Chapter 1

96 22 44
                                    

Maaga pa kaya wala pa ‘yung teacher namin sa room. Sure ako, nasa principal’s office pa ‘yon kasi may nagsumbong na naman sa room.

“Carding kasi, epal!” sigaw ni Mary.

“Ikaw ba ‘yung may tupa?” sabay tawang sabi ni Carding. Turo pa nito ang papel ni Mary.

Lumapit ako at nakisali sa pang-aasar ni Carding kay Mary. Mukhang iiyak na kaya mas lalo akong natuwa.

“H’wag kana umiyak. Mas kamukha mo na ‘yung tupa kesa kay Mary, sige ka.” Panggagatong ko sa asar ni Carding.

Humagalpak ang katabi ko sa tawa bago ako inakbayan. Lalong naiyak si Mary kaya tinulak ko si Carding.

“Hala ka, lagot ka! Pinaiyak mo si Mary.” Pinanlakihan ko ng mata si Carding bago siya nilagot. “Hoy! Si Carding pinaiyak si Mary! Sumbong niyo kay teacher mamaya!” sigaw ko kaya nataranta si Carding.

“Hoy, bakit ba ako lagi, Bebang tabachoy?” tinulak ako ni Carding kaya muntikan na ako malaglag sa upuan.

Aba, lokong ‘to. Gusto yatang makatikim ng ganti ni Bebang.

“Ikaw Carding, patpat ka na nga, lakas mo pa mang-asar. Sige nga, kaya mo na ako?” panghahamon ko sa kan’ya.

Akma pa siyang magsasalita kaya inambaan ko siya. Umiwas naman siya agad kaya tumawa ako. Kahit kailan, napakaduwag.

“Wala ka naman pala, e.” nguso ko bago kinuha ang bagong lapis ng umiiyak na Mary. “Akin na lang, huh? Salamat!”

Bumalik na ako sa upuan ko sa likuran bago sinulatan ang mesa ko. Muntikan akong masubsob dahil sa nakita ko. Bakit may drawing na ganito sa mesa ko? Teka…

Masama kong tinignan si Carding na nakangiti na. Epal talaga nito! Bakit niya drinowingan ng ganito mesa ko? Ayoko dito. Magpapalit kami ng upuan. Nasa harap ko kasi ang kan’ya kaya sinabunutan ko siya.

“Ikaw may gawa no’n kaya ikaw doon. D’yan ako kaya umalis ka!” hinila ko pa ang patilya niya kaya sumigaw ito sa sakit.

“Aray, aray! Bebang, sorry na! Oo ito na, lilipat na!” hinampas-hampas pa niya ang kamay ko kaya binitawan ko na siya.

“Sa susunod, kakalbuhin kita.” Sabay upo kong sabi. Nakakainis naman, mas gusto ko ang pwesto doon kesa dito, e

Nakita kong nakatingin si… Percinita? Percitina? Ay basta, si Penny. Bakit naman kasi napakahirap alamin ng pangalan niya? Basta, ‘yung nagtusok ng lapis kay Carding dati. Laptrip ako noon, e.

“Ano gusto mo?” tanong ko sa kan’ya kaya umiwas siya ng tingin.

Napansin ko lang, mahilig talaga siya sa lapis. Hays, hindi ko lang makuhanan kasi baka ako naman ang saksakin ng lapis. Grr, katakot.

Napalingon naman ako sa kabilang row, at katulad ng dati, kausap ni Andeng ang anino niya. Siya yata ang pinaka walang muwang sa classroom. Ewan ko ba dito, tahimik pero ‘di ko alam kung tahimik talaga o ayaw lang magsalita. O baka ‘di ko nakikitang nagsasalita siya?

At ang isa pang weird sa kaklase ko. Si Muchichay na laging tulala at tahimik. Shy type yata o baka ayaw lang niya sa tao. Kaya weird siya. Mukhang ang daming problema sa buhay.

“Sino kumuha ng pambura ko?!” malakas na sigaw ni Snow.

O sa tawag kong Yelo. Wala lang, gusto ko lang siyang tawaging Yelo kasi Snow pangalan niya e. Ayoko din sa kan’ya kasi mas maingay pa siya sa teacher namin. At sa tingin ko, maarte siya kaya hindi siya pwede maging kaibigan. Baka masampal ko pa siya. Grr.

“Este, nakita mo ba pambura ko?” sabay kalabit nito sa batang palaging nagkakamot ng braso.

“Hala! Hindi…” sa reaksyon niya, akala mo siya ang kumuha pero hindi. Masyadong mabait si Estella para magnakaw ng pambura.

“Hoy, Bebang! Siguro ikaw ang kumuha, ‘no?” nakaturong sabi ni Yelo sa ‘kin.

Napataas ang kilay ko. Teka, kapag ba may nawawala palagi, ako? Si Carding magnanakaw dito, hindi ako.

“Hoy ka rin. Hindi ako ang kumuha ng pambura mong bago kaya h’wag mo ako maturo-turo d’yan.” Pagtataray ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. “Baka si Carding ang kumuha.”

“Hoy, anong ako na naman, Belinda Venice?” buong-buo ang pagkakabigkas niya sa pangalan ko kaya alam kong hindi siya ang gumawa.

“Ilabas niyo na kasi! Isusumbong ko kayo kay Mama!” malakas nitong sigaw.

“Snow, ano bang sinisigaw mo d’yan? Ako nanghiram ng pambura mo.” Sabay binato ni Mira ng pambura kay Yelo. “Salamat…”

Tinignan ko lang siya. Kinuha pala, huh? Napaka engot naman minsan ni Yelo. Hays.

Nagulat ako dahil biglang tumayo si Penny at naglakad papunta sa ‘kin. May dala siyang lapis na may matulis na tasa kaya napaatras ako. Sasaksakin niya ba ako?

“Bebang.” Tawag nito kaya napataas ang kilay ko.

“Huh? Ako?” tanong ko. Narinig ko pang tumawa si Carding sa likod ko.

“Oo.”

Wala naman akong kasalanan. H’wag niya sana ako saksakin ng lapis, ayoko siyang masaktan.

“Gusto mo bang tasahan ko ‘yang lapis? Ang purol na, e.” nakangiti nitong sabi.

Ay jusko, akala ko sasaksakin ako. Nakahinga ako ng maluwag bago binigay ‘yung lapis sa kan’ya. Malakas niyang nilapag ang pantasa sa ibabaw ng mesa ko bago mabilis na tinasahan ang lapis na kinuha ko kay Mary. Nang makita niyang matulis na ‘yon, binalik na niya sa ‘kin.

“Ayan, okay na. kapag gusto mong tasahan ang lapis mo, sabihin mo lang sa ‘kin, huh?” lalo siyang ngumiti bago umupo sa pwesto niya.

Bakit ‘di pa ako masanay na weird mga kaklase ko? Si Chichay at Andeng na walang ibang ginawa kung hindi manahimik, si Este na palaging kamot ng kamot, si Mira na walang ginawa kung hindi tumawa, si Carding na magnanakaw, si Mary na iyakin… ako lang ba ang matino dito?

“Sorry, class. May nagsumbong kasi na mother sa ‘kin at ikaw Belinda, bakit mo pinaiyak si Jade ng Section Emerald? Hindi ka na talaga nadala…” at patuloy pang panenermon bago siya nagsimulang magturo.

Pinaka hinihintay ko lang naman sa pagpasok ay ang…

“Okay, pumili ang mga bibili.” Nakaupong sabi ni teacher habang hawak ang tray na puro biscuit at masasarap na candy. Aaaa, gusto ko ng isa.

“Hoy, Carding!” binato ko siya ng lukot na papel kaya tinignan niya ako.

“H’wag mong sabihing pati pagkain ko, Bebang taba…” dahan-dahan niyang niyakap ang tinapay niya.

“Tanga, may pera ka ba d’yan? Libre mo ako, ‘yung candy lang. Kahit lima, dali na.” kinakalabit-kalabit ko pa siya.

“Pang pusta ko pa sa sisiw ‘to! H’wag mo ako burautin!” naiinis na sabi niya bago tinulak ang kamay ko. “Bumili ka kung gusto mo pero hayaan mo ako kumain ng matiwasay dito!”

Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kaya kinuha ko ang tinapay na dapat ay kakagatin na niya. Tinignan ko siya sa mata kaya wala siyang nagawa kung hindi sundin ako.

Alam naman niyang isusumbong ko siya sa tatay niya na pumupusta siya sa sisiw. Bumalik ito na may dala pang sobra kaya napapalakpak ako sa tuwa.

“Sana naman hindi mo na ako guluhin sa pagkain ko, Belinda.” Mabilis niyang kinuha ang tinapay niya sa kamay ko at naupo sa likod.

Tinignan ko siya. Kaya siya lang ang pinagkakatiwalaan ko, dahil siya lang nand’yan sa tuwing kailangan ko ng mahihingian ng tulong. Tunay na kaibigan din siya.

Siya si Carl Dennis Jimenez. Ang batang kasama ko mula noon… hanggang ngayon.

White Dust (Elementary Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon