Chapter 12

32 1 0
                                    

Chapter 12

Isang buwan na ang nakalipas noong pagpunta ako sa Ospital. Pagkatapos naming mag usap ni Brendan non ay umuwi kaagad ako dahil nawala ako sa mood. Ang sinabi saakin ni Brendan ay kinabukasan daw nung pagpunta ako doon ay lumabas na ng Ospital si Vannah.

At ngayon nandito ako sa likod ng school. Yung puro halaman. Nakaupo ako sa bench magisa. Hindi ako pumasok sa isang subject ko dahil nakakatamad. Makikita ko lang si Sir Agustin.

Ano kaya kung matagal ko nang pinormahan si Vannah? Edi sana hindi na siya chachansingan ni Brendan. Tangina kase! Nasa nature na ba talaga ng mga lalake ang magpaka torpe? Yung hirap sabihin ang nararamdaman? Yung kung kelan may pumorma sa type namin saka lang kami magiging aware sa feelings namin.

"Alam mo ba may nagsabi saakin na yung mga lalake daw na malakas ang loob na mag show ng feelings ay yung mga hindi totoo?" Nagulat ako nang may magsalita sa tabi ko. Pagka tingin ko ay nakita ko si Olivia. Nakatingin siya sa malayo at tsaka nagpatuloy.

"Kasi daw kung totoong may feelings ang mga lalake sa babae ay mahihirapan siyang sabihin ang totoo. Kasi natatakot silang ma reject ng gusto nila." tumingin siya saakin, "totoo ba iyon?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Ganun ba talaga 'yon? Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya.

"Pero parang hindi naman. Iba iba naman ang mga lalaki, diba? Yung iba malakas lang talaga loob at yung iba torpe lang talaga." bumuntong hininga siya. "Hays! Bakit ko ba 'to sinasabe?" Ginulo niya ang buhok niya.

"Mukhang may pinanghuhugutan ka ah?" Tanong ko.

"Ang hirap kaseng basahin ng mga lalaki." sabay nguso niya.

"Mahirap rin namang basahin ang mga babae." tumawa ako ng konti.

Pero may punto si Olivia. Posible kayang hindi totoo si Brendan kay Vannah? Nung mga nakaraang araw madalas ko silang makitang magkasama. Hindi na sila masyadong sumasama sa amin. Tangina, huli na ba ako?

Tumayo ako nang mag ring ang bell. Nagpasalamat ako kay Olivia at tsaka tumakbo para hanapin si Olivia at Brendan.

Nakita ko si Vannah at Brendan na magkasama. At shit! Bakit sila magka holding hands!? 

Huli na ba talaga ako? Tangina paano kung niloloko lang ni Brendan si Vannah? Paano kung hindi naman pala totoo yung nararamdaman niya katulad ng sinabi ni Olivia? 

Pinakalma ko muna ang sarili ko at tinawagan si Anthony para magkita kami.

"Pare, problema naten?" bungad niya saakin nang makaupo ako. Nasa canteen kami dahil dito niya ako pinapunta.

"Si Vannah na ba tsaka si Brendan?" Tanong ko habang nakatitig sakaniya.

"Ewan ko dun. Wala namang kinikwento saakin yung mokong na yun." Tumingin siya saakin at tsaka nagpatuloy, "Baket? Meron ba akong hindi alam na malalaman ko rin dahil ipapaalam mo saakin o malalaman ko nalang kasi mahahalata ko?" Sabay ngiti niya ng nakakaloko.

"Gunggong pinahaba mo lang."

"Gwapo kase ako." sabay ngisi niya.

Nang maalala ko nanaman ang nakita ko kanina ay naginit kaagad ang dugo ko. Ganun lang ba 'yon? Pagkatapos ng ilang buwang pagkakakilala ay may holding hands na kaagad? Eh matagal na nga kaming magkakilala niyan ni Vannah pero kahit isang beses hindi ko pa nahahawakan kamay niyan eh! Tangina napaka easy to get!

"Huy pre! Yung plastik na bote na pipi mo na oh. Tsk tsk, kawawang bote." Iling ni Anthony.

Tinitigan ko lang siya at imbis na mag peace sign, nag pogi sign siya. 'Pag ako na badtrip dito kay Anthony masasapak ko 'to eh.

Tumingin ako sa labas ng canteen at nakita ko si Vannah na naglalakad. Agad akong tumayo para habulin siya, narinig ko pang tinawag ako ni Anthony pero hindi ko nalang 'yon pinansin. Ang importante ay makausap ko si Savannah.

A Lifetime in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon