Kabanata 13: Mga Babala ng Sigwa

8.6K 11 1
                                    

Bumaba si Ibarra sa karwaheng punumpuno ng alikabok sa tapat ng libingan, mapapansin na malayo ang nilakbay, kasunod na bumaba ni Ibarra ang matandang utusan “kaagad na nagtungo ng walang kibo sa sementeryo kasama ang matandang utusan.

Agad nitong hinanap ang puntod ng ama na si Don Rafael. Ayon sa kanyang katiwala, ang libingan ay may malaking Krus, tinamnan niya ng mga bulaklak, may halamang adelpa, sampaga at pensamyento. Nasalubong nina Ibarra ang sepulturero at tinanong nila ito ang libingan ng kanyang ama. Pinagtapat naman ng sepulturero na itinapon ang bangkay sa lawa dahil mas mabuti pang malunod na lamang ang bangkay kaysa mabaon kasama ang mga tsino, ang bagay na pinag-utos ng dating kura. matagal na tinignan ni Ibarra ang tagapaglibing habang nakadiin sa mga balikat nito ang dalawang nakakuyom na kamay ng galit na galit na binata at ang matandang utusan ay napaiyak sa narinig. Sa matinding galit at poot ay tumalikod at parang baliw na nagmamadaling umalis si Ibarra. Sa kanyang paglakad ay hindi nya napansing natatapakan niya na ang mga buto, mga libingan, at mga krus.

Palubog na noon ang araw at sa dakong silangan ay nagbababala ang pagbagsak ng ulan. Naglalakad ng walang sombrero si Ibarra wala ni isang patak ng luha sa kanyang mata. Tinawid niya ang kabayanan, patuloy na naglakad hanggang sa labas nito kung saan nakatayo ang kanilang matandang bahay na naliligiran ng pader na matagal na niyang hindi nakikita. Napako naman ang kanyang tingin sa isang paring noo'y kanyang makakasalubong. Ito ay ang kura ng San Diego. Iniwasan ng tingin si Ibarra ng kura ngunit mabilis na lumapit si Ibarra at mariing hinawakan ang balikat ni Padre Salvi. Tinanong o humingi ng paliwanag si Ibarra sa pari kung bakit nagawa nitong lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama. Ipinaalam o sinabi naman ng pari na ang may kagagawan ng yon ay si Padre Damaso. at binitawan naman ito ng binata at tinampal ang noo. Nagtuloy naman ito sa bahay at iniwan ang pari. Kasunod ni Ibarra ang matandang utusan tinulungan naman nitong tumayo ang kura.

Noli Me TangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon