Chapter 28

3.5K 74 6
                                    

Hezyl's POV

"Ate! Bumaba ka dito bilis!"

Napaupo ako ng dis-oras sa kama ko ng sumigaw si jeshua mula sa baba.

"Saglit lang!" Sabi ko at tinignan ang orasan. Maaga pa nama ah? Anong meron? . Pumasok ako sa banyo at naghilamos ng mukha. Nag toothbrush narin ako.

"Ate! Bilis!" Sigaw ulit nito.

"Oo na! Ito na!" Asik ko. kasi naman itong batang to! Bakit atat na atat?!

Paghakbang ko sa hagdan ay agad akong natigilan. Nakita ko si Ericka at JP na kausap sila mama sa sala.

"J-jp..." Gulat kong saad. Naagaw ko naman agad ang atensyon nila. Ngumiti si Ericka sa akin at agad akong niyakap.

"Namis kita Bessy! " aniya.

"Kamusta kana?" aniya. Ngumiti lang ako sa kanya at Napalingon sa kinaroroonan ni JP.

Nagtama ang mga mata namin.ngunit agad siyang umiwas ng tingin.

"Ah.. Excuse me lang Ericka ha." Sabi ko sa kanya at lumapit kay JP.

"JP." Lumingon siya sa akin na kunot ang noo. Huminga ako ng malalim.

"Pwede ba tayong mag-usap? Ng tayong dalawa lang?" Sabi ko. Huminga muna siya ng malalim bago tumayo at nagpa-alam kina inay. Ganun din naman ang ginawa ko.

Napunta kami sa bakuran ng bahay namin at umupo sa upuang kahoy.

"Spell it." Sabi ko. Nakatingin ako sa malayo.

"Spell what?" Pag mamaang-maangan niya. Ugh! Hinarap ko siya. Ngumisi lang siya kaya mas lalo akong nainis.

"Ano ba? Umayos ka nga! Bakit kayo pumunta dito? At dinamay mo pa talaga si Ericka ha? Gusto mo bang magalit sa kanya ang dad mo?!". Sabi ko. Halos sigaw na iyon dahil sa inis ko.

Oo gusto kong makita si Ericka dahil namimis ko na siya pero hindi sa puntong ganito. Paano kunh malaman ng tatay nila na sumama si Ericka sa kanya? Paano kung pati si Ericka ay saktan din ng tatay niya?

Tinignan ko siya. Nabigla siya sa sigaw ko ngunit agad naman siyang nakabawi saka tumalikod at naglakad papuntang lilim ng puno ng mangga. Tinaas niya ang kaniyang dalawang at iniligay iyon sa ulo niya.

"Alam na ni dad.". aniya.

Natigilan ako.. Paano?

"Tulad ko, punong-puno narin si Ericka kay daddy. Sino ba naman kasi ang makakatiis sa malademonyong ugali ng ama ko diba?-"

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Tatay mo parin siya!-"

Nilingon niya ako na kunot noo. Mukhang naiinis na siya.

"Ituturing ko lang siyang ama kung ituturing niya rin akong anak! Iyon lang naman kasi ang gusto ko eh! Ang ituring ako ng tatay ko na anak! Ngayon, sabihin mo sakin, dapat ko na ba siyang galangin ha?" Aniya habang papalapit sa akin. Napaatras ako.

Naiintindihan ko siya. Pero mali parin talaga itong ginagawa niya. Huminga ulit ako ng malalim. Tinignan ko siya sa mata. Mula sa galit na ekspresyon ay napalitan iyon ng malumanay.

Wala akong magagawa. Kahit ano pang pagkumbinsi ang gagawin ko ay alam kong hindi na magbabago iyong desisyon niya.

"Naintindihan ko iyang side mo JP. Pero sana, ibalik mo na si Ericka sa inyo. Alam mo naman kung paano magalit ang tatay mo diba? Paano kung...." Napatigil ako ng bigla kong maalala iyong ginawa ng tatay niya sa pamilya ko. Tinanggalan niya ng trabaho ai tatay. At kapalit ng hindi ko pagpansin sa anak niya ay ang kalusugan ni nanay at ang trabaho naman ni tatay.

Ayoko nang maulit iyon..

"Alam ko kung ano ang iniisip mo. Huwag kang mag-alala, hindi na mangyayari iyon. Umalis si Ericka sa poder niya kaya wala na rin siyang lakas. " Aniya. Napatingin ako sa kanya. Umiling siya saka naglakad papasok sa bahay.

Anong ibig niyang sabihin?

---------
Kasalukuyan akong nakatulala sa kwarto ko nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon ay pumasok ang kapatid ko kasama si Ericka. Tipid siyang ngumiti sa akin bago nag thank you sa kapatid ko.

"Bessy.." Saad niya. Tumayo ako saka siya iginaya paupo sa kama.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap at mas nagulat ako ng bigla siyang umiyak. Nataranta ako. Bakit siya umiiyak?

"Be..bessy... Sorry.." Napahinti ako..

"B-bakit ka nag so-sorry? W-wag ka ngang umiyak!" Sabi ko.

Hindi parin siya natinag.

"I.. i heard your conversation with kuya.. I.. I'm so sorry bessy. Hindi ko lang talaga matiis si papa. Sobra na kasi talaga siya eh.. Hindi ko na kaya-"

"Ericka.. D-dapat ako ang manghingi saiyo ng paumanhin. Nagulat lang kasi talaga ako eh. Sorry Ericka.. " Sabi ko. Hinarap niya ako saka pinunasan iyong mgaluha niya.

"Bessy, walang kasalanan si kuya kung bakit ako nandito. Ang totoo niyan, ako mismo ang sumama sa kanya. Kaya sana patawarin mo narin siya. " Aniya. Ngumiti ako. Mahal na mahal niya talaga ang kuya niya.

"Hindi naman ako galit sa kuya mo eh.. O sige, ganito nalang, bukas samahan niyo ako sa Konka resort. Maliligo tayo. " Sabi ko. Nagliwanag naman.iyong mukha niya. Pumalakpak pa siya na parang bata.

"Sige sige! Gusto ko rin nun! Teka! Pupuntahan ko si kuya. Sasabihin ko sa kanya kung ano ang balak natin! "

At ayun, tumakbo na siya palabas ng kwarto.

Mr. badboy's girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon