Heartbreak #2

195 8 4
                                    

Moving on is simple. It's what you left behind that makes it difficult.

**

Bagong buhay. Bagong ako.

Monday na ulit ngayon.

Feeling ko naka-move on na ako kahit ilang days pa lang ang nakakalipas.

Medyo iniba ko na rin ang itsura ko. Para naman hindi na ako makilala ng mga taong nakakita ng kahihiyan kong ginawa. Dahil ngayon, hindi na ako ang desperadang si Yanna na walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa kanya. Ako na si Yanna na mas mature at sensitive sa mga tao at bagay sa paligid niya.

Ang dati kong naka-ponytail na buhok, ngayon ay nakalugay na. Yun lang naman talaga ang nagbago sa akin. Wala naman akong pera pambili ng mga koloreteng inilalagay sa mukha. Pero sa totoo lang, nawala yung nag-iisa kong tali sa buhok kaya naglugay na lang ako. Bukod pa pala sa buhok, may bagong sapatos na rin ako. Binilhan ako ni Eunice nung isang araw. May pera naman pala ang gaga, pero kung mangutang sakin, halos araw-arawin niya na.

Akala niyo siguro gumanda ako. Pero hindi ko na kailangang magpaganda kasi alam ko sa simula pa lang, wala ng pag-asa.

"Yannaaaa!" sigaw ni Eunice.

"Euniceeeeeeeeee!" mas nilakasan ko yung sigaw ko.

"Ikaw na ba yan? Anong nangyari at naisipan mo yatang maglugay ngayon?" tanong niya. Wow! Yung buhok ko talaga yung unang napansin niya. Tss! Malamang. Mas nagmukha akong witch eh.

"Ito naman! Ang OA, huh! Nawala lang yung tali ko. Bibili na lang ako mamaya sa bangketa," plain kong sabi.

"Wag na! Mas okay nga yan sayo eh! Magugustuhan ka na ng mga kaklase nating lalaki!"

Sa halip na matuwa ako, na-disappoint ako sa sinabi niya. Akala ko kasi si Top na ang sasabihin niya. Akala ko mapapansin na rin ako ni Top, finally! Hindi niya na siguro makakalimutan ang pangalan ko kapag naging mukhang tao na ako ng 3%. Pero iba yung sinabi niya.

Ay ano ba yan Yanna! Akala ko ba naka-move on ka na sa kanya? Akala ko ba hindi mo na siya iisipin at ibabaon mo na siya sa limot. Tutal hindi naman siya marunong mag-memorize ng pangalan.

"Yanna! Lutang ka na naman! Akala ko ba bagong buhay na! May pa-text-text ka pa sakin na magbabagong buhay ka na! Nabawasan pa tuloy ang regular load ko dahil may pa-pasaload-pasaload ka pang nalalaman diyan! Akala ko naman may emergency yun pala ite-text mo lang ako na magmo-move on ka na kay Top," tuloy-tuloy na wika ni Eunice.

"Daldal mo," maikling sabi ko.

"Hay! Kainis ka! Kotongan kita diyan eh! Ibalik mo kaya yung load ko!" bulyaw niya.

"Ang ingay mo naman kasi. Dada ka ng dada! Hindi naman ako nakikinig sayo. May iniisip ako, okay?"

"May iniisip? Kailan ka pa nagkaroon ng isip, aber?"

"Aba! Nagsalita ang may isip!"

Tinulak niya ako. Mahina lang naman pero tumama ako sa puno ng mangga. May forest kasi dito sa school. Hahaha joke, bundok lang.

Naglalakad kami papuntang pila. Maraming napapatingin sa akin. Ganun na ba ka-big deal ang paglulugay. Kung alam ko lang, nagpakalbo na lang sana ako.

"Ano bang iniisip mo? Mukhang seryoso ka kasi diyan eh. Akala ko nagjo-joke ka lang na nag-iisip ka. Tuwing maliligo lang kasi kita nakikitang mag-isip," sabi ni Eunice.

"Paano ba mag-move on?" tanong ko.

"Eh di humakbang ka! Wag tanga, please!" tugon niya.

"Wow, thank you, huh! Laking tulong," sarkastiko kong sabi saka humakbang nang malapad.

One-Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon