who's that pokemon???O_o

77 0 0
                                    

Noreen

*boogsh**

Aw..tengene naman oh..tanga tanga!!

Tiningnan ko ng masama yung lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko

"Sorry miss, hindi ko sinasadya.." tinulungan sya nitong makatayo

“hindi ka kasi tumitingin eh”  ako na ang masungit, hehe

"hindi ka naman dapat tumatakbo eh"

Abat.. at sinisi pa ako? kala mo kung sino, tiningnan nya ito mula ulo hanggang paa, mukhang transferee ah.. nagtaka naman siguro ito kasi tiningnan din yung sarili nito na para bang may mali ditto

"bago ka dito nuh? Transferee kaba,?" tanong ko, sorry pero curiosity kills the cat, hehe

"ahh oo, medyo nawawala nga ako eh.. hindi ko kasi mahanap yung building ko" tanong nito na nagkamot pa ng batok,

"anong year kaba and section?"

"Third year class A"

"What? kaw yung transferee na absent kanina?" nalala ko kasing may sinabi sa amin yung adviser namin na may transferee daw na lalake pero absent naman, sya pala yun..tangkad ah.. napatingin ako sakanya, oi, ganda ng mata, medyo gulat din yung ekspresyon ng mukha nya.

"halika na..ituturo ko sayo yung building natin, buti pala nakalimutan ko yung wallet ko,"

nagpatiuna na akong maglakad, nakasunod naman sya.

"thanks ha,? And sorry talaga kanina, wala bang masakit sayo.?"

"wala, ok lang yun..dalian na natin, 30min lang yung break" sabi q sakanya at dinalian na yung paglalakad ko

## # # #

"dito pala yung magiging upuan mo" turo ko sa chair na nasa harap lang ng chair q.

"ahh thanks talaga..by the way, I'm Loren Vergara" pakilala neto at inilahad pa ang kamay

"Noreen Magdrigal" i said and shook his hand

"ahm, so Loren nagsnack kana ba? gusto mong sumabay sa akin para naman may kasama ka, parang wala ka kasing kilala dito"

"well yeah, and im kinda bit hungry, ginutom ata ako sa kakahanap ng building na ito, hehe" napatawa naman ako,

"halika kana, pakilala kita sa mga kaibigan ko, magkaclassmate tayo"

"thanks" I just smiled at him.

# # # # # #

REY

andito na kami ngayon sa cafeteria, kasama ko ang mga barkada ko na sina Raine, Carl and Ash, kasama din namin ngayon sina Hazel and Zandra, si Nory? andun bumalik, nakalimutan daw ang wallet, dakilang ulyanin din yun. Hindi pa kami nagoorder, hinihintay pa kasi namin sya kaya nagbibiruan nalang kami dito sa table namin ng mapansin ko ang bestfriend ko, pero may kasama syang lalake.

"hey guys, thisis Loren, transferee and our classmate" pakilala agad ni Nory sa lalake

"Loren sila mga kaibigan ko,"

"Hi Loren, Im Zandra and this is Hazel and were classmate" pacute naman agad si Zandra

"and I’m Raine, ang pinakagwapo sa grupo and eto cna Carl and Sam, mga alalay ko" ang yabang tlaga ng kumag, yan tuloy nakatikim ng batok kina Sam.

"hehe, ok and you are..?" tumingin sya sa akin

"Im R--"

"He’s name is Rey and he is my best friend" putol ng best ko, tumango nalang ako tapos tumayo na..

"Ok girls’ anu order nyo, kami na ang bibili"

"libre mo?" Hazel

"swerte mo?" basta libre, all out talaga si Hazel

After namin makuha yung order nga mga girls, pumila na kami, kasama namin si Loren.

"oh my gosh, ang hot talaga ng grupo nina Rey"

"oo nga..pwede sila nalang snacks natin?"

"ui may bago silang kasama, ang yummy naman"

Yan ang mga bulungan, or bulungan nga ba ang tawag sa paligid, kami ng grupo ko naka smile lng pero pagtingin ko kay Loren, ang seryoso, pansin din ni Carl yun.

"Hey bro? you ok,"

"yah"

"oi tulungan niyo kame dito, hindi yung tatayo nalang kayo jan" sabi ni Sam

Limang tray lahat, isa isa kame ng dala, bakit ang dami? eh kasi naman itong isang tray kay Nory lang lahat.

"tagal niyo naman, nagugutom na kame dito" reklamo agad ng best ko.

"sino ba naman yung naiwam ang wallet na hinintay pa namin?" sagot ko naman

She just rolled her eyes and start eating, grabe tingnan ko lang syang kumain para mabubusog na ako.

"oh bat hindi kapa kumain?"

"wala, grabe ang takaw mo..ang dami mong pagkain"

"eh sa gutom ako" ubos na yung pancake, burger naman yung tinira nya

"nakakatuwa ka naman kumain" si Loren naka smile sya.

"ano ako? Clown? Hmmp" wag niyo yan guluhin pag kumakain, masungit yan. haha

Nabigla nalang ako nung kinuha niya yung tinidor and kumuha ng pancake ko.

"oi! aki--"

"oh ayan, kumain kna kasi, hindi bagay sayo ang magdiet" Sinubuan nya lang naman ako, pero ang laki ah buti kumasya sa bibig ko

"tsk! Kaya kong kumain magisa" kinuha ko na yung tinidor at kumain na., tawanan lang yung iba

Naglalakad kami ngayon pabalik sa classroom namin, nasa likuran ako at kitang kita ko sina best at Loren, mukang close na sila eh..

"sige, dito na yung daanan namin, gudLuck nalang sa class" Sam

"yah kayo din, bye boys" Zandra

Lumapit naman ako kay best and patted her head, it’s my habit

"behave ka, ok?"

"ano ako bata?" nag pout pa sya hehe

Umalis na kami pero bago yun, binigyan ko muna ng masamang tingin si Loren, may iba kasi eh..

******

MY BESTFRIEND/BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon