Kabanata 19: Mga Karanasan ng Isang Guro

5.1K 10 0
                                    

Matiwasay ang lawang napaliligiran ng mga bundok na parang hindi dumaranas ng unos Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –ayon sa kanya, kasama si Tinyente Guevarra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging magawa nuon kundi makipaglibing. Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa San Diego, si Don Rafael ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.

Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro.

Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay tagalog. Madalas din itong mamalo at pagmumurahin ang mga bata kapag nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng kwarto, kung saan nag-aaral ang mga bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang mga magulang naman ay pinapanigan ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang epektibong paraan ng pagdedesiplina at pagtuturo. Ang pakikialam ng Pari, at ang maraming mga balakid sa pagtuturo ang naging sanhi upang magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik upang magturong muli, higit pang nabawasan ang bilang ng kanyang mga mag-aaral. Laking pasasalamat niya ng hindi na si Padre Damaso ang kura sa San Diego, kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan ng kanyang mga mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang kanyang mga aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa relihiyon.

Sa mga binanggit na ito ng guro, nangako naman si Ibarra na gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang matulungan ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor.

Noli Me TangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon