Kabanata 3: Ang Hapunan

8.6K 18 3
                                    

Matapos ipaalam sa lahat ng bisitang handa na ang hapunan, isa-isang nagsidulog ang mga panauhin sa hapag kainan. Siyang-siya si Pari Sibyla samantalang inis na inis naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng upuang nakaharang hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa Tinyente sapagkat natapakan ang buntot ng kanyang bestida.

Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na umupo roon.Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Padre Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo. Anyong uupo na si Padre Sibyla, napansin niya ang Tinyente at nagkunwaring iaalok ang upuan. Pero, tumanggi ang Tinyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari. 

Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang Kapitan sabay sabing "huwag mo akong alalahanin". Sinimulan ng idulot ang pagkain,Ipinasok ng utusan ang tinola at ipinamahagi sa mga panauhin, Napunta kay Padre Damaso ang isang pinggang puno ng upo, sabaw, kapirasong leeg, at maganit na pakpak ng manok. Ang iba nakakuha ng pitso at hita, Si Ibarra ay nagkataon na  puro masasarap na bahagi ng tinola ang napunta sakanya. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok para kay Ibarra.

Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja na kung gaano katagal na itong wala sa kanilang bayan, siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.

Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupuntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagusap. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran. Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at kagipitan ng bayan. Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabat si Padre Damaso. Walang pakundangang ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang nakita o natutunan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito. Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari. Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling madalas na pumunta sa kanila si Padre Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-kainan. Hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso.

Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang babalik kinabukasan din. Nagsabi-sabi naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyan diin niya na ang pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na makapag-aral sa Espanya. Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo, ang may handa ay walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain.

Noli Me TangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon