Part 2

278 10 0
                                        

Millary POV

" Napano ka, bat nanginginig ka at bakit namumutla ka ?" tanong ni Annie sa akin ng makita niya ako sa baba ng hagdaan

"Ahhhh, waaalllla" sagot ko kay Annie na may panginginig ang aking boses

"Anong wala ka diyan, tignan mo nga ang sarili mo nanginginig katapos namumutla ka, daig mo pa ang nakakita ng multo" sabi ni Annie sa akin at biglang itong lumapit sa akin at sinalat ang aking noo, agad ko tinampal ang kamay nito, anong akala nito sa akin may sakit

"Napagalitan kasi ako kay Sir Jann Michael" sagot ko kay Annie sabay ng pagkagat ng aking labi

" Bakit, Anong nangyari?" tanong ni Annie sa akin, siguradong mag-uusisa ito at hindi ako nito titigilan kaya kailangan ko na itong sagutin

" Bakit ang taggal ko daw linisin ang kanyang kwarto" sagot ko kay Annie kasabay ng aking paglukot ng aking mukha at nakita kong biglang may lumitaw na maliit na ngiti sa kanyang labi at sabay sabing

" Bakit nga ba ang taggal mo linisin ang kwarto ni Sir Jann Michael , wag mo sabihin sa akin MIllary na nahiga ka pa sa kama ni Boss at inamoy pa ang kanyang damit at niyakap ang kanyang unan at huwag na huwag mong sasabihin sa akin na pinagpantansyahan mo pa siya? Sbai ni Annie na walang gatol at walang tigil sa kakatanong, sabi ko na nga ba mahuhulaan nito ang pinaggawa ko , anong bang meron sa babaeng ito nahuhulahan ang aking pinaggawa

Napaisip akong bigla manghuhula ba itong babaeng ito, bat alam niya ginawa ko, ihhhh nakakahiya, mukha akong timang, ang lakas ng tama ko kay Sir Jann Michael

" hindi kaya noh, naglinis lang ako, natangalan lang" pagtangi sabi ko sa kanya, sabay baling ng aking mata sa kabilang gilid, ayaw kong malaman niyang pinaggagawa ko nakakahiya at hindi ako nito titigilan sa kakaasar

" osya, sabi mo eh, bahala kang papaniwalahin ang sarili mo sa hindi totoo, tara na kanina pa tayo hinahanap ni Manang Rosa kain na daw tayo" sabi ni Annie sa akin sabay kurot sa aking tagiliran, ano ba itong babaeng ito kahit makaila ako at itangi ko alam niyang nagsisinugaling ako, kaya napabungtong hininga nalang ako at sumunod na ako sa kanya papuntang kusina

At sabay na kami naglakad papuntang kusina para kumain ang sarap ng aming almusal kilain , usually ang ulam namin tuwing umaga ay mga pagkain itlog, ham, bacon, tuyo, dilis, longanisa o tocino, ngayon ang sarap ng ulam namin, ng natapos kaming kumain, linigpit na namin ang aming pinagkainan at ng paalis na kami, siya naman pagdating ng driver ni Sir Jann Michael na si John, gwapo si John maitim ito, may matang nang- aakit, kilay na makapal, matangos na ilong, labing mapupula may magandang pangangatawan, matangkad din ito at may awra ito na ndi ko mabatid kung ano ang bumabalot sa buong pagkatao nito pero may hinala ako pero ndi ako sigurado, mabait din ito sa akin , pero pagdating kay Annie , iba ang pakikitungo nito dito, parang bigat bigat ng loob niya dito, tinanong ko naman si Annie kung ano bang ginwa niya kay John o dati ba niya itong kilala at nagkakilala na sila dati ay meron itong nagawang masama dito ang sagot naman ni Annie ndi niya kilala si John at ngayon lang sila nagkita ng magtrabaho ito sa mansyon ng Dela Muonz, Nagpaparamdam ito sa akin pero bakit ewan ko ba bakit ayaw ko ito , matagal na itong nagpapalipad hangin sa kanya pero ni minsan hindi niya man ito nagustuhan, ang talagang gusto niya lamang ay ang kanyang boss na Sir Jann Michaek , ewan ko ba ang lakas lakas ng dating nito sa akin, naku hindi lang yata pagkagusto ang nararamdaman ko sa Boss ko kung hindi PAGMAMAHAL na yata ito. Narinig kong nagsalita si John kaya ganoon nalang ng bumalik ako sa realidad at napatingin ako dito

"Hi Millary" sabi ni John sa akin sabay ngiti nito sa akin , talagang ndi mo maalis na hangaan ito dahil sa ang gwapo nito, ang ganda pa ng ngiti nito at ang puputi ng ngipin nito pero kahit gwapo ito, ndi ko talaga ito magugustuhan kasi ang laman lang ng aking puso ay ang pangalan JANN MICHAEL

Wild Love (Edited Version) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon