“Panigurado, crush mo si Carding!” malakas na bulalas ni Wilma kaya agad kong tinakpan ang bunganga niya.
“Hinaan mo nga ‘yang boses mo. Baka biglang dumating ‘yon at asarin pa ako sa maling impormasyon mo.” Nakairap kong sita sa kan’ya. “Malabong magka-crush ako sa panget na ‘yon. At tsaka, wala pa sa isip ko ‘yang crush-crush na ‘yan, parang tanga.”
“Hay nako, Belinda Venice. Alam mo, 10 years old ka na at hindi na malabo ‘yang crush para sa ‘tin. Hindi rin naman masama magkagusto o humanga sa edad natin, ‘no. Ang old school mo naman.” Naiiritang bigkas naman niya.
Nahinto ako. Parang sobrang labo naman kasi ng sinasabi ni Wilma sa ‘kin. Para ko ng kapatid si Carding at matalik ko siyang kaibigan. Ah! Ang gulo.
“Hindi rin naman malabo na magustuhan mo si Carl Dennis kasi matagal mo na siyang kasama. Hindi rin naman siya panget katulad ng sinasabi mo, ‘no. Siguro, dati oo ang panget niya kasi dugyot siya. Pero ngayon, hindi naman kasi marunong na siya mag-ayos kahit papaano.” Dagdag pa niya.
Ewan ko, para sa ‘kin panget si Carding. Mukha siyang shokoy na may dimples. Feeling cute. Iw!
Nataranta ako bigla nang biglang bumagsak ang pintuan, sinyales na nakauwi na si Carding mula sa gala niya. Dire-diretso siya sa kusina para kumuha ng tubig. Kadiri, pawis na pawis!
“Hoy! Maligo ka na, ang bantot mo!” sigaw ko kaya napatingin siya sa kwarto ko.
“Ikaw rin, ang asim mo na.” pambabara niya pabalik.
“Oh!” bulong ni Wilma kaya siniko ko siya.
Madalas ng nasa labas ng bahay si Carding dahil inaaya niya minsan si Chichay para kumain ng kwek-kwek sa may kanto ng school. Tss, dati ako ang inaaya ngayon si Chichay na. Parang hindi kaibigan.
“Oh, nasaan si Carl?” nagtatakang tanong ni Inang na kakauwi lang galing kina Tisoy para magtrabaho.
“Nanliligaw.” Direkta kong sabi kaya umubo si Inang.
“Ano?!”
Tinignan ko siya bago tumango ng tatlong beses. Kitang kita ang galit kay Inang nang sabihin ko ‘yon. Bilin kasi niya sa ‘min ay h’wag muna magkaro’n ng ligaw-ligaw na ‘yan dahil sobrang bata pa namin. Totoo naman, e kaso malandi si Carding.
“Yari talaga ang batang ‘yan sa ‘kin pag-uwi.” Banta ni Inang kaya natawa ako.
HAHAHA! Buti nga sayo, Carding. Palo ka ng tambo sa pwet.
Pero sa pag-uwi ni Carding, saktong pagdating ni Itang. Hahampasin sana ni Inang si Carding pero humarang si Itang.
“Ay, bakit mo hahampasin ang bata?” tanong ni Itang.
“Ay nako, ang batang ‘yan ay nalaman kong nanliligaw na. Kay bata bata pa.” galit na sabi naman ni Inang. Nagulat si Carding sa sinabi ng Inang tungkol sa kan’ya.
“Ano ho? Ako, nanliligaw?” turo pa niya sa sarili. “Hala, hindi po. Kumain lang kami ng kaibigan ko ng kwek-kwek sa may kanto.” Pagdedepensa sa sarili.
“Sinong kaibigan?” tanong ni Inang.
“Si Chichay po, kaibigang babae ni Bebang.”
“Ay jusko, ire!” lumapit si Inang kay Carding at hinampas ng tambo sa pwet. “Hindi ba panliligaw ‘yon? Ikaw talagang bata ka!”
“Viva, ay jusko tama na!” pag-aawat naman ni Itang. “Ay normal lang naman ‘yon. Magbibinata na ‘tong si Carding kaya hayaan mo na.”
“Ay sus ginoo ka, Berto! Kunsintidor ng mga bata.” Napasapo si Inang sa noo niya.
Tinignan ako ni Carding ng masama kaya tumawa ako. Alam niyang ako ang nagsumbong sa kan’ya dahil kanina pa ako tuwang-tuwa sa kanilang tatlo. Nang matapos ang pagtatalo ay siniko ako ni Carding.
“Bakit mo namang sinabing nililigawan ko si Chichay? Hindi pwede, bata pa siya at ako.”
“Anong magagawa ko? Gano’n pa rin naman ‘yon.” Nakasimangot kong sabi.
“E, ikaw ba? Kailangan mo balak magkaroon ng gusto sa lalaki? Dapat nga nagsisimula ka na matutong mag-ayos para maraming magkagusto sayo.” Pagbibigay opinyon niya.
“Kahit naman mag-ayos ako, siguradong walang magkakagusto sa matabang katulad ko. Bully pa.” sinimulan ko muling laruin ang buhok ko.
“Hala siya. Maganda ka kaya, hindi ka lang nag-aayos. At tsaka hindi ka na mataba katulad ng dati, at bagay naman sayo ngayon ang laki mo.” Pamumuri niya sa ‘kin.
Para bang may kung ano sa ‘kin na naging masaya dahil sa sinabi niya. Maganda raw ako? ‘Di ko ramdam na nagsisinungaling siya.
“Gano’n ba? E, kung sa tingin mo. Ikaw, magkakagusto ka ba sa ‘kin kung sakaling mag-ayos ako?” tanong ko kaya nagulat siya.
“Ako?” turo nito sa sarili. Tumango lang ako kaya nag-isip siya. “Oo, siguro. Pero dahil kaibigan kita, hindi na lang. Mas gusto kong ganito tayo.” Nakangiti niyang sabi.
Aray! Bakit ang sakit no’n? Pakiramdam ko, para akong nawalan ng pag-asa.
Hindi ko na lang naisipan pang magsalita. Nasa harap kami ngayon ng TV at nanonood ng teleserye. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa palabas dahil mas lutang ang utak ko. Lunod ang pakiramdam ko at gusto ko siyang samapalin. Ang duga naman ni Carding.
Gusto ko ba siya? Bakit?
“Ah, sige. Magpapahinga na muna ako. Patayin ang TV kapag lalabas ka, tatadyakan kita kung hindi.” Pagbibiro ko para hindi niya mapansin ang pag-iwas ko sa kan’ya.
Dapat ko siyang iwasan. Para hindi ko siya gustuhin pa lalo.
“Sabi na, e. Tama ako!” natutuwang sabi ni Wilma kaya napairap ako.
“H’wag ka nga matuwa d’yan. Talo naman ako, e.” nakasambakol kong sabi. “Madaya si Carding. Sana ako na lang si Chichay.”
“Hala, Belinda. H’wag ka magmaktol d’yan. Ayos lang ‘yan, marami ka pang magugustuhang lalaki d’yan. Tsaka sabi mo nga, bata pa tayo. Kaya marami pang oras para d’yan.” Hinampas ako ni Wilma bago kinuha ang bag niya. “Pero nagpunta ako rito para ayusan ka. Sige, simula na tayo!”
Tinawag ko siya mula sa kanila para turuan akong mag-ayos. Kahit na pulbo at tamang pagtatali lang ng buhok. Ang lamang ng bag niya ay samu’t saring panali sa buhok dahil mahilig siyang magtali.
“Ayan. Pagpatungin mo lang sila.” Pinapanood niya kung paano ako magtirintas ng buhok. Pumalakpak siya nang matapos ko ‘yon ng maayos. “Ang bilis mo naman pala matuto, e.”
“Hindi naman kasi mahirap.” Pambabara ko sa kan’ya.
Marami pa itong tinuro sa ‘kin na siyang nagamit ko sa hanggang sa grumaduate ako ng Elementary. Hanggang grade 6 ay hindi nawala sa isip ko si Carding kahit na kinuha na ulit siya ng nanay niya sa bahay at nanirahan sa kabilang barangay at malapit kila Chichay.
“Congrats, Belinda!” bati ni Penny habang hawak ang camera niya. “Sige, ngiti na. One, two, three!”
Nagflash ang ilaw at lumabas ang putting papel na may itim. Winasiwas niya ito hanggang sa makita ko na ang itsura ko sa papel.
“Oh, ayan!” abot niya sa ‘kin. “Isa pa, tayong dalawa naman.” Aya niya bago inabot sa kasama niya ang camera. “Ngiti na!”
Sa sigaw niya, biglang nagflash ang camera kaya hindi ready ang mukha ko sa picture. Pero kahit gano’n, masaya siya sa resulta.
“Penny! Mira, Snow, Chichay, Andeng, Este at ate Mad! Tara sama sama tayo!” tawag nito sa mga babaeng nasa kabilang row lang at sabay-sabay na lumingon.
Dumating naman sila at nagkumpulan kami para maghanda sa picture.
“Okay, one, two, three!”
“Cheese!”
BINABASA MO ANG
White Dust (Elementary Series #2)
Non-Fiction(COMPLETED) Have you ever experienced being shot by a chalk? With the Board Eraser? Belinda (Bebang) Venice Fernandez is an Elementary Bully. Everyone see her like a boss and everyone is afraid of her. On the other hand, Bebang have many friends de...