ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴏɴᴇ

5 1 1
                                    

Hawak-hawak ang mga gamit ko, paiyak akong naglakad palayo sa bahay namin. Nabagsak kasi ako sa eskwelahan. Sinubukan ko naman sabihan sakanila yung rason eh, pero ayaw nila makinig. Sa tingin nila, isa lang akong tamad na pinapakain nila, UNGRATEFUL sabi pa nga ni papa.

Papunta na 'ko ngayon sa apartment ng tita ko. Ti-nextan niya ko kanina, naandun kasi siya sa bahay nung sinigawan ako ni mama. Kung gusto ko raw muna tumira sa kaniya , malamang wala na 'kong ibang choice kundi um-oo.

Nagliliparan ang mga dahon ngayong gabi kaya kinalikot ko ang bag na laman ang ilang damit ko at sinuot ang pulang hoodie.

Nasa madilim na parte ng syudad na 'ko, Archer street. Marami akong nasagap na tsismis sa mga kaklase ko na laganap raw dito ang mga drug dealers. Mga taong tinalikuran ng gobyerno. Paminsan-minsan dito kami dumadaan papuntang eskwelahan. Maraming manglilimos at patumba-tumbang mga lasing sa gilid.

Tinapon ko na ang tissue na ginamit ko singahan. Hindi parin tumitigil ang mga mata 'kong lumuha. Mahigpit ang hawak ko sa mga bagahe ko at purse. Mahirap na, baka manakawan ako.

Kahit na madilim dito, maingay parin. Mga nagsisigawan na mag-asawa, mga lasing na nag-aaway. May narinig pa nga akong nabasag na salamin.

Nakakadag rin ang lamig ng hangin sa kaba ko kaya mas diniinan ko pa ang paghawak ng hoodie at bag ko. Binilisan ko ang pagpaglakad ko kasi sumasakit na likod ko sa kalalakad. Marami ka pang dapat daanan na mga pasikot-sikot, masikip yung ibang oarte ng daan, yung iba naman sobrang luwag. Mga halos kalahating oras na'kong naglalakad.

Huminga ako ng malalim nang makalabas na 'ko sa street na yun. Creepy. Narinig ko na ulet ang mga ingay ng tao galing sa mga mall, groceryhan. Malapit rin ang linabasan ko sa park. Daming naglalandian. Ew.

Linakad ko na ang daan patungo sa bus stop. Hay, nakapagpahinga rin. Linagay ko muna ang mga bag ko sa upuan at umupo narin. Sakto nalang walang ibang tao.

Binuksan ko ang purse ko para kunin yung wet wipe. Pinunasan ko muna yung gilid ng mga mata ko, nag-dry na kasi yung mga luha. Pinunasan ko na rin yung kamay ko at buong mukha.

Habang naghihintay ng bus, kinuha ko muna ang selpon ko at binuksan ang tuktulaok. Kaninang umaga kasi sabi ni Krym nag hiwalay na raw yung kilalang bidyobers na mag-jowa. Para mawala nang kahit sandali ang kalungkutan ko, naki-tsismis nalang ako.

MGA SIKAT NA PAG-UUSAP

   #MALIGAYANG_KAARAWAN_KHROLE
  
   scam
1,972 tuktoks

   MNL12 FIRST WIN
75.8k tuktoks

   risa and polber scandal
12k tuktoks
  
   Kasmir and loui breakup
67.1k tuktoks

:Omg si Kasmir raw yung nag-loko
     :Shuta crush ko pa naman siya
          : Homerecker panga
     : Sinabihan ko na kasi yang si Loui na mangloloko yan. 'yan tuloy nag break sila hay.
          : Luh? Sino ka? Feeling close kayo ni Loui?
          : tangina who dis?

Shucks, crush ko panaman rin si Kasmir. Kala ko naman desenteng tao yun huhu.

Habang nagscro-scroll sa selpon ko, biglang umilaw ang gilid ng shed. Tinago ko na yung selpon ko at nag-ready na sa bus na dadating.

Nang may dumaan na bus, dali-daki akong pumasok. Naka grey hoodie parin ako kaya hindi halos makita ang muka ko. May nakasabay rin kong pumasok na pasahero.

"Bayad po,Ma'am" pagka-slide ko ng bus card, uupo sana ako kaso wala nang upuan. Sikip na ren nang kaonti ang bus kaya napagisipan kong tumayo nalang sa unahan, para mas mabilis bumaba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Myth TalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon