ang sumawsaw sa may pamilya na kahit ako ay biktima lamang. Biktima ako pero may respeto ako sa sarili ko. Kapag alam kong mali at bawal marunong naman akong tumigil.
Lubos niya akong sinaktan.
Yinurakan niya ang pagkatao ko ng walang kamalay malay.
Gusto kong h'wag ng magpatuloy ng buhay pero may isang anghel na bumuo ulit sa aking pagkatao. Bunga man siya ng pagkakamali ng Ama niya pero hindi kailanman magiging ganon sa akin. Primo Sebastian is my blessing, my angel and may new beginning.
Oo, buntis ako nung nalaman ko ang kagaguhang ginawa sa akin ni Flavio. Hindi alam ni Flavio na tinigil ko na ang paggamit ng pills noon. Kaya umalis din akong hindi niya malalaman na may anak siya sa akin.
Para saan pa?
Para mas lalo akong saktan?
Klinaro ni Flavio noon sa akin na ayaw niya pang magka-anak pero sinubukan ko parin, ngunit eto nga binigay nga pero kapalit nito ay walang Flavio, pabor naman ito sa akin.
Kaya hinding-hindi malalaman ni Flavio na may anak siya sa akin.
Kaya ko namang buhayin ang bata ng wala siyang tulong!Buti na lang at kahit papaano ay malaki laki ang ipon ko noon. Ito ang ginamit kong pagsisimula ng panibagong buhay. Nakabili ako ng isang sakto lang na bahay na pinarenovate ko para mag mukhang bago. Ito ang bahay malapit kina Nay Salome. Dito nagsimula ang isang buhay na noon ko pa gustong maranasan. Isang masayang pamilya at tahimik na buhay.
Ang pamilya Alvaro ang naging karamay ko sa buhay lalo na si Serio, ang panganay na anak nila Nay Salome at Tay Ponsyo. Si Serio ang nasa tabi ko mula nung pinagbubuntis ko si Primo hanggang sa ito ay maisilang ko.
Siya ang tumatayong Ama ng anak ko. Pero h'wag kayong mag isip ng kung ano dahil magkaibigan lang kami ni Serio. Alam niya ang kwento ng buhay ko, nakwento ko nung panahong kailangang kailangan kong maglabas ng sama ng loob.
I'm so thankful na may kaibigan akong pinapahalagan ako at ang anak ko ng tunay.
Kaya kami laging napagkakamalang isang pamilya e.Serio, is a successful Engineer kahit hirap din sila sa buhay noon pero dahil sa talino, sipag at dedikasyon niyang iahon ang pamilya niya sa hirap ay napagtagumpayan niya ang mga pagsubok sa kanya.
Masasabi ko ding kung sa physical na kaanyuan ay hindi papahuli si Serio. He's a drop dead gorgeous man. Sa katunayan nga daming babae ang nahuhumaling sa kanya maging ang anak ng mayor dito ay baliw na baliw sa kanya.
Hindi ko sila masisisi sadyang kapansin pansin naman talaga si Engr. Serio Alvaro. Ewan ko lang kay Serio at bakit hanggang ngayon ay wala itong pinapakilalang girlfriend, ni hindi natanggi sa akusasyon sa kanya tungkol sa amin ng anak ko.Ako ang architech niya kaya lagi kaming magkasama na lagi ding napagkakamalang magkasintahan. Pero parang wala lng sa kanya. Mukhang natutuwa pa nga.
Pantaboy daw sa mga nagkakandarapa sa kanya. Haha. Masyadong mahangin.Primo is almost 3 years old. Mag bi-birthday sya sa susunod na buwan. Naging matiwasay naman ang pamumuhay namin dito sa Caticlan. Simple pero masaya. Akala ko noong umalis ako ng manila noon ay hindi na ako makakabangon pa, pero sadyang mabait ang Diyos at hindi ako pinabayaan.
Pagkapanganak ko kay Primo ay nagsikap akong makapasok sa opisina nila Serio. Gusto niya pa nga akong tulungan pero hindi ako pumayag. Hindi naman pwedeng i-asa ko sa kanya lahat. Kaya kinuhanan ko ng taga alaga si Primo kahit ayaw ko pero kailangan para may pantustos ako sa kanya. Gagawin ko ang lahat para sa Angel ko.Noong mag alas cinco na ay mabilis kong sininop ang aking mga gamit at excited na akong umuwi para mayakap ang aking anak.
Pagkalabas ko ng opisina ay naka-abang na si Serio sa labas gamit ang kanyang sasakyan. Kaya naman pala panay na naman ang bulungan ng mga ka trabaho ko e."O Serio, akala ko ba di ka makakadaan dito sa opisina dahil busy kayo sa site?" taka kong tanong kasi yun ang sinabi niya nung hinatid ako kaninang umaga.
"I just missed you and I'm tired." tanging sagot nito balewala ang tanong ko.
"Heh, tumigil ka nga kaya tayo napagchichismisan e. Di sana dumeretso ka na lang kasi ng uwi mas lalo mo pa pinapagod ang sarili sa pag sundo sa akin."
"Hindi nakakapagod ang pagsundo sa'yo Ysabel. Trabaho lang ang nakakapagod sa akin. And I don't care what others say. Let them be. Now, get in please."
Nagkibit-balikat na lang ako at pumasok na sa sasakyan niya. Sanay na ako sa mga sinasabi niya.
"How's the site and your day Serio?"
"Fine but Tiring. 'Bout you?"
"Fine and boring." can't help but to rolled my eyes. Paano ba naman kasing maghapon lang nakaupo. Ayaw pa kasi akong isama sa site.
He nooded. "I' ll take you to the site next week. You need to see it for further Ideas.
Yes! "Finally!" di ko maitago ang saya.
"Can I slept over to your house? I missed Primo, my kid." he suddenly said with a small grin in his face.
Napatingin ako sa kanya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "As if you need my answer to that Serio."He chuckled. "Just be glad that I'm asking you lady."
"Yeah whatever."
Kaya hindi talaga namamatay matay ang chismis sa amin e. Lagi kasi si Serio sa bahay doon na lagi dumederetso sa bahay paggagaling trabaho para makipaglaro kay Primo. Wala namang kaso yun sakin kasi nakikita ko naman na mas natutuwa ang anak ko pag andyan si Serio. And we're not doing something ridiculous. They can say whatever they say. No one will stop them as long as we're living peacefully.
--
Sorry sabaw ang update. I can't think straight, dami kasing ginawa maghapon.
Happy reading parin. 😁-San kayo, Serio o Flavio? 😅
BINABASA MO ANG
Hot Mommy Series: Reiniella Octavino
RomanceMeet Reiniella Octavino, a victim of sweet words, sweet gestures, and sweet possessions, but turns out to be the biggest lie that she ever encounter. Binigay niya ang lahat niya pero ang sinukli sa kanya ay pagtataksil at kasinungalingan. How could...