Half of my heart says "He doesn't even like me"
Half of my heart says "I don't care"**
Napatitig ako sa likod ni Eunice na naglalakad palayo sa amin ni Top.
Akala ko ba ayaw ni Eunice na mapalapit ako kay Top? Bakit parang pinapaubaya niya na ngayon ako sa gwapong nilalang na nasa harap ko ngayon?
Baka naman naawa siya sa pagiging zero love life since birth ko kaya siya na lang ang gumawa ng paraan para suyuin ako ni Top? Pero hindi eh! Paano niya naman gagawin yun, eh hindi naman sila close ni Top?
Baka naman nagmakaawa siya kay Top na ligawan ako? Hindi pa rin pwede eh! Hindi naman ganung klaseng tao si Eunice! Hindi yun magmamakaawa.
"Pollyanna?"
Nabaling ang tingin ko kay Top na nagsalita.
Nakanganga lang ako habang nakatitig sa kanya. Seryoso ba siya? Nasa realidad ba ako? Baka mamaya nasa dreamland pala ako at magulat na lang ako sa biglang pagsampal sa akin ng katotohanan.
Nakinig naman ako kanina sa teacher ah? Naintindihan ko naman yung mga ni-lesson. Paano ako makakatulog at mananaginip ng ganito?
Napatingin ako sa paligid. Halos lahat ng tao nakatingin na sa amin.
Yung iba nagbubulungan kung bakit daw may hawak si Top na bouquet at kung bakit nakaharap siya sa akin. Yung iba naman sinasabing ginayuma ko raw siguro si Top. Yung iba naman sinasabing walang taste si Top sa babae. Yung iba sinasabing baka nantitrip lang si Top. Yung iba sinasabing nasisiraan na raw ng ulo si Top. Yung iba ang sama lang ng tingin sa akin.
Ni isa wala man lang magandang sinabi. Ganun na ba talaga kababa ang tingin nila sa akin? Sabagay, tama naman sila. Isa lang akong mababang tao. Dapat hindi ko na ipinipilit ang sarili ko sa bagay na hindi naman para sakin.
Siguro kailangan kong panindigan yung desisyon ko na mag-move on na kay Top. Baka tama nga si Eunice. Hindi ko siya pwedeng mahalin kasi hindi niya ako kayang mahalin pabalik. Masasaktan lang ako.
Muli, nagtama ang mga mata namin. Agad naman akong tumingin sa baba at tinalikuran siya.
Yung ginawa ko... 100% na taliwas sa sinasabi ng puso ko.
Kahit na hindi ko alam kung seryoso ba siya sakin, pakiramdam ko mali yung ginawa ko. Parang maling-mali. Ang sakit sa dibdib... Pero hindi. Ito ang tama. Mas masasaktan lang ako kung hahayaan ko ang sarili kong mapalapit sa kanya.
Kasi...
Baka pag hinayaan kong mapalapit ako sa kanya... baka hindi ko na kayaning mapalayo sa kanya.
At hindi yun pwedeng mangyari kasi... kasi hindi ko alam!
Lumakas ang bulungan nang talikuran ko si Top. Sa sobrang inis sa akin nung iba, pinagbabato pa ako ng crumpled paper, yung iba notebook.
Tumama pa sakin yung spring ng notebook kaya nagkasugat ako sa mukha.
Pero wala pa yan sa sakit na nararamdaman ko sa loob.
Bago pa tuluyang pumatak ang luha ko galing sa mga mata ko, naramdaman ko ang mainit na katawan ni Top na bumalot sa akin. Yakap-yakap niya ako habang papunta kami sa kotse niya.
Pinasakay niya ako. Nanghihina ako kaya hindi na ako nakatanggi.
Pagpasok ko, agad na tumulo ang luha na kanina pa nagbabadyang tumulo sa mga mata ko.
Umikot siya at sumakay sa driver's seat.
"Hey, I'm sorry," aniya.
Hindi ako sumagot.
BINABASA MO ANG
One-Sided Love
Historia CortaThe longest distance is not from north to south, it is when you are standing in front of him and he ignores you because he is busy looking at her. I look him more than he notices. I want him more than he thinks. I love him more than he knows. Why am...