Broken String

3.1K 127 30
                                    


Ilang daang taon na rin akong nabubuhay. Ilang hari at reyna na rin ng Bloodstone Palace ang napagsilbihan ko. Maraming kamatayan na ang nakita ko. Ilang buhay na rin ang natapos sa mga kamay ko dahil sa aking tungkulin ngunit hindi ko pa rin natatagpuan ang babaeng para sa akin.

"Nakita ko na siya."

Tinignan ko si Faustus, ang aking mahal na kapatid. Ang malamig at seryoso niyang mukha ay may bahid ng saya. Wala mang ngiti ngunit kitang-kita ko sa itim niyang mga mata kung gaano siya kagalak.

"Sino?" takha kong tanong.

Tumitig siya sa akin bago bumuntong-hininga. Ang labi niya ay sandaling ngumiti dahil para mabigla ako at mapatawa. Pareho kaming halos hindi nagpapakita ng emosyon lalo na dahil sa aming trabaho ngunit sa pagitan namin, ako ang mas magaan ang emosyon. Si Faustus ay kailanma'y hindi ngumingiti.

"Ang babaeng nakatakda sa akin."

Nanlaki lalo ang mata ko at niyakap siya dahil sa aking galak na nararamdaman para sa kaniya. Napahalakhak ako habang tinatapik ang kaniyang likod bago lumayo sa kaniya. Umiwas siya ng tingin ngunit may bahid pa rin ng ngiti sa labi.

"Maligaya ako para sayo, aking kapatid. Dalhin mo siya rito sa atin at pakasalan mo na agad mamaya."

Umiling siya at sumulyap sa akin. "Hindi gano'n 'yon kadali. Gusto ko muna na magkakilala kami. Iba rin ang lahi na kaniyang pinagmulan."

Tumaas ang kilay ko. "Demonyo ba?"

"Hindi, malayo sa pagiging demonyo. Ang mukha niya ay tila diyosa, walang kapantay. Mahinhin, tahimik, at mayumi siya. Laurelia ang kaniyang ngalan." Habang sinasabi niya ang mga 'yon ay tila kumikislap ang kaniyang mga mata, animo'y nangangarap.

Napangiti ako. Pareho kaming matagal ng naghihintay para sa aming beloved ngunit heto siya, natagpuan na niya. Inalis ko ang lungkot at inggit na nararamdaman ko. Masaya ako para sa mahal kong kapatid at ayokong mag-alala siya sa akin ngayong labis siyang nagagalak.

Kumunot ang noo ko nang maramdaman na bumigat ang kaniyang emosyon.

"Ano ang problema, Faustus?"

"Nag-aalala ako, Leo. Paano kung mapahamak siya sa akin kapag nawala na naman ako sa kontrol?"

May sakit ang kapatid ko. Hindi namin alam kung saan nagmula, basta, may mga panahon na nawawala ito sa sarili. Nawawalan ng kontrol at sadyang mahirap kalabanin.

Binigyan ko siya ng ngiti at tinapik ang kaniyang balikat.

"Hindi mo siya masasaktan. Magtiwala ka sa sarili mo, mangingibabaw lagi ang kabutihan mo para sa iyong minamahal."

Bumuntong-hininga si Faustus bago tumango. Tumayo ako at inilahad ang kamay sa harap niya.

"Halika na. Kailangan pa natin palakasin ang hukbo. Tuturuan natin ang mga baguhan."

Tumango siya at tinanggap ang kamay ko. Nang magbitaw kami ay sabay na kami naglaho sa hangin patungo sa training hall.

"Ano kaya ang mas magugustuhan niya rito?" bulong ni Faustus habang namimitas ng bulaklak sa hardin ng palasyo. Kaming dalawa ang nagtanim ng mga iyon.

"Ibigay mo ang lahat ng klase," saad ko at nagkibit-balikat. "O 'di kaya, ito muna ngayon..." itinuro ko ang puting rosas. "Sa susunod naman ang iba. Kahit ano ma'y tiyak magugustuhan niya dahil sabi mo nga, simpleng babae si Laurelia."

Tumango siya. "Nagtatanim na rin ako sa hardin ng tirahan ko roon sa mundo ng mga tao para kapag magsasama na kami ay maganda ang makikita niya. Pinaayos ko na rin ang mansion, ayokong ang maabutan niya ay ang walang buhay na tirahan ko."

Bloodstone: Drops of Untold MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon