Part 5

147 5 0
                                    

Millary POV

Ng nasa kwarto na ko bigla ako napaisip, sino nga ba talaga ako?, bakit ako nagpapangap bilang isang katulong , hindi ganitong buhay ang nakasanayan ko, ang buhay na nakasnayan ko ay buhay ng isang prinsesa , ako ang pinagsisilbihan at ndi ako ang nagsisilbi

Sa aking pag-iisip bumalika ako sa aking nakaraan

Anak ako ng mag-asawang Andrea at Rommel Montemayor, mayaman angkan sa Pampanga, bakit ako nandito sa Manila, simple lang dahil tinatakasan ko ang aking magulang dahil nais nila ako ipakasal sa anak ng kaibigan nila sa negosyo, ayaw kong magpakasal sa lalaking hindi ko mahal, kaya ganoon na lang ang paglayas ko sa aming mansyon at ganoon na lang ginawa kong pagtatago.

Si Ronel Villaflor ang nais ipakasal sa akin, Hindi ko gusto si ronel pero alam ko siya , malalim ang kanyang pagkagusto sa akin , kasi ilang beses na siya nanligaw pero lagi ko ito binabasted, siguru dahil wala ako maramdam na kakaiba sa kanya, wala ako maramadaman na pagmamahal, sinubukan ko naman dahil alam ko siya ang tinakda ng mga magulang ko pero kahit anong pilit ko ayaw ng puso ko, kaya nagpasya na ko na umalis sa bahay namin

Noong una naging mahirap sa akin ang pag alis ko, kasi magkanu lang ang dala kong pera, iniwan ko lahat ng ATM debit card ko, alahas ko, sasakyan, pass book at ibang gamit ko baka masundan ako ng aking mga magulang, ang tanging nadala ko lang ay isang libo at kwintas na nasa leeg ko alam ko kung magkagipitan magagamit ko ito at masasangla ko ito or mabebenta ko ito, ndi alam nila mama at papa ang kwintas ko na ito , kaya alam ko ndi nila ako mahuhuli dahil sa kwintas, ang binayd ko sa bus pagluwas ng manila ay tatlong daan kaya may natira pa sa akin

Noong una sumakay ako ng bus, hindi ako sanay , kasu pinilit ko , kasi kung hindi ako sasakay doon, hindi ako makakaalis sa pampanga,iyon lang ang isang paraan para makaluwas sa Manila

At sa pagsakay ko ng bus ayan napunta ako dito sa manila, dahil kaunti lang dala kong pera, nghanap ako ng bed spacer , nakahanap naman ako buti nalang naging mabait ang pagkakataon sa akin,at naglakas loob na din akong magtanong sa land lady doon kung may alam siya naghahanap ng mangagawa o katulong , una nag-isip muna siya at ng may naalala siya bigla siyang napatayo at sabay sabing

" oo nga pla yung kaibigan ko , doon daw sa kakilala niya may naghahanap ng dalawang katulong" sabi niya sa akin pero bigla siya napaisip at biglang sabi niya sa akin"sigurado ka katulong ang hinahanp mong trabaho, ndi ka mukhang katulong, mas mukha pa nga akong katulong sa iyo"sabi ni Manang Rosana sa akin at nakatingin ito sa akin ng may kasamang paghanga

" kayu naman po manang rosana, mapagbiro po pala kayu" ganting biro ko sa ginang at ngumiti ng simple

" totoo kaya, ang ganda mo para maging katulong mukha ka ngang modelo, ang ganda din ng kutis mo at ang puti puti mo mukha ka ngang mayaman at galing sa amay kayang pamilya" sabi nito sa akin at sinusuri ako ng kanyang tingin

"hindi naman po galing sa mayaman g pamilya, mahirap lang po kami at nagkataon lang po naalagahan ko lang pong mabuti ang aking kutis "tangi ko sa ginang, bigla akong natakot paano kung hindi niya ako tulungan makahanap ng trabaho., at nanalangin ako sa aking isipan na sana mapatawad ako ng Dios sa aking pagsisinugaling, ayaw ko man po magsinugaling pero nagawa ko dahil sa kinakahrap ko sitwasyon ngyon

"sa probinsya po kasi namin, naalagahan ko lang po ng kaunti ang kutis pero hindi po kami mayaman" sabi ko ulit sa ginang, para lalo ko itong makumbinsi

" ay ganoon ba, oh sige, bukas ala otso ng umaga kailangan gising kana, para samahan kita doon sa kaibigan ko" sabi ng ginang sa akin, mukha siya mabait kaya magaan ang loob ko sa kanya at napayapa ako

"stay in doon ah" dagdag na salita nito sa akin at tumango ako bilang pagsang-ayon

" Mraming salamat po, hindi ko po kakalimutan , maging ng maaga bukas po" sabi ko kay manang rosana bilang pagbubugay ng asyurance na maaga ako bukas at tutupad ako sa aking sinabi

Wild Love (Edited Version) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon