Chapter 8

86 3 5
                                    

Ayaw na ayaw ko talaga kapag nasa akin ang atensiyon ng mga tao. Lalong lalo na pagdating sa boses ko. Nung bata pa kasi ako lagi akong pinapaka kanta sa videoke, tapos isang araw pumiyok ako ng malakas. Hindi naman mataas yung kanta pero pumiyok lang ako bigla. 

"Olivia, teka lang ha." Tumango lang siya at umalis na agad ako. 

Hinahanap ko si Anthony pero hindi ko nakita.

"Hello kuya, pwede pa-picture? Hehe." Sabi ng dalawang babaeng nakasalubong ko.

"I don't have time for that." Dumirideretso lang ako sa paglalakad. Narinig ko pa yung sinabi ng isang babae "Gwapo nga, pafamous naman." Hindi ko nalang iyon pinansin.

At sa di kalayuan ay nakita ko si Anthony na naka shades nanaman. Tch.

Lumapit ako sakanila at nakita ko rin si Vannah malapit sakanya. 

"Uy pre!" bati niya saakin.

Binigyan ko siya ng isang nakakamatay na tingin. Kahit hindi ka naman mamamatay sa titig lang. Tsk.

"Woah! Easy tol!" Aniya sabay taas ng dalawang kamay "Hindi ako yon. Si Vannah yon pre, seryoso." sabay tingin kay Vannah na nasa gilid ko na pala.

Ibinaling ko sakanya ang tingin ko.

"What? Kalalaking tao ang arte arte. Ano naman kung kumalat? Mamamatay ka? At tsaka ayoko mang aminin pero maganda naman ng konti ang boses mo. Pero konti lang naman. Baka lumaki ulo mo niyan eh." sabay ngisi niya.

"Sabi sayo hindi ako eh." sabay baba ng kamay ni Anthony.

Hinayaan ko nalang iyon. Wala na eh, nandiyan na, nangyari na. Wala na akong magagawa. Tsk. 

Tinanong ko si Anthony kung paano naging si Vannah yung nagpost. Ang sabi niya nung nakita ko daw siyang may ginagawa sa phone niya, kausap niya daw si Vannah nun. Tapos sinend niya kay Vannah, hindi naman daw niya alam na ipopost niya yun.

"Mas marami na tuloy fangirls mo kesa saakin. Tch." Sabi pa saakin ni Anthony habang naglalakad kami pauwi.

Naging okay naman ang araw ko. Naiinis lang talaga ako sa mga fangirls ko nga daw sabi ni Anthony.

Nagpaalam na ako kay Anthony saka pumasok sa bahay. Mas malapit kasi ang bahay namin kesa sakanila.

Nag mano lang ako kay mama at papa saka dumiretso sa kwarto ko. Dalawa lang naman kaming magkapatid kaya may sarili kaming kwarto. Pero hindi kami mayaman.

Pagkatapos kong magbihis, umupo ako sa computer ko at tsaka iyon binuksan. Inopen ko ang facebook ko at tumambad sa news feed ay isang selfie ni Anthony na naka shades with a caption of "Jgh frm: skul. Selpi agad. AngGwapoKoTalaga#" potek na yan! Ang tanga tanga talaga netong gunggong na 'to. "Hoy sa unahan dapat yung hashtag. Ang bobo mo." kumento ko.

 Nag scroll scroll lang ako at nakita ko naman yung status ni Brendan na "come back... be here." Ang drama naman neto, parang bakla lang eh. Mag cocomment sana ako ng may nag pop sa may bandang kaliwa sa parteng baba. Sumagot si Anthony sa comment ko. 

"Walang pakeelamanan tol. EpalNiGalaxy#" ayan yung nireply niya.

"Gunggong ka kase." pagkatapos kong icomment yon ay tinignan ko na muna yung friend request kung may kilala ba ako. Hindi kasi ako accept lang ng accept kahit hindi ko naman kilala. Tapos inopen ko yung messages, hindi ko nalang nireplyan, mga wala namang kwenta. Pagkaopen ko ng notification ko puro mentioned you in a comment kaya pinindot ko. Ayun pala yung video na kumakanta ako habang naggigitara. Nabadtrip nanaman ako. Tsk.

Si Vannah nga yung nag post. Tinag niya pa pala yung mga kakilala niya sa school kaya kumalat. Takte talaga oh! Walang magawa sa buhay. Hindi ko na pinanuod yung video kaya tinignan ko nalang yung mga comment.

"Ang ganda ng boses!"

"Iris! Omg favorite ko yan!" 

"Kyaaaah! Ang gwapo mo kuya!"

"Dati ko pa napansin na gwapo 'to eh. Maganda rin pala boses."

"Gwapo nga masungit naman, wala rin." siguro sila yung unang nagpapicture saakin na nasungitan ko.

Isa pa uling scroll at may nakita akong comment ni Vannah doon sa pinost niyang video ko.

A Lifetime in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon