Hezyl's POV
"Hezyl!" napalingon ako kay Ericka na hingal na hingal papunta sa akin. Kinawayan ko siya at nginitian.
"Ang hyper natin ngayon ah! May nangyare ba?" tanong ko, nakangisi. Simula nung natulog sila sa bahay ko, nag-iba na ang mood niya. I mean, yes, lagi siyang happy pero iyong ngiti niya ngayon ay kakaiba. Parang may something eh.
" nope. I'm just happy.. So, tara na?"
"Saan?" i asked. Hinawakan niya naman ang kamay ko saka hinila.
"Pasyal tayo dali!" pasyal? Teka...
Huminto ako kaya napahinto rin siya.
"Why?" tanong niya.
"Ahh kasi, hindi ako pwede ngayon. May trabaho kasi ako.. Sorry ha" yumuko ako. Tanggap ko ng magagalit siya sa akin.
"Ganun ba? Sure! Mas importante ang work mo kesa sa pag gala no." Napangiti ako sa sinabi niya. Akala ko magagalit na siya.
"Thanks. Tara na, sabay na tayo sa labas. " tumango siya nang biglang tumunog iyong phone niya. Nag hand gesture siya sa akin ng 'wait' kaya tumango ako.
"Hello. Kuya? Yes. What?!" nagulantang ako sa sigaw niya. Ano na naman kayang sinabi ng kuya niya sa kanya?
"Wait kuya! Pupunta ka-kuya!" Nilapitan ko siya saka hinawakan ang braso.
"What happened?" tanong ko. Umiiling siyang naluluha.
"I need to go home Hezyl. Si dad.. Nasa bahay namin.." sabi niya.. Tumango ako saka siya niyakap.
"i'll go with you. "
Tumakbo kami palabas at agad na pumara ng taxi. Pagdating ng pagdating namin ay tumakbo kami papasok sa bahay nila. Noong una ay napahinto ako dahil sa ganda at laki nung bahay nila. Pero nung maisip ko kung bakit kami pumunta dito ay inalis ko agad 'yon sa isipan ko.
"You're not my son anymore! Umalis ka kung gusto mo! Wala akong pakialam!"
Nanlaki ang mata ko sa nadatnan namin. Isang matandang lalaki ang panay duro kay JP. Suot pa ni JP ang school uniform niya kaso magulo na ito pati narin ang buhok niya. He's face was miserable. Naawa ako sa kanya.
"Kuya..." nilingon ko si ericka na umiiyak. Tumakbo siya papunta sa kuya niya.
"Kuya stop it. Please wag kang umalis." pagmamakaawa niya pero hindi siya pinansin o nilingon manlang ng kuya niya. He's angry. Kitang kita iyon sa pag kuyon niya ng kamay niya at sa ekspresyon sa mukha niya.
"Ayun! Sinabi mo na ring wala kang pakialam! Kahit na ramdam kong una palang ay wala kang pakialam, hinihintay ko paring ipagsigawan mong wala kang pakialam!"
Ang bilis ng pangyayare at nakita ko nalang na nakalatag na siya sa sahig dahil sa suntok mula sa ama niya. Sa gulat ko ay napatakbo ako papunta kay JP.
Anong klaseng ama siya! Ni minsan ay hindi ko nakitang sinuntok ng papa ko ang kapatid ko! Ni hindi nga kami pinapalo nun eh!
"Simula ngayon, wala ka ng ama at wala na akong anak na tulad mo! Hindi ka karapat-dapat sa apelyedong Sanchez!"
Tinulungan kong tumayo si JP. Habang si ericka naman ay abala sa pakikiusap sa kanyang ama. Napailing ako habang tinitignan ang putok na labi ni JP.
"Dad please, ayokong umalis si kuya. Please say sorry to him. Please dad i'm begging you!" naawa ako kay ericka sa ngayon. Hindi ko alam na ganito pala ang pamilya niya. Na ganito ang ugali ng tatay nila.
"He's not your brother anymore Ericka! Huwag kang mag paapekto sa kuya mo!" napapikit ako sa sigaw ng tatay niyasa kanya. Naramdaman ko namang gumalaw si JP sa pagkakahawak ko kaya napalingon ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Mr. badboy's girl (COMPLETED)
Genç Kurgu"Hindi basehan ang estado sa buhay para ito ay maging hadlang pagdating sa pag-ibig." -Hezyl San Jose ------------------------ ORIGINAL STORY BY: jhazzbalerina