Chapter 1

98 5 0
                                    

Bago lang ako dito so I don't know how things work out here. Pero I'll try my best. 

Hope you like it po.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

3 am na.Hay naku ba’t ba kasi ako pumayag,sobrang pagod na ako pero hindi pa rin ako makatulog at nalulula pa.

Paano ba naman first time kong sumakay ng plane, at hindi lang simpleng public plane, private men,PRIVATE! Idagdag mo pang katabi ko ngayon ang isang supercute na guy na sinasabing MILADY niya daw ako tapos siya yung BUTLER ko. Opo, for short alipin ko siya.

Buhay nga naman parang life lang. Maraming surpresang di mo ineexpect. Siguro gusto niyong malaman kung bakit naging ganun.

 Kung bakit ang isang hamak na 4th year student sa isang public school at anak ng isang average earner ay magkakaroon ng isang butler na ang sweldo ay mas malaki pa sa sweldo ng senator. Actually nangyari ang di inaasahang pangyayari na ito four days ago,that was Thursday.

*flashback*

Bad trip na nga sa bahay,badtrip pa dito.Grabe ang raming requirements naman.Hindi naman sa mahirap, isang bagsakan kasi ng requirements ang uso sa’min eh.

Dahil sa sobrang desperado kong di bumagsak sa klase ,mag-isa kong lininis yung room namin, meron kasing plus points sabi ni sir at special award. Ok na yun pangbawi man lang sa bagsak kong maths.

At ang mga classmates ko? Isa sa mga ito ang ginagawa nila;boy-hunting,dates,tambay,dota,strolling,flirting. Ang bilis talaga kumalat ng landi virus noh?

“AAAAAAHHHHHHHH!!!!”

Anak ng tae nga naman,biglang nagsisigaw yung mga tumatambay kong classmates na babae sa labas,muntik ko tuloy malaglag yung books sa mini-library namin.

Aakalain mong rinerape sila kung makasigaw. I’m sure meron na naman silang nakitang ‘smokin’ with hot and sexiness’ as they all call it. Hirap ng infected sa virus.

Akala ko tatahan na sila sa kasisigaw dahil akala ko ulit nakadaan na yung chicks nila. Mali pala ako. Mas tumindi ang kilig at sigaw nila ng may kinausap daw yung lalaki na classmate ko. OA lang ha. Mabuti nalang di ako tulad nila. Hindi naman kasi ako malisyosa,at most of all hindi ako papansin.

“Umm excuse me, are you Ms. Alena?”

Wow rinig na rinig hanggang sa loob ng room ang usapan nila.

 Ganun ba talaga sila dapat katahimik pag nagsasalita ang tulad niya. Yung accent niya kakaiba,foreigner ata. Teka pangalan ko yun ah.Hindi ko na pinansin marami naman akong katulad sa first name eh.

“Excuse me,excuse me.Miss Alena?”

 Second time na yun ha at mas malakas na ang boses. Ang bingi bingi naman ng taong yun,kapangalan ko pa naman. Tsk,nakakahiya tuloy. Makapag-ayos na nga ng mga upuan.

“Uy Ale!Bingi ka ba o sadyang pinapairal mo na naman ang espiritung sumasapi sayo.  Kanina ka pa tinatawag ni Babes.”mataray na sabi ng classmate ko.

Nakakahiya man aminin pero yan ang tawag nila sa’kin,Ale. Di naman ako matanda.Ganyan talaga pagpublic, maraming bullies. Swerte ka kung tawagin kang babes kasi yun yung tawag sa mga taong may itsura at mayayaman sa school namin.

Imbes na dedmahin,nilingon ko.

 Oh.May.Gas.

Lahat na ata ng girls sa building namin andun sa dalawang door ng room nakatayo at panay ang titig sa lalaking ngayon ay nasa harapan ko, mga one meter lang ang layo namin.  Mataas siya,at nakasuit siya bagay sa black wavy na may pagkacurly niyang hair.

Opo,hindi ko namalayang pumasok na pala siya at nakatingin siya sa’kin. Wow. Ang super duper cute niya! Rare lang ako magsabi ng ganun and if ever sabihin ko yun, scientifically certified proven.

“Ms. Alena?” tanong niya ulit na para bang kinoconfirm kung ako nga. Hindi A-le-na yung pagkasabi niya kundi A-lee-na. Pwede rewind, ang ganda kasi ng pagkapronounce niya eh.

Dahil naspeechless ako sa nangyari, napanod nalang ako. Nervous kasi eh. Sino ba naman ang hindi nenerbiyosin e andun yung mga mataray type, flirty type at very aggressive type of girls when it comes to boys.

Ako lang naman ang outcast dito kasi ako ang palaging against sa mga plans nila. Di ko kasi type ang pinaggagagawa nila.Grabe ang init ng mga tingin nila.Pinagpapawisan na ata ako eh.

Tapos biglaan si Kuya Cutie nagbow yung para bang gentleman na pagbow sabay dahan-dahang sinabing...

 “It is my greatest honor to meet you Alena-sama. From now on until my last breath I’ll be serving you and forever be yours, my one and only milady. At your service madam, I’m Shin Reus, your very own butler.”

Isang minutong katahimikan. Tapos...

“OMG,is this an indirect marriage proposal? Si Ms. Loner,nerd and weirdo?This is big news.” Uoh,merong member ng Campus Press. Patay.

“Weeh!!! Di nga?? E mas maganda pa ako sa kanya eh.” Sige lang,kaya ko pa.

“Hindi to pwede. This is a very big piece of shit!” Ouch lang ha.

“Siguro pinasapian niya si Kuya Babes sa mga kaibigan niyang multo.”Oy hindi ha.

“Girl,hinihimatay na ata ako. I can’t believe this is happening.” OA mo ‘te.

Ako rin naman hindi makapaniwala sa sinabi ng lokong to eh, nosebleed na nga ako sa english niya eh. Ang lakas naman ng loob niya na utuin ako ng ganito kabongga, sa harap talaga ng kalahati ng population ng campus. Grabe as in surprised talaga kaming lahat.

Si Kuya Cutie este si Shin pala,wala lang.Sabagay di naman niya naiintindihan ang language namin.

Kelangan careful ako sa sasabihin ko or else future ko sa school ang nakataya. Dapat total denial. Siguradong pag-iinitan ako. Kasi kahit nasa A class ako hindi naman ibig sabihin nun popular ako, advantage lang mas marami ang oppurtunities pagmagcollege na.

“Umm, sorry I think you got the wrong girl. Maybe she’s in the other building.”

 Tatlo kasi ang main buildings dito. Yung sa A class na para sa matatalino at talented( dito ako nakalagay),B class( average studes dito)  at ang Z Class(mga walang gana sa pag-aaral, no offense to readers).

“Oh is that so. Well I’m sorry for the disturbance.” Tapos nagbow ulit siya at umalis.

Ang dali naman niyang mauto. Siguro nagkamali lang siya. Talking about the girls, ayun bumalik na sila sa kung saan lupalop man sila nanggaling. Matapos ang ilang minuto ay natapos ko na ang paglilinis. Umuwi na ako.

The Butler's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon