Heartbreak #5

150 7 0
                                    

It hurts to see someone you love, loves someone else.

**

"Malapit na ang prom ah. May damit ka na?" tanong ko kay Eunice.

"Hindi naman problema ang damit eh. Marami akong mahihiraman dyan. Ang problema, wala akong date. Alam mo naman. Strict sila pagdating sa ganitong event. Bawal pumasok ang walang date."

"Oo nga. May rules nga pala. Ngayon na ibibigay sa boys yung mga singsing di ba?"

Tumango siya.

May singsing kasing binibigay sa boys tuwing may ganitong event. Isang pares ang singsing na binibigay sa kanila. It means dalawa. Parang couple ring, ganun? Ibibigay nila yung isa sa babaeng gusto nilang maging date sa prom. Depende na sa kanila kung paano nila ibibigay yun sa babae. Pagdating naman sa prom kailangang suot nila pareho yung singsing. Yung singsing ang pinaka-gate pass. Pwede rin namang taga ibang school yung date basta may suot itong ring. Mukha bang unfair kasi ang mga lalaki lang ang binibigyan ng singsing? Hmm, hindi naman unfair kasi pwede namang humingi ng singsing ang mga babae kung gusto nilang taga ibang school ang date nila.

Ngayon na ibibigay yung mga singsing kaya ibig sabihin pwede ng maghanap ang mga lalaki ng date nila sa prom.

Alam niyo naman siguro kung sinong gusto kong maging date. Kaso mukhang alanganin. Hindi ko kasi alam kung sinong yayayain ni Top.

Kung hindi niyo maitatanong, hanggang ngayon kasi naguguluhan pa rin ako. Hindi pa rin ako sigurado kung totoo ngang gusto ako ni Top at kung may balak pa ba talaga siyang ligawan ako. Nitong mga nakaraang araw kasi hindi na kami madalas magkita. Hindi ko na rin siya nadadatnan sa library kung saan madalas siyang tumambay. Akala ko simula nung na-detention ako, magbabago na ang lahat. Akala ko umpisa na yun ng unang kabanata ng kwento namin. Akala ko hindi ko na mararanasan yung feeling ng one-sided love. Akala ko kahit papaano may improvement. Akala ko kahit papaano mababawasan yung sakit na nararamdaman ko na hindi ko naman alam ang totoong dahilan.

Bakit ba kasi ganito ang pag-ibig? Parang tape. Kadalasan one-sided.

"Tara na Yans! Kain na tayo!" nabalik ako sa ulirat nung tapikin ako ni Eunice sabay hila sa akin papunta sa cafeteria.

Pagkapasok namin sa loob, nahagip agad ng mga mata ko si Top na napapaligiran ng mga haliparot.

Siguro hinihingi yung kapares ng singsing niya. Ang dami nila. Mukhang wala na talaga akong pag-asa. Kung hindi niya man ibigay yun sa isa sa mga haliparot na nakapaligid sa kanya, malamang sa girlfriend niya ibibigay yun.

Pero...

Posible kayang kay Eunice niya ibigay yun? Iba kasi ang tingin niya kay Eunice eh. Kinukutuban kasi ako eh.

Iniisip ko pa lang, dinudurog na ang puso ko.

"Yanna! Uy Yanna! Sino bang tinitingnan mo dyan?" sabi ni Eunice saka lumapit sa akin at hinanap ang tinitingnan ko.

"Wala. May naisip lang ako."

Pero...

"Si Top na naman," wika niya.

"H-hindi! M-may naisip lang talaga ako, promise! Ngayon ko nga lang siya napansin eh," pagsisinungaling ko.

"Palusot."

Halos mapatalon naman ako sa kinatatayuan ko nang mapansin kong biglang tumayo si Top at nakatingin siya sa direksyon namin.

Ito na ba yun? Ito na ba yung part na iiyak ako? Pwedeng pa-delay?

Kumawala naman sa dibdib ko yung puso ko nung lumapit siya samin.

Mukhang ito na nga yun. Mukhang hindi na pwedeng i-delay.

One-Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon