Chapter 2

60 2 0
                                    

Mabuti nalang nakauwi ako bago dumilim sa daan, gutom na gutom na kasi ako eh. I’m sure late na naman ako matutulog ngayon dahil sa mga ass.(short for assignments) Haist, kapagod na buhay.

Pagbukas ko ng pinto...

“Welcome home,Alena-sama.”

Dahil sa gutom ko hindi ko na pinansin kung sino ang nagsalita,kaya nilagpasan ko nalang yung taong yun. Siguro bumisita lang na kamag-anak na papalabas na.Oh well makapunta na nga ng ref. Pagclose ko sa ref,bumulaga sa’kin yung guy kanina sa school.

 “EEEEHHHHH???!!!!” Ba’t andito si Kuya Babes sa bahay namin!

“Do you need anything oujo-sama? I’ll buy more snacks if you like. I’ve also prepared your evening bath.If you want I’ll scrub your back and...”

“Stop it please! Ba’t ka nga ba andito sa bahay ko? Siguro magnanakaw ka no.Ang mga kriminal nga naman ngayon nag-upgrade na rin.” Haayst nakakainis,’la akong paki kung naintindihan niya yun o hindi. Pumasok kasi siya ng bahay ng basta-basta.

Natigilan siya.

“Alena,di siya magnanakaw. Iniwan ko lang muna siya dito sa bahay kasi bumili lang ako ng hapunan. Kung tutuusin nga pinadala siya mula pang abroad ng Ninang Caroline mo. Katatawag lang niya kanina, meron daw siyang gustong sabihin.”

Si mama lang pala, di ko siya namalayang pumasok ah.

“Tsk.Ano daw?” tanong ko habang kinakain ko yung sandwich na kinuha ko sa ref. Tapos si Kuya Babes naman pinaupo sa living room.

“Mamaya nalang natin pag-usapan kapag andito na papa mo.”sabi niya habang papuntang kitchen.

“Ah.” Sabi ko sabay diretso sa kwarto ko.

Talking about Ninang Caroline, hindi ko pa siya nakita ng personal,hanggang pictures lang. Narinig ko kay papa na malayong kamag-anak daw namin siya at magbestfriend sila nung bata pa.

Nalaman ko rin na successful businesswoman siya sa Hawaii at ang asawa naman niya, mataas ang posisyon sa US Army. Bongga! Sad to say wala silang anak kasi baog siya. Kaya nga sa mga kamag-anak niya nalang daw binibigay ang pera. Swerte rin ako kasi pinapadalhan niya ako ng mga gamit na made abroad pero during fiesta lang :[.

Hay, makapagstart na nga sa mga ass,maya nalang ako kakain.

Matapos kong gawin yung mga dapat kong gawin, lumabas na ako sa kwarto. Sakto namang nakauwi na si papa at nag-uusap na sila kasama si Kuya Babes. Nasasanay na ako sa Kuya Babes ah, di ko naman kasi matandaan pangalan niya eh.

“I have come here for the adoption papers. As long as everything’s settled, I’ll be taking her with me immediately.”

Tama ba ang pagkakarinig ko? Adoption papers? I’m confused. Bigla akong lumakad papuntang kitchen, pero napansin na nila ako at pinaupo kasama nila.

Sigawan.Awayan.Iyakan.Tapos balik ulit sa sigawan.

 Yan ang nangyari matapos naming basahin ang papeles na dala ni Kuya Babes. Palagi naman silang ganyan eh,araw-araw.Aakalain mong palaging may world war,pero samin walang sinasabing Treaty of Peace.Nakasanayan ko na yan kahit nung maliit pa.Tsk.Nakakawalang gana talaga.

Nakakahiya sa bisita dahil siya andun sa isang tabi pinapanood ang magulang kong parang aso’t pusa,at ako? Pareho rin ang ginagawa,nakatunganga.

Sino ba naman ang hindi magwawalang magulang kung biglaang may susulpot na kung sino at sasabihin, “Pwede akin na lang anak mo.” Siguro nga pwedeng ganun na rin yung sitwasyon namin, pero in this case kilala naman namin kung sino.

The Butler's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon