Kabanata 21: Kasaysayan ng Isang Ina

5.8K 10 0
                                    

Sa narinig mula sa kusinero ay kumaripas ng takbo si Sisa pauwi sa kanilang bahay. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga pangitain na dadamputin ng mga Guwardiya Sibil ang kanyang mga anak at ang bintang na pagnanakaw ng salapi ng dalawang bata. Namataan niya ang mga Guwardiya Sibil na papalayo sa kanilang bahay, bagay na nakagaan sa kanyang takot sapagkat hindi nito kasama ang kanyang mga anak. 

Gayunman, sa sumunod na sandali, muling nangamba si Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang Guwardiya Sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga Guwardiya Sibil. At sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwartel.

Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga Guwardiya Sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay nasa kabayanan na.Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatapos pa lamang ng misa. Halos malusaw sa kahihiyan si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid ang iisang damit. Ang buhok naman nya daig pa ang sinabungkay nag dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig ng takasan ng katinuan 

Sa bawat paglipas ng ilang sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagbag ang damdamin ng Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din siyang nakatulala sa isang sulok.

Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Dagling umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod ,at sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Patakbo siyang bumalik sa bahay.

Namataan niya ang punit na damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hindi niya matanggap ang nasilayan at nilamon ng pighati ang kanyang katinuan. Nagpalaboy-laboy siya sa lansangan habang sinasambit ang pangalan ng kanyang mga anak.

Noli Me TangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon