Chapter 9

28 2 0
                                    

 "Medyo maganda naman boses niya, pero hindi pa pwedeng ipangtapat kay Wade Rivas ng Going South."

Akala ko pa naman kung ano na yung kinomment niya. Ayun lang kasi yung nakita kong reply niya sa comment box eh. At tsaka, sino 'tong Wade Rivas? May banda bang Going South? Maganda ba boses nun para sabihin niyang hindi ako pwedeng ipangtapat sa Wade na sinasabi niya? Mahilig ako sa mga banda pero wala pa akong naririnig na Going South ang pangalan ng band. 

Psh. Parang eto lang poproblemahin ko pa ba? 

Nag log-out na ako at tinext nalang si Anthony na mag play station kami. Wala naman akong magawa dito sa bahay eh. Mamaya pa naman ako maghuhugas ng pinggan. 

Nang malapit na ako sa bahay nila Anthony ay nakita ko kaagad siyang naghihintay sa labas. 

"Miss mo ba agad ako?" sabay ngisi ko.

"Bakla ka na rin ba pare?" kumento niya agad.

Hindi ko nalang iyon pinansin at pumasok na kami sa loob. Kating kati na akong maglaro.

"Mag Naruto tayo ngayon pre ha?" Sabi ko ng nasa sala na kami.

"Mag tekken daw tayo." 

"Sino may sabi?" 

"Si Vannah." Pagkatapos niyang sabihin iyan ay tumingin agad ako sa paligid at nakita kong may nakaupong tatlong babae sa sofa nila. 

"Ba't andito sila? Dapat tayo lang. Tsk." Bulong ko kay Anthony.

"HOY NARINIG KO IYON HA! Mahiya ka naman, andito si Lyan Rose oh!" Pagkasabi niya non ay agad akong napalingon sa direksiyon nila. Hindi dahil sa narinig iyon ni Vannah kundi dahil sa sinabi niyang pangalan. Bumalik nanaman ang sakit na naramdaman ko 4 years ago. 

"Hey! How many times do I have to tell you don't call me Lyan Rose? It's Lhey, okay?" Pagkatapos niyang sabihin iyan ay bumaling siya saakin sabay sabing "Hi Galaxy! It's been a long time! How are you?" Hindi ko iyon pinansin at nakita kong napasimangot siya.

"Ang arte naman." sabay irap ni Vannah.

"Galaxy, kanina lang umuwi si Lhey. Nagulat nga rin kami pagkauwi namin nandito na pala iyan." tumango lang ako sa sinabi ni Abi.

"Mag laro na nga lang tayo!" sabay tapik sa akin ni Anthony.

"Marunong ka pa ba, Lhey?" Tanong ni Abi.

"Uhm. Hindi na eh." sabay hawak niya sa batok.

Naglaro nalang kami at biruin mo? Magaling din pala si Vannah sa Naruto. Pero syempre, mas magaling ako. Ako pa ba? 

Naruto ang nilaro namin at hindi Tekken. Ano siya? Chix? 

"Hi Galaxy!" sabay ngiti ni Lhey. Ngumiti lang ako bilang ganti.

"Kamusta ka na?" Medyo hindi pa siya maayos magbanggit ng Tagalog.

"Ayos lang naman" sabay tango.

"You're so tipid!" humalukipkip siya at sumimangot.

"Hindi naman. Wala lang ako sa mood." Wala sa mood, Galaxy? Eh kanina nga lang hyper ka sa paglalaro ng play station. 

 "Kelan pala balik mo sa States, Lhey?" Singit saamin ni Abi. Ayos na rin 'yon, nawala ako sa mood bigla. Badtrip.

"I still don't know yet." sagot ni Lhey. "One week lang ata kami. Not sure." sabay kibitbalikat niya.

Napansin kong dumating si Vannah galing kusina na may dalang juice.

"Kung kelan natapos mag laro saka kayo nagdala ng inumin? Tanga ba kayo o nag tatanga tangahan lang?" Pagiinarte ni Anthony.

"Wow ha? E kani kanina mo lang din sinabi saakin na mag timpla ng juice eh, diba?" Banat naman ni Abi sa kapatid.

"Ikaw ba? Ikaw ba nag timpla? Tignan mo nga, si Vannah yung galing sa kusina oh!" sabay turo ni Anthony sa kusina nila.

"Ano ba iyan. Nagsigawan pa sila, parang iyon lang?" sigaw ni Vannah. "So, ano bang course kinuha mo doon?" Wow, feel at home na nga feeling close pa. Tindi.

Bago pa makasagot si Lhey ay tumunog na ang cellphone niya. "Excuse, guys." Tumayo siya at lumayo ng konti.

"Ang arts naman niyan. Pektusan ko siya eh." sabay irap ni Vannah.

Minsan talaga hindi mo maintindihan itong taong ito. Madalas ang angas, minsan naman ang arte. Sobrang bipolar! Tsk.

Nagpaalam saamin si Lhey. Aniya, tumawag daw iyong mommy niya at pinapauwi siya sa tinutuluyan nila. 

Dumaan ang 3 araw at hindi ko na nakita si Lhey. Ang sabi saakin ni Abigail biglaan daw silang umuwi ng New York.

"Pre, alam mo ba narinig ko yung sinabi mo nung nakaraan na 'Bumalik nanaman yung sakit'" humawak pa siya sa puso niya na kunwari ay nasasaktan.

"Pinagsasabi mo?" Walang emosyon kong sagot habang kumakain. Nasa canteen kaming dalawa ngayon, walang prof sa isang subject e.

"Nung nakita mo si Lhey! Bumulong ka non! Bwahaha! Masakit ba, bro? Pa check-up na tayo, tara." sabay hawak naman niya sa puso ko.

Kunwari pa ito eh. Gusto niya lang mahawakan yung muscles ko, tsk. Bakla talaga! 

"Hindi totoo iyon." nagpatuloy parin ako sa pag kain.

"Utut mo, bro!" Napalakas pa ang pagkasabi niya niyan kaya lumingon saamin ang mga iilang estudyanteng malapit saamin. Psh, nakakahiya.

"Hindi nga totoo iyon. Echos ko lang iyon." 

Hindi siya kumibo kaya napatingin ako sakanya. Nakita ko siyang namumula, hindi ko mawari kung nag pipigil ba siya ng tawa. 

"WAHAHAHAHAHA!" sabay hawak niya sa tiyan niya. Patuloy lang siya sa pag tawa at napaupo na siya sa lapag. 

Problema neto?

"Tangna, pare! Saan mo nakuha iyang ECHOS na iyan? Bakla ka na ba!? Ang epic!" Pagkatapos niyang sabihin iyan ay tumawa ulit siya. Nakakahiya na talaga sa mga tao dito sa canteen. 

Napatitig muna ako sakanya saglit at saka nag-sink in saakin iyong sinabi niya. 

The fuck!? Bakit ko nasabi iyon!?

A Lifetime in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon