Millary POV
At ng iangat ko ang aking paningin ay agad akong nag-explain sa kanila , baka nong isipan nila naku nkakahiya kay sir jann michael, baka isipin nito na ambisyosa ako
"hindi man po niya ako girlfriend" sabi ko kaagad kina mang tonyo at mang senya, ano ba ito kakasabi ko lang sa kanila na katulong lang ako ni sir jann michael bakit pa ba nila natanong yun, nakakahiya tuloy kay sir jann michael baka akala niya nagpapakilala ako dito ng GF niya ako
" opo" sabi ni sir kay mang tonyo at ganoon nalang ang aking pag kabilga at kaagad naman naglaki ang aming mga mata at kaagad din nalaglag ang aming mga panga sa pagkabigla sa sinabi niya
Bakit niya sinabing oo? Ayy naku ndi ko mawari kung kikiligin ako o mahihiya at sobrang nakakhiya kina mang tonyo at manag senya dahil hindi naman totoo yun at ganoon nalang ng bigla akong tumingin sa kanya mga mata at nagtatanong ang aking mga mata kung bakit niya sinabi ang mga katagang yun at ngumiti lang ito sa akin at yun ang naging sagot niya sa akin sa aking tanong at bigla akong napaisip ano bang iniisip ni sir jann michael at bakit niya sinabi yun
"sir hindi man kami nakaluto ng mga paborito ninyong pagkain dahil biglaan ang inyong pagdating, nagugutom po ba kayo? " sabi ni manang senya kay sir sa nahihiyang mukha dahil ndi man ito nakapaghanda ng pagkain
"hindi po manang, kumain na po kami sa daan kanina" sabi ni sir jann michael kay manang senya
"magluluto nalang po akong ng pang hapunan mamaya dadalhin ko nalang po sa villa corazon" sabi ni manang senya kay sir at bigla akong napaisip sabi ni manag senya nadadalhin nalang niya, saan ba sila nakatira ni mang tonyo? Bakit kailangan dalhin ehh ang gagawin lang nila ay ihain ito parang nabasa nito ang iniisip ko kaya agad nitong sinagot ang tanong ko at ang bilis naman basahin ang aking isipan, parang napatransparent ko naman
" sa likod ng villa corazon nakatira sina manang senya at mang tonyo" sabi ni sir sa akin at ganoon nalang ang aking pagkabigla at napaisip ako na ibig bang sabihin kami lang dalawa ang titira ni sir jann michael sa villa corazon at biglang namula ulit ang aking mukha at kaagad ko ipiniling ang aking ulo upang mawala ang iniisip ko at kaagad napansin ni sir ang pamumula ng aking mukha at ngumiti ito sa akin, naku napagwapo talaga nito pag nakangiti at sana magtuloy tuloy na ang kanyang pangiti sana pag bumalik kami sa mansyon ganoon pa rin ito , iyong lagi pa rin sana itong nakangiti at nang magpaalam na ang mag-asawang katiwala ay kaagad na niya akong niyaya sa loob ng villa corazon , naamaze ako sa aking nakita sa loob at sa totoo lang sobrang napaganda ng villa corazon atkaagad kong ginala ang aking mga mata at sobrang maaliwalas nito sa loob, pumanhik ito sa second floor at kaagad ko itong sinundan ng pumahik ito sa ikalawang palapag, wow sobrang linis ng villa corazon at huminto kami sa isang pinto at nabigla ako ng biglang magsalita sir jann michael
"Magpahinga ka na bukas papasyal muna tayo sa mga tourist spot dito bago tayo pumunta sa mga sarmiento"sabi ni sir sa akin at biglang nagliwanag ang aking mga mata dahil sa sinabi niya na ipapasyal niya ako , totoo ba ito?
"wow sir, talaga po?" sabi ko kay sir jann michael sabay lapit dito at hawak ng kanyang kamay kasi ndi ako mapaniwala na isasama niya ako sa pamamasyal
"oo, kaya magpahinga ka muna at mamayang dinner ay tatawagin nalang kita kapag naihanda na nila manang senya ang ating hapunan " sabi nito sa akin ng nakangiti , ayyy kinikilig ako, self kalma lang baka anong gawin mo kay sir lalo na kayo lang dalawa ang nandito
"ito pala magiging kwarto mo at ako dito sa kabila" sabi ni sir sabay turo sa aking magiging kwarto ko at sabay turo sa katabing kwarto na magiging kwarto niya
" salamat po sir" sabi ko kay sir jann michael habang papasok sa aking silid, napawow ako sa aking naging silid sobrang ganda naman nito
At ng maghapunan na nga ay niyaya ako ni sir jann michael , kinatok niya ang aking pinto at ng lumabas ako ay nakashort lang ako , nabigla ito sa suot ko at nakasando lang ako, sa suot ko ngayon ay litaw na litaw ang aking pagiging maputi at ang ganda ko kaya ndi na ko nagtataka kung bakit ganito ang naging reaksyon nito at ilang minuto nagkakatitingan kami ng niyaya na niya akong bumaba
BINABASA MO ANG
Wild Love (Edited Version) (COMPLETE)
RomansaSi Jann MIchael suplado, walang emosyon at mabangis ,para maitago ang durog nyang puso , pusong nadurog dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa at kanyang anak. Si Millary ay isa sa mga katulong sa mansyon ng Dela Munoz, Mag iisag taon na siyang nanin...
