Chapter 4

55 2 0
                                    

Alena, practise time na...”

Huh? Ba’t merong lalaking nasa harapan ko at nasa ‘meeting place’ kami?. Di ko makita ang mukha niya kasi nakatalikod siya sa’kin.

Same time,same place ulit ha baby ko...”

Daddy?

“Aalis ka?Ba’t di ka nagpaalam sa’min?...”

“E kasi umm. Sorry. Di ko naman alam na ganito mangyayari.”

“You’ve betrayed us. Ba’t mo kami iniwan ngayong mas kailangan ka namin?”

“Sorry talaga. I didn’t mean to.”Nagsimula tumulo ang mga luha ko.

“Gusto ko sanang sabihin, kaya lang natakot ako.”

“It’s too late. You’re no longer part of the family.” Tapos sabay alis ng lalaki.

“Wag please. Wag. Don’t leave me.Please.”

“Alena-sama, stop crying now.”

Pagkarinig ko ng boses ni Shin, dun ko lang nalaman na panaginip lang pala ang nangyari. Pero bakit makatotohanan ang naririnig kong boses kanina mula sa ‘kanya’? Gamit ang panyo niya, pinunasan ni Shin ang basa sa luha kong mukha.

“It’s alright now, Alena-sama. Look at what you’ve done to your pillow, its all wet with your tears. We still have a long way to go so let’s start preparing already. Shall we?”

“Sure.” Bumangon na ako at katapos nun naghanda na para sa pag-alis namin. Mabuti nalang pala mga 3 am ako naggising dahil lang sa panaginip na yun. Creepy siyang dream.

Matapos ang maiyak-iyak na pamamaalam ko sa aking pamilya,sumakay na kami sa isang van. Di ko na tinanong kung saan kami papunta, isa lang naman kababagsakan lahat niyan e, sa Japan. Nasa unahan kami nakapwesto. Weird, kasi kami lang dalawa ang pasahero ni manong driver.Sabi ni Shin para daw di ako mailang  sa ibang tao. Akala ba niya ganun ako ka deprived sa society na ayaw makisalamuha sa iba? Wow ha.

Actually nasusuka na ako the whole time na nasa van kami.  Di ko lang pinapahalata kay Shin, kaya nagpanggap nalang akong natutulog. Nakakahiya kasi sa kanya.  Sumandal nalang ako sa bintana at pinilit na hindi masuka. Siya naman nakapikit ang mata. Natutulog na rin ata.

Mga tanghali na ng matapos ang nakakalulang trip namin, malubak kasi ang daan. Matapos kunin yung mga bag ko ni Shin, umalis na si Manong driver.Napansin ko halos walang katao-tao sa pinagdalhan sa’min. Akala ko airport napuntahan namin hindi pala. Isang malawak na lote na puros mahahabang damo tapos sa gitna nito merong runway kung saan nakatambay ang isang airplane. Wow. Hindi siya yung nasa NAIA o Cebu Pacific type, more of like a modified one. Malagold yung kulay nito instead of yung normal white na kulay ng coating. Oh my, di ko expected ganto kabongga si Ninang. I love you na talaga.

“Let’s go Alena-sama. I’m sure your tired.”  Sabi ni Shin sabay lakad papunta sa plane. Sumunod na rin ako.

Nang malapit na kami sa stairs papasok, merong lumabas na lalaki. Suot niya yung uniform ng mga pilots, siguro in his mid 20s na siya,Black American ata. Inapproach niya si Shin.

“So your here now, with her I suppose. As long as you’re all settled we’ll start the engine.” Tapos pinauna na niya si Shin. Ako naman kinausap niya.

“Ms. Alena am I right?” napanod nalang ako,ang friendly niya. “I’m  Captain Sheldon and Colonel Johnson asked me to pick you up. Y’know they’re pretty excited to meet you. I’m sure your tired an’ a bit confused of things. But don’ worry everything’s goin’ to be fine.” Sabay pat sa braso ko.

Nang makapasok na ako inihatid niya ako sa part na para sa mga passengers, dito mas namangha ako.

Nakacarpet yung floor tapos may isang table dun na puno ng masasarap na pagkain, meron pang maliit na chocolate fountain. Meron ding  20 inch flat screen tv na nakalagay sa may ibabaw na part. Parang kwarto lang sa isang bahay pero ito nasa plane.

Umupo ako sa part kung saan merong window. Di ko napansing umupo sa side ko si Shin at may dalang plato na may sandwich. Yan lang kasi ang alam niyang gusto kong kinakain.

Binigay niya sa’kin yung plate tapos sinabing, “We’ll be leaving in five minutes. Please eat as many as you can and just relax yourself.”

Di ako masyadong nagugutom pero kinain ko na rin lang. Hindi na ako nagsalita kasi wala ng pumapasok sa utak  ko dahil sa pagod.

Matapos nga ang ilang minuto nagsimula ng paandarin yung plane. Grabe kabado ako. Paano ba yan puro negative thoughts pumapasok sa’kin. Paano kung magkaproblema sa engine at sabihin ni Shin na babagsak na’to? O di kaya meron daw sama ng panahon ngayon,wag naman sana. Or worst, baka merong umatake saming mga terrorista kasi gold naman yung kulay ng plane. Ay, OA na ata to ha. Makapanood na nga lang ng tv. Yey may Disney Channel.

Ginugol ko nalang ang oras ko sa panonood ng tv at pagkain sa mga nakaserve sa mesa na halos di ko na napansing gabi na pala. Oh well, ok lang yan.Umaasta ako ngayong baboy na iihawin kasi si Mr. Butler kasi masasarap yung food na kinukuha, di tuloy ako nagsasawa .

Dahil siguro sa kabusugan ko nakatulog ako agad. Di ko na namalayan kung anong oras na.

***

Alena, practise time na...”

Same time,same place ulit ha baby ko...”

“Aalis ka?Ba’t di ka nagpaalam sa’min?...”

“You’ve betrayed us. Ba’t mo kami iniwan ngayong mas kailangan ka namin?”

“It’s too late already. You’re no longer part of the family.”

Stop it.

“You’re no longer part of the family.”

Please.

“You’re no longer part of the family.”

Just stop it.

“You’re no longer part of the family.”

I’m begging.

 Napamulat ako sa pagkakatulog. Ba’t yun na naman? Tsk, kainis. Siguro naparami lang ako ng kain. Mabuti nalang may orasan silang nakasabit.  2:50am na pala. Makatulog na nga ulit.

Hay. Di na ako ginaganahang matulog. Patuloy ang pagtunog ng orasan. Tik.tok.tik.tok.tik.tok.

3 am na.Hay naku ba’t ba kasi ako pumayag,sobrang pagod na ako pero hindi pa rin ako makatulog at nalulula pa. Hindi ako mapakali. Napansin ata ni  Shin na hindi ako makatulog. Tinignan niya ako ng may pag-aalala.

“I can’t sleep.”sabi ko.

Umalis siya sa kinauupuan niya. Narinig ko yung pagbukas ng zipper sa isang bag. Bumalik siya na may dalang headphones. Tapos nilagay niya sa mga tenga ko. Napakamild nung music, music box kasi. (If I were a bird music box  yung title,search niyo nalang sa youtube maganda promise)

Tapos di ko akalaing pinasandal niya yung ulo ko sa shoulder niya. Nararamdaman ko ang paghinga niya, nakakagaan sa loob.

Meron ata siyang sinabi na di ko naintindihan kasi nga nakaheadphones ako, full blast pa yung volume.Dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko. Dahil sa ganda ng music napatulog ulit ako, at this time hindi na ulit nagreplay yung nightmare ko.

The Butler's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon